Azalea's Point Of View
Wala na. Walang wala na. Hindi ko na kinaya at tuluyan na akong humagulgol sa harapan nila. They were both shocked pagkatapos kong lumabas sa pinagtataguan ko.
Magsasalita palang sana si mommy ng bigla akong napadausdos pababa ng sahig.
"Shut the fuck up" bumaling siya kay mommy "you don't have the rights para mag explain pa saamin. Tinanggap ka namin! You don't know everything we've gone through nung umalis ka! Hindi mo alam at nakita yung anak nating sobrang nahihirapan nung umalis ka! Akala ko ba kung nagbago ka na? You cheated on me! You also cheated to your daughter. What else?" Tanong niya kay mommy.
"Az please" panunuyo saakin ni mommy. Umiling lang ako at tuluyan ng tumayo at lumabas ng bahay.
"From now on, ayoko na ulit na makita ka sa pamamahay ko. You may now start packing up your things out of here" sigaw ni daddy
Narinig ko ang mga salitang yun nung nasa labas na ako. Dahil sa sigaw na yun, umalingawngaw ito sa tainga ko. Tuluyan na akong lumisan sa bahay. Dala ang aking cellphone sa bulsa at wallet. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, mag gagabi na pero wala akong pakialam. Gusto kong maglabas ng sama ng loob. Gustong gusto ko sana pero wala akong mapaglalabasan.
Sa hinaba haba ng aking linakad, naidala ako ng aking mga paa sa isang lugar na kung saan walang ibang nagmamay-ari. It's a public place I guess. I end up calling Josh pero walang sumasagot. On my 18th trials, sumagot siya.
" What the hell Az!" iritado niyang sagot saakin mula sa kabilang linya. Nanahimik ako at pinipigilang kumawala ang aking mga luha.
I just can't believe na kaya niya akong ganunin ngayon, now that I need him. Asan siya? Asan yung best friend ko? Fuck! Ngayong kailangan ko ulit siya, tsaka siya mawawala saakin. Anong kasalanan ko? Bakit pinagkakaitan ako?
Ilang segundo kong pinigilan yung hikbi ko, pero nagtraydor na naman e. Napahagulhol na naman ako ng malakas, narinig ko si Josh sa kabilang linya pero Hindi siya masyadong malinaw, hindi ko na pinakinggan at tuluyan ng ibinato ang aking cellphone hanggang sa di ko na ito namalayan kung saan sumuksok.
YOU ARE READING
Wrong Move Of My Past Best Friend
Teen Fiction❤Still Ongoing. Free to add on your reading list. Please never expect too much from the author and to this story also. I'm just bored that's why I wrote this. I hope you'll like the outcome of this when its already done.😇