Bakit tila hindi maintindahan ang aking nararamdaman?
Minsan nasisiyahan ngunit minsan nasasaktan
Napapangiti kung ako'y iyong kausapin
Napapangiwi naman kung ako'y iyong ignorahinNagsimula sa simpleng kamustahan
Hanggang sa nauwi sa malalim na pagkakaibigan
Mga tawanan at kalokohang ating pinagsamahan
Sa paglaon ng panahon ay aking 'di malilimutanPusong 'di mapakali sa simpleng pagbigkas mo lang ng aking ngalan
Mga araw na lumipas na di ka kausap ay nais nang hatakin dahil sa kabagalan
Kapag nandyan ka naman puso ko'y nag uumapaw sa kasabikan
Gusto kang kausap magdamag na para bang wala nang kinabukasanSa paglaon ng panahon ay lalo yatang lumalalim ang aking nararamdaman ngunit...
Dahil ayokong masira ang ating pagkakaibigan
Kaya sarili ko'y akin nang nililimitahan
Sapagkat kuntento na ako sa kung ano ang ating samahan
BINABASA MO ANG
Poetica
PoesiaMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.