Joshua's Point of View
Pagkatapos ng pageant na yun ay agad akong nagpasyang puntahan si Az. Damn! I really miss her.
Kakapalit ko palang ng damit ng may biglang yumakap saakin. "Hey! Congrats Josh!" bati saakin ni Sidney.
"Thanks" tipid kong sagot tsaka lumayo kaunti sa yakap niya
Naramdaman niya ata yung paglayo ko kaya napaurong rin siya at tinanggal ang kanyang kamay na nakayakap saakin. "Uhmm. Sorry" Nahihiya niyang sabi.
Tinignan ko lang siya at nagpaalam na "Gotta go" tinuro ko yung daan "I need to talk to Az" at tuluyan ko na siyang iniwan.
Nakakawalang respeto yung ginawa ko sakanya pero wala e, badtrip na badtrip na ako. Crap it. Selos na selos na ako sakanila nung Rodney. This is new to me, swear. Tssk.
Nagmadali ako umuwi at agad na pumunta sa bahay nila Az. "Tita? Tito?" tawag kasabay ng pagkatok ko sakanilang pintuan.
Ilang sandali lang ng may nagsalita sa likod ko "Tara,pasok ka nalang Josh" nakangiting sabi ni tita Liz saakin. "Nasa taas siya, may lagnat daw kaya ako biglang umuwi" dagdag niya. Nginitian ko lang rin siya tsaka nagsimula ng humakbang sa loob ng kanilang bahay.
Habang paakyat kami ni tita sa kwarto ni Az ay nakaramdam ako ng matinding tensyon. Ipagtatabuyan niya kaya ako? Fuck! Hindi naman sana. All I want is to say sorry about her.
Pagkapasok ko sa kaniyang kwarto ay agad akong kumawala ng isang buntong hininga. Salamat at tulog pa siya. I'm not ready yet para sa kung ano man ang pwedeng kahihinatnan ng pag uusap namin. Hinalikan lang ni tita Liz ang noo ni Az at tuluyan ng nagpaalam muli.
"Josh, ikaw muna ang bahala dito hijo ha? Painumin mo nalang ng gamot mamaya pag gising na siya, nasa table yung gamot at tubig, iwan ko muna kayo, may pupuntahan kasi kami ng Tito mo" paliwanag ni tita Liz
"No problem tita. I'll take good care of her" pangumbinsi ko. Tita just wave me goodbye at sinara na yung pintuan.
Tinititigan ko lang siya habang natutulog. Making and constructing million words to say when she's already awake. I wanna just move on and let go everything. Kumbaga, isantabi nalang yung mga nangyari and just go with the flow, but this isn't right. We need to explain and solve everything that's bothering us because our friendship affects it.
Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako while our both hands are tied together. I just realized it when my best friend Az, move and pull her hand against mine.
YOU ARE READING
Wrong Move Of My Past Best Friend
Teen Fiction❤Still Ongoing. Free to add on your reading list. Please never expect too much from the author and to this story also. I'm just bored that's why I wrote this. I hope you'll like the outcome of this when its already done.😇