Chapter 9

21 5 0
                                    

Wednesday, Aug. 10,20**

"Hey! Happy 6th friendsary Azzy!" Pagulat niyang bati saka ako binigyan ng isang halik sa noo.

"Happy Friendsary Best Friend!" Napatahimik nalang ako dahil sa nasabi ko kaya binigyan ko nalang siya ng ngiti. Best friend parin ba kaya?  I hope so.

"Wala ka bang gagawin mamaya? I just want to have a day with my only girl best friend" anyaya niya saakin habang paupo sa tabi ko.

"Only??? Sa pagkakaalam ko may iba ka pang best friend" pagtataray ko. Totoo naman diba?  Meron pa kaya siyang Sidney tas only? Sarap sapakin e.

"Hindi naman kita ipagpapalit. Tsaka mas matagal tayo kesa sakanya noh. Selos ulit?" Natatawa niyang reaksyon sa sinabi ko kaya agad ko siyang binatukan

"Edi siya! Si Sidney nalang yayain mo tutal lagi naman na kayong magkasama e." Sarkastiko kong sabi

"Az naman e. Ikaw nga niyayaya ko diba? Ikaw yung gusto kong makasama, magcecelebrate lang naman tayo ng friendsary natin, kain tas pasyal,yun lang"

"Ssshhh! Ang ingay mo. Ayan na si Mam, pagalitan pa tayo e" pagiiba ko ng usapan

"Think about it Az" aniya ng may pilit na ngiting bumalot sa kanyang labi

Pagkatapos ng ilang oras ay uwian na. Wala naman kaming pasok mamayang hapon kasi may meeting daw mga teachers kaya yun, wala naman sigurong masama kung papayag ako sa gusto ni Josh di ba? It's just a friendly date with him.

Gaya ng sinabi ko, pumayag ako sa gusto niya. A day or a date with my best friend? Bahala kayo sa gusto niyong tawag dun. haha. Sinundo niya ako sa bahay at gaya ng dati, kumain kami sa favorite restaurant namin tsaka nag take out ng shawarma, large fries, burger at drinks na siyang kakainin ulit namin mamaya pag nagutom kami. Pagkatapos nun ay pumunta kami sa tabing dagat. Ang ganda kasi ng view,tapos idagdag mo pa yung kapeaceful ng dagat na wala kang maririnig kundi yung alon lang at ang gandang maglabas ng mga hinanakit dito. Habang dinadamdam ko yung hangin sa aking mukha ay naglatag siya ng aming mauupuan. Basta yung pang picnic siya at saka niya nilagay duon yung mga pagkaing tinake out namin. Nakaupo lang kami sa nilatag niyang ewan habang nakaakbay siya sakin hanggang sa tinanggal ko na yung doll shoes ko at agad na lumusong sa dagat. Naiintindihan niya naman siguro na gusto kong magpabasa ng tubig kaya agad rin niyang tinanggal yung sapin sa paa niya at tuluyang tumakbo palapit saakin. Nung una ay nilalaro lang namin yung tubig sa mga paa at kamay namin hanggang sa nagkabasaan na kami at wala na kaming ginawa kundi maligo na rin sa dagat.

Ansaya lang ng ganito. Yung kaming dalawa lang. Yung mga panahong wala pa kaming ibang mga kaibigan kundi