Takot akong mag mahal noon
Ngunit tinuruan mo muling umibig ang pusong nakasirado na
Pinaramdam mo sa akin na mahalaga ako sayo
Pinaramdam mo na ako langAraw araw kausap ka
Kulang na lang ay magsama tayo sa iisang bahay
Di tayo noon mapaghiwalay
Kung nasaan ako nandun ka dinIkaw ang nagsilbing liwanag sa madilim kong buhay
Sa mga problema ko ay kasama kita
Sa kasiyahan tayo ay magkasama
Sa harutan at kulitan ating pinagsaluhanNgunit anong nangyari?
Bakit ang ating masasayang araw ay napalitan ng pighati?
May nagawa ba akong mali?
Ayaw mo na ba sa akin?Lahat ng katanungang nabuo sa aking isipan ay nasagot
Nasagot noong nakita mismo ng aking mga mata
Yakap yakap mo siya
Halata sa mukha mo ang kasiyahanNatulala man sa aking nakita ngunit naging matatag pa din
Wala akong sinabi ni isang salita
Ni hindi ako umiyak
Ni hindi ko kayo nilapitanAko ay titig na titig sa inyo
Ang dating ginagawa natin ay sa kanya mo na ginagawa
Siya na ang katawanan mo
Siya na ang kakulitan moBigla kayong napalingon kung nasaan ako
Halata sa mga mata niyo ang pagkagulat
Nilapitan niyo akong dalawa habang kayo ay magkahawak kamay
Bakit kailangan niyo pang ipamukha?Isang katagang ayoko marinig
Isang katagang napakasakit
Isang katagang hindi ko aakalain na sasambitin mo sa akin
Isang katagang dahilan ng aking pag iyak"Sorry"
Sabay niyo pang sabi
Mga luhang kanina ay wala
Ngayon ay parang kasali sa isang marathon na nag uunahan
Ngumiti ako kahit napakasakit"Ingatan mo ang aking matalik na kaibigan."
Huling katangang aking binitiwan
Bago luhaang nilisan ang lugar
Lugar kung saan tayo unang nagkakilala.---
Isa to sa mga tulang sinulat ko noong 2017. Yung mga kaibigan ko kasi noon ay broken hearted kaya pati ako broken nun kasi nakikita ko nasasaktan sila. Kaya ayan nasulat ko yan. Yan yung panahon na hindi pa ako marunong magsulat ng tula na tugma tugma ang dulo.
BINABASA MO ANG
Poetica
PoetryMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.