Azalea's Point of View
"Good Morning class"
"Good morning Ma'am" bati namin pabalik.
"I have an announcement" nakapamaywang niyang sabi saamin. "Next week na yung Intramurals nation so finalize your sports" at iniisa isa nga niya yung mga sports na sasalihan gaya ng badminton, volleyball, basketball, lawn tennis, table tennis,sepak, at swimming. "Napagusapan narin naming mga grade 10 teachers yung isasali sa Mr. and Ms. Intrams and we decided that Mr. Joshua Ramirez and Mr. Rodney Olivas, Ms. Cynthia Tio and Ms. Maxine Contillo will be our representatives. Is that okay with all of you?" Paninigurado ng aming guro na tinanguan at hiniyawan lang naming mga studyante.
"Okay,well planned. That's would be all, thank you for listening and I hope all of you will support them. Class Dismiss"
Pagkatapos magpaalam ng aming guro ay nagsilabasan na yung mga classmates ko at kaming apat nalang ang naiwan, ako,si Sidney, Joshua at si ma'am nalang yung naiwan. Lalabas na sana ako ng bigla akong inutusan ni ma'am na iexcuse sina Rodney,Cynthia at Maxine para mapag usapan nila yung about sa pageant. Nang magprisinta si Joshua na sasamahan ako ay biglang umepal tong si Sidney at sinabing sila nalang daw ni Joshua yung magtatawag pero agad naman itong tinanggihan ni Joshua. Wawa naman si Sidney. Nareject hahaha. Attention seeker kasi amputs. Sarap ilampaso e.
"Kami na. We can do it" malamig na tugon ni Josh tsaka niya ako inakbayan palabas ng room.
Tahimik lang kaming lumalakad ni Josh habang hinahanap yung tatlo. Hayss. Ang hirap kaya maghanap ng mga tao.
"Magkakaklase ba yung tatlo?" Tanong ko kay Joshua na nakangisi lang
"Si Rodney at Cynthia lang tapos sa kabilang room si Maxine"
"Ako na magtawag kina Rod tas ikaw kay Maxine para mas mabilis" tugon ko na inayawan naman niya
"Sabay nalang kasi tayo" angal niya "Asdhdjzvhshhb" bulong pa niya na hindi ko narinig
"May sinasabi ka pa?"
"Wala. Ang sabi ko, anjan na yung room nila o, iexcuse mo na sila" Inirapan ko siya pagkasabi niya nun at tinanggal yung kamay niyang nakaakbay tsaka ko sila inexcuse pati na rin si Maxine.
"Susuportahan mo naman siguro ako noh?" Biglang sulpot ni Rod na ang lawak ng ngiti kaya nginitian ko rin siya pabalik.
"Oo naman. Ikaw pa ba?" Kasabay rin ng biglang pag akbay ni Josh saakin. Sinikuhan ko siya pero hindi siya nagpatibag. Binalingan ko si Rodney na nakatingin parin sa kamay ni Josh na nakaakbay saakin kaya agad ko naman tinanggal. I smell something fishy sa dalawang to.
Pagkarating namin sa room ay agad akong nagpaalam sakanila. Pupunta muna siguro ako sa canteen, gutom na rin kasi ako. Nagorder ako lang ako ng pagkain tsaka umupo sa bakanteng upuan sa canteen at nagmeriendang mag-isa.
"Azalea!" tawag saakin ng SSG Secretary
"Ikaw pala yan sexytary" biro ko
"Favor preety please"
"Anything"
"Sabi mo yan ah. Hmmm kelangan kasi namin ng mag iintermission para sa pageant kulang kasi kami ng eh, gusto ka sana naming magperform tutal magaling ka namang sumayaw at kumanta"
"W-WHAT? Seriously?" Tanong ko na tinanguan niya. Shemay lang, first time kong mag iintermission pag nagkataon, mahiyain pa man din ako
"And it's final na ha? Anything sabi mo e" aniya sabay sulat ng pangalan ko sa papel na hawak niya
"Eee madami pa jan, wag naman ako o, please. Hindi pa ako nakakapagperform ng ganito, first time ko kayang kumanta sa harapan ng madaming tao" pakiusap ko
"Look, it is also a way to boost your self confidence Az. By the way pang tatlo kang magpeperform ng intermission so be ready Az ha?" tugon niya at tuluyan na niya akong iniwan.
