Bakit?

34 2 0
                                    

Bakit pa kita nakilala?
Kung ang kahahantungan ay ganto lang pala
Bakit minahal ko pa ang isang katulad mo?
Kung sasaktan mo lang pala ako

Bakit di ka magawang gantihan?
Bakit di ka magawang kalimutan?
Mga ala-ala nating di ko maiwan
Ala-ala na ating pinagsamahan

Nababaliw na kakaisip sayo
Nababaliw na kakaalala sa kalagayan mo
Pero ang tanong naiisip mo din kaya ako?
Masama bang umasa pa ako?

Sa mga yakap at halik mo'y sabik na sabik
Aasa na ika'y muling bumalik
Tanga na kung tanga
Pero mahal pa din kita

PoeticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon