Azalea's Point of View
Pagkatapos ng scene na yun ay agad na akong bumaba ng stage at nagderetso sa cr. Naghilamos lang ako tsaka naglagay ng konting lipstick at nagpulbo bago pumunta ulit sa baba ng stage malapit sa kanilang dressing room at dun na ako nanuod. Kung kanina ay isa ako sa mga nakikipag ingay at nag chicheer, ngayon ay bigla na lamang akong natahimik habang nanunuod. Wala na akong ibang naiisip kundi ang halo halo kong mga emosyon. I just wanna need some space, a time for myself rather.
Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit na dulot siguro ng madaming iniisip. Sa pag kakaalam ko, mas matindi pa to kesa sa nawalan ng jowa. Ghaad. Hinimas himas ko lang yung ulo ko ng biglang...
"Hey! Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Rodney saakin.
"Yeah, masakit lang ulo ko, kelangan ko lang tong itulog, ikaw? bat andito ka? Hindi pa tapos yung pageant a?" Nagtataka ko ring tanong
"A-ahm, Gusto ko lang sanang makipag picture sayo kung okay lang, baka kasi di na kita makita mamaya pagkatapos ng pageant" nagpapacute niyang sabi
"Ako talaga? Wow ah, ako nga sana yung magpapapicture sayo e, haha pero madaya ka rin e noh? ang fresh mo tapos ang hagard ko, wag na, next time nalang pag fresh na tayong dalawa"
"Az naman, please. Maganda ka parin naman kahit hagard ka"
"Hayss, bilis lika na nga" tumayo na ako sa pagkakaupo at agad ng nagpwesto "Tag mo nalang ako ah? Para mabilisan lang, mamaya pagalitan ka pa e." tumango naman siya sa sinabi ko bago nagtawag ng isa niyang barkada at kinunan kami ng litrato.
" 5 shots bro,ayusin mo ah" saad niya sa lalaking kukuha ng litrato namin tsaka iniabot yung dslr niya
"Aye! Aye! Captain!" Natatawang saludo ng kaniyang barkada
1,2,3 (click) smiley pose
1,2,3 (click) wacky pose
1,2,3 (click) peace sign pose
1,2,3 (click) thumb's up pose
1,2,3 (click) akbay pose"Thanks bro" pasasalamat ni Rodney
"My pleasure bro, sige dun nako" paalam ng kaniyang barkada na tinanguan lang niya sabay kinindatan na para bang nagkaintindihan sila
"Rod! Halika na, last intermission na yun o" pagalit na tawag sakanya ng bakla na kanya atang make up artist
"Papunta na" sigaw niyang pabalik at inirapan yung bakla
"Tawag ka na o, go na! Gala gala ka pa kasi, makapicturan lang ako, hayss" pang aasar ko sakanya
"Ayaw mo nun? Tinalikuran ko muna yung punyetang pageant na yan makapicturan ka lang" pagmamayabang niya kaya tinawanan ko nalang siya "So? I need to go na" paalam niya
"Yeah, Gud luck Rod! Uwi narin ako, I need to rest. Break a leg!" Pang chicheer-up ko sakanya
"Kaya mo? Pahatid kita sa barkada ko"
"No thanks, I can. Don't worry. Sige, una nako" at tuluyan na akong umalis sa harapan niya
Pagkatalikod ko sakanya ay agad na akong naghanap ng masasakyan pauwi. Habang nasa sasakyan ako ay nakaramdam ulit ako ng lungkot. Yung feeling na hindi ko man lang nacheer yung totoo kong best friend, ni wala man lang kaming picture maski isa.
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong sinalubong nila mommy at daddy
"So how's your performance?" Masiglang tanong ni mommy
"It's fine naman po. Ahmm, Mom and Dad what if, hmmm, magpapaalam po sana ako kung pwede ba akong maghanap ng bar for my gigs every other day? Or 3 nights in a week lang po" wala sa isip kong sabi. Sa pagkakaalam ko, ito yung pinaka ayokong gawin dati, it's not because ayaw rin ni Josh kasi syempre bar yun, gusto ko lang namang subukan yung mga hindi ko pa nagagawa. Parang naghahanap lang ng taong hindi ko pa nakikita. I want to bring out the best in me even without my best friend.
"
No At! Hindi ako papayag diyan" nakapamaywang na sabi ni mommy
"But mommy, dad" pagmamaktol ko "I want to try something new,at syempre gusto ko rin naman pong kumita ng pera na hindi nalang inaaasa sainyo"
"You're still young to go on bars Az, besides your just 16, what do you wanna buy?" daddy
"It's not about something I want dad, it's about something I love to do" Kailangan ko ring matutunan kung pano tumayo sa sarili kong mga paa. I want to sing and I love it too. Hindi pa ba sapat na rason yun para payagan nila ako?
"Pag-iisipan namin" matipid at nag- aalinlangang sagot ni mommy
"Okay, I'm not feeling well po, i need to rest. Just call me upstairs if our dinner is already prepared" at nagsimula na akong umakyat sa aking kwarto
"You know what Az, Hindi sa hinihigpitan ka namin, We love you and we also care for you, what if may mangyari dun, lalo na't hindi sa lahat ng oras ay nanduon kami? Hindi natin masasabi kung kailan darating ang mga kaguluhan at disgrasya sa ating buhay" tumingin ako sakanila at pinatapos si mommy na magsalita. Tumango ako bilang sagot at dere-deretso ng tumalon sa aking kama at nahiga.
Pagkagising ko sa pagkakatulog ay nakaramdam ako ng konting hilo dahil sa sakit ng aking ulo, hiniga ko ulit ang aking katawan at binalot ito ng comforter dahil sa lamig. It seems like magkakasakit ako, lagnat to be specific. Ilang sandali rin akong nakahiga hanggang sa mag aalas singko na ng hapon kaya napabangon na lamang ako kahit na medyo nahihirapan ako.
Lumabas ako sa aking kwarto at nahiga ulit sa sofa. I'm not feeling well talaga. Tinawag ko yung isa naming maid at nagpakuha ng thermometer, hindi ko na talaga kayang bumangon. Pagkaabot na pag kaabot niya saakin ay iniipit ko agad sa aking kili-kili at hinintay na tumunog. Tinignan ko yung temperature ko at nagulat ako nang nakita kong sobrang taas ng lagnat ko. 39°C? Seriously? Ibababa ko na sana yung thermometer ng biglang nagsalita si Daddy
"Are you okay Az? How's your temperature?" tanong ni daddy habang chinecheck yung init ng noo ko "What happened to you Az? Ang init init mo! You need to eat now, we will go to our FD later, so they can check on you as soon as possible."
"No dad. I'm fine. Don't worry about me"
"Ok just tell us when you need something huh?" Paninigurado niya "Ya! Please call for my wife and tell her that she needs to go home now because Az needs her" Utos niya
"Yes Sir"
"Dad I'm hungry na, Can you help me to go upstairs dad? Dun nalang po ako kakain" tumayo kaagad si daddy sa pagkakaupo
"Ya! Padala nalang po sa kwarto ko yung kakainin ko" pakiusap ko kay yaya na tinanguan lang ako
"Don't forget her medicine too Ya ha? " pahabol ni daddy habang inaalalayan ako paakyat ng aking kwarto
"Yes Sir"
Pag kaakyat ko sa kwarto ko ay agad nila akong pinahiga. At saktong alas 6 na ng gabi ay nakauwi na rin sa wakas si mommy.
To be continued...
Happy New Year!
YOU ARE READING
Wrong Move Of My Past Best Friend
Teen Fiction❤Still Ongoing. Free to add on your reading list. Please never expect too much from the author and to this story also. I'm just bored that's why I wrote this. I hope you'll like the outcome of this when its already done.😇