"Damn you!" bulyaw ko tsaka siya pinakyuhan na tinawanan niya lang. What now Azalea? Anong kakantahin mo? Baka mabulol bulol lang ako o di kaya makalimutan ko yung lyrics. Whaaaaaaa pano na? May pa anything anything ka pa kasing nalalaman kaya yan. Dapak! Magbibigti na ba ako? Tsssk. Akala ko pa naman magchicheer lang ako. Hayss. Life is life nga naman. Namo po Secretary!
Pagkatapos kong magmerienda ay pumasok na ulit ako sa room at naabutan ko silang naglelesson na kaya naagaw lahat ng attention nila nung pumasok ako.
"Bakit ngayon ka lang Ms. Azalea?"
"Sir yung SSG Secretary kasi kinausap niya ako"
"Okay. Be seated" aniya at umupo na ako sa upuan ko. Nang may napapansin akong nakatitig saakin ay agad ko itong hinanap at nakitang si Joshua at Sidney na pareho akong tinitignan.
"What?" I mouthed to Josh. Hindi naman kami ganun kaclose I mean hindi naman kami close ni Sidney kaya si Joshua yung kinausap ko.
"Bakit ka niya kinausap" he mouthed back na inilingan ko. Hindi niya dapat malaman to. Ayokong may maka alam, siguro mas gugustuhin ko nalang na maging surprise number to kesa sa malaman nila. Pwede ko naman itong irequest sa SSG Office para kung ayaw nila, they have no choice kundi ang maghanap ng iba.
Pagkatapos nga ng lesson namn ay agad na akong nagtungo sa SSG office para masabi sakanila yung request ko. Wala naman silang naging reaksyon kaya okay lang siguro sakanila kaya umuwi narin ako tutal wala naman ng pasok. Kailangan kong makapagpractice no para naman hindi ako katawa tawa pag nasa harapan na ako ng mga studyante.
Nang matapos na akong nakapagshower ay agad kong kinuha yung gitara at cellphone ko at nagsearch ng pwedeng kantahin. Ilang pagsscroll pa ang nangyari bago ko napagdesisyunan yung kakantahin ko kaya agad ko ng inaaral yung bawat chords nito hanggang sa nakuha ko na. Sinimulan ko ulit sa umpisa at sinabayan na ng kanta. Bawat liriko ay tumatama saakin dahil yung nararamdaman ko para sakanya ay naaayon sa kantang ito. Nang nakaramdam na ako ng kapagudan ay bumaba na aso sa aking kwarto at naabutan si mommy na nagpreprepare ng pang dinner kaya tinulungan ko na rin siya.
"How's your day?" Panimula ni mommy habang naglalagay ng mga kubyertos sa mesa
"Okay lang mhie kaso kinausap kasi ako ng mga ssg officers kanina at inimbitahang mag intermisson " explanasyon ko
"O, tinanggap mo? "
"I don't have any choice ,that's why"
"So you should tell it to your daddy so that he can buy you some guitar" mommy smiled to me kasabay ng pagtahak ni daddy papunta saamin.
Kumain lang kami at pagkatapos, nagpaalam ako kay daddy para makaakyat na sa aking kwarto kaya nagderetso na rin ako duon at nagsimulang magtipa ng mensahe para kay Josh.
————————————————
————————————————To be continued...
YOU ARE READING
Wrong Move Of My Past Best Friend
Teen Fiction❤Still Ongoing. Free to add on your reading list. Please never expect too much from the author and to this story also. I'm just bored that's why I wrote this. I hope you'll like the outcome of this when its already done.😇