Untitled

18 1 0
                                    

Ika labing lima nanaman ng buwan
At ito ay ikatlong buwan ng ating pagmamahalan
Ikatlong buwan mula nung ika'y aking sinagot
Alam ko na tayo ay madami pang pagdadaanan kaya magbehave ka kundi sa akin ika'y lagot

Mga pangako na ating gagawin
Mga pangarap ay magkasama nating tutuparin
Tila ba walang titibag sa ating pagsasama
Mula simula hanggang dulo tayo pa ring dalawa

Tandaan mo lang na mahal na mahal kita
Walang kapantay ang pagmamahal ko sayo aking sinta
Ikaw lang iibigin ng aking puso huwag kang mag alala
Kahit ako man ay tumanda

Mag aaway lang tayo pero di tayo maghihiwalay
Magkasama nating sasalubungin ang bukang liwayway
Nakangiti nating dadaanan ang lahat ng problema
At magkahawak kamay nating tatadyakan ang eepal sa ating gitna

Nakakabighani mong ngiti ay tila dinadala ako sa alapaap ng saya
Kaya sana sa simpleng tulang ito ay napangiti kita
Kahit kelan ako ay di magsasawa na sabihan ka ng mahal na mahal na mahal na mahal kita
Ang tanging dasal lamang ay ika'y aking makita at mayakap na

---
SAYANG NAMAN PO KASI KUNG BUBURAHIN KO ITO PINAGHIRAPAN KO DIN NAMAN ITO GAWIN HAHAHAHAHA!

PoeticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon