Dati hindi ako naniniwala kay Kupido
Sus , likhang isip lang yan ng mga tao
Ngunit nung makilala kita
Nag eexist nga talaga siya
Ako ay nagpapasalamat kay Kupido
Kasi nagkaroon ng kulay ang aking mundo
Mula nang pinana ka niya at ako
Aking araw at gabi ay buong buo
Ako ay nagpapasalamat sa kanya
Dahil ikaw ang kanyang pinana
Daig ko pa tuloy ang binigyan ng pamana
Sa pagmamahal mo pa lang ako'y kuntento na
Kaya Kupido mabuhay ka!
Date written : July 8 , 2017
---
NOTE :
Gusto ko lang ilagay dito sa Poetica ang mga nagawa kong tula noong mga panahong nagmamahal pa ako. Hahahaha. Sayang naman kasi kung idedelete ko lang. Pinaghirapan ko pa rin yung pagbuo sa tula. Ayun lang. Salamat po sa patuloy na pagbabasa ng mga gawa ko. ❤
BINABASA MO ANG
Poetica
شِعرMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.