Te Amo ❤

79 3 0
                                    

Sabi nila sa mundong ito
May isang taong nakalaan para sayo
Maghintay ka lang daw at darating siya
Yung taong mamahalin at pahahalagahan ka

Huwag ka daw magmamadali
Kasi lahat daw ng nagmamadali laging naiiwanan palagi
Kaya ako ito naghintay ng ilang araw , buwan at taon hanggang sa dumating ka
At sa pagdating mong iyon ay di ka na pinakawalan pa

Sabi nila pag nahanap mo na daw ang 'the one' mo ito daw ay pahalagahan mo
At ingatan na para bang mas mahal pa sa pinakamahal na bagay sa mundo
Ito daw ay parang isang sanggol na dapat alagaan
Huwag mong paiiyakin , sasaktan at iiwanan

Sabi ko naman di naman pala masamang maghintay kasi worth it naman
Di naman pala masasayang kasi tayo ay may patutunguhan
Napapangiti ako mag isa habang ginagawa ang tulang ito
Sige na nga aking tatapusin ang tulang ito sa isang mahiwagang salita , TE AMO!

PoeticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon