Author's Note

2.8K 235 20
                                    



Hey, guys! Here's an explanation for the things that Richard said during the cemetery scene featured in the last chapter. Paki-basa, thank you!  (Line by Line breakdown) (These are my thoughts after I wrote that part but you can still interpret it anyway you want.)

I came here to tell you something ... I think Maine's the one. And because of that, I decided na magpro-pose na sa kaniya - Sinabi niya agad yung tungkol sa kanila ni Maine. I think that's sweet and it's a sign na nakapag-move on na talaga siya.

I decided to tell you this because we promised to always be honest and open to each other, remember? And I thought you deserve to know because you were my queen – Importante pa rin kay Richard LAHAT ng pinagsamahan nila. And did you notice he said 'were'? Past tense na yun, which means tapos na ... wala na ... Lorraine WAS his queen pero may bago na. Alam niyo na kung sino yun. :)

Nothing will ever compare to our time together – This line is pretty simple to interpret naman. Hindi lang TOTGA si Lorraine sa buhay ni Richard, siya din yung first love nito. And you know what they say, first love never dies. At sa lalim ng pinagsamahan nila pati na rin sa tagal ng panahon na magkasama sila, mahirap talagang pantayan yung ganon. Lalo na sa story, dahil wala pa namang isang taon simula nung magkakilala si Maine and Richard, siyempre hindi pa ganon kalalim at talagang hindi pa pwedeng i-compare. Isa pa dun is ayaw ni Richard i-compare si Maine kay Lorraine. Kahit sa previous chapters naman di ba? Lagi niyang sinasabi na magkaiba yung dalawa. Uncomfortable nga siya kapag kinakabit yung pangalan ni Maine kay Lorraine eh. He also knows na mahaba pa yung panahon na magkakasama sila ni Maine at marami pang good memories na pwede nilang gawin kaya there's really no need to compare the two, at least not yet.

... but I'm definitely happy with the life I have now – Eto na nga , alam ni Richard na wala pang makakapantay sa pinagdaanan nila ni Lorraine pero he's still very happy dun sa current state ng buhay niya. In love siya sa isang babae na nakakapag-pasaya at kumukumpleto sa kaniya. Part na rin to ng closure sa chapter ng buhay niya with Lorraine. He spent years fooling around kasi hindi pa siya nakakahanap ng babaeng pwedeng pumantay kay Lorraine. Pero dahil dumating na si Maine sa buhay niya, eh handa na siyang iwanan sa nakaraan si Lorraine.

I miss you, Lorraine. I hope you're happy for me ... and I hope you're somewhere peaceful. You deserve it - I think some of you forgot na that they were practically best friends too, hindi lang sila mag ex. At kung mamatay yung isang taong sobrang malapit sa iyo, siyempre mami-miss mo siya di ba? Goodbye message na niya rin to kay Lorraine, lalo na yung part na 'I hope you're somewhere peaceful'. Wish na niya na makapag-pahinga ng maayos yung spirit ni Lorraine.

And spoiler alert, guys! Ipapakilala ni Richard si Maine kay Lorraine soon. Yun na yung magiging end ng part ni Lorraine sa kwento. Makakatulong rin yung para mawala na yung agam-agam ni Maine na hindi pa rin nakakapag-move on si Richard sa ex niya.

Lastly, 10 chapters na lang pala! Kaya wala ng bibitaw dahil sabay-sabay nating makikita (o mababasa, lol) kung paano magtatapos yung story nila. Wala ring sequel to. Thank you!

Neighbors | MaichardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon