Oras na gustong patagalin sa tuwing kayakap ka
Oras na gustong hilahin sa tuwing di ka kasama
Oras na gustong pahabaiin upang mahagkan ka pa
Oras ay gusto kong pahintuin sa tuwing kapiling ka
Sana maaari kong gawin ito
Oras sana ay aking kontrolado
Oras sana ay nababago
Isa ito sa mga pangarap ko
Oras sa atin ay mahalaga
Kaya naman oras natin ay sinusulit talaga
Dahil oras lang naman ang ating pinanghahawakan
Sa mundong itong puno ng kahiwagaan
BINABASA MO ANG
Poetica
PoetryMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.