Chapter 2

34 6 0
                                    

Azalea's Point Of View

Nasa ospital ako kung saan napapalibutan si daddy ng maraming machine na nakatutulong upang mapabilis ang kanyang paggaling. Si tita Mel na kanyang kapatid ang laging nagbabantay sakanya. Pumupunta ako dito kapag wala akong pasok o di kaya pag uwi ko ng hapon pero hindi ako masyadong nagtatagal. I can't help daddy. Nahihirapan rin ako sa kanyang kalagayan. It's been a month but still he's not awake.

Sabado ngayon kaya pupunta ako sa ospital upang bantayan si daddy pero gusto ko muna siyang bilhan ng mga prutas baka sakaling magising na siya.

Pinapasok ko na ngayon ang daan patungo sa kwarto ni daddy. Wala paring pinagbago. Linapag ko ang isang basket na prutas at isang buntong hininga agad ang aking pinakawalan. I just stayed in his room habang hawak hawak ko ang isa niyang kamay.

"I hope you'll be fine now dad. Not soon but now.I miss you" kinausap ko lang si daddy at hinalikan ko siya sa pisngi bago lumabas ng kanyang kwarto..

Nagtungo ako sa chapel ng ospital nato at lumuhod upang magdasal. Sa kalagitnaan ng aking pagdadasal, uminit ang aking mukha dahil sa mga luha kaya naman agad kong pinunasan. Napaupo ako sa upuan at isang lalaki ang nakatayo malapit saakin na nagoofer ng isang panyo. Kinuha ko iyon saka ako nagpasalamat.

"Thanks" sabi ko. Tumango lang siya at umupo na rin sa tabi ko.

"Tahan na" sambit niya "Ayoko kasing nakakakita ng babaeng umiiyak e" pagpapatuloy niya

"Daddy is in coma. Kung ayaw mong nakakakita ng umiiyak, sana hindi ka nalang nag atubiling lumapit" sambit ko

"I'm sorry" pagpapaumanhin niya. "My mom is also in coma. 2 months ng hindi gising. Parehas lang tayo. I hope we can both do this " aniya.

I sighed. "I hope so"

"Think positive ano ba. Let's trust Him" napangiti siya pagkasabi nun. Maybe I'm too nega nga. I should trust God.

"Yeah. You're right" pagkasabi ko nun ay agad siyang tumayo at tumalikod kaya inunahan ko "Hey! Wait!" Sigaw ko. Humarap naman siya at hinihintay ang aking sasabihin habang nakakunot and kanyang noo. "I'm Azalea Serrano" pagpapakilala ko habang nakataas ang aking kamay upang makipagkamayan.

Napangiti siya sa ginawa ko "Joshua Ramirez" saka tinanggap ang aking kamay. "Friends?" Dagdag niya.

"Best Friends?" Pabalik kong tanong.

He smile sweetly and answered "Best Friends"

Niyaya niya akong kumain sa labas kaya naman pumayag ako. Kumain lang kami saka nag getting to know each other thingy. Isa lang ang alam kong sigurado ngayon at yun ay ang mapagkakatiwalaan siya. I feel comfortable kahit na kakakilala ko lang sakanya.

After that breakfast, bumalik ulit kami sa ospital. Nakakatuwa lang kasi 3 rooms lang yung agwat namin sa isa't-isa. Meaning, mas mapapadalas kaming magkita. Nag exchange kami ng cellphone numbers. Napag alaman rin naming we are both studying at the same school. Transferee siya and he's also in 4th year section B habang ako 4th year section A. Lagi daw niya akong nakikita pero hindi ko pa siya nakikita sa school.

Napangiti nalang ako sa harapan ni daddy na hindi pa gising. Niyakap ko siya at binigyan ng halik sa noo. Tinawagan na ako ni tita Mel at sinabihang umuwi muna kaya sinunod ko iyon.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni tita Mel ng isang halik sa pisngi "Kumain kana ng lunch Az?" Panimula niyang tanong. Umiling ako bilang sagot. Paakyat na sana ako ng kwarto upang makapagbihis ng nagsalita siya ulit. "Az. Don't blame Janine. Don't let her be the one suffering. Wala siyang kinalaman." aniya

"Tita" agad akong bumalik sakanya at binigyan ng isang mahigpit na yakap "Opo. I slapped her. I want her to suffer, but...*sob*....But I realized na mali iyon. Maling isisi ko sakanya yung *sob* kasalanang ginawa ng kanyang ama. Tita hindi ko po yun sinasadya at nadala lang po ako kaya nasampal ko siya *sob*" eksplanasyon ko

"I know darling. Just don't do it again okay? And don't forget to apologize to her. Go and eat your lunch na" nakangiting paalala ni tita

nginitian ko siya pabalik "Opo. I will apologize to her on Monday tita."

--------------------------------
A/N:
Abangan niyo po yung mga susunod na kwento.😇

Like,vote and comment.
Lavyah😘❤

Wrong Move Of My Past Best FriendWhere stories live. Discover now