Sa ating tatlong taong pinagsamahan.
Ako'y nagpapasalamat aking mga kaibigan.
Tandang tanda ko pa ang mga iyakang ating pinagsaluhan.
At malalakas na tawanan dahil sa ating mga kalokohan.Mga pangbubully at asaran na mauuwi sa tawanan.
Minsan naman ay di nagpapansinan dahil sa ating mga tampuhan.
Pero mapapansin na lang nagsisimula na ulit magkulitan.
Tayo yung magtrotropa kung makatawa ay parang wala nang kinabukasan.Kapag may isang nadapa o natapilok tatawanan muna bago tulungan.
Kapag may nabroken hearted sa atin lalong kinakantyawan imbes na payuhan.
Pero lahat ng bagay ay ating napagkakasunduan.
Sabi nga ng iba magkakadikit daw ang ating bituka kasi magkakasama tayo kahit saan.Tanggap natin ang bawat isa.
Kahit walang laman ang ating bulsa.
Sa bawat isa tayo ay umaasa.
Para sa pag-susulit ay laging pasa.Ito ang ating mga pangako.
Na pinagsamahan natin ay hindi maglalaho.
Mananatili sa ating mga puso.
Panahon man ay magbago.
BINABASA MO ANG
Poetica
PoésieMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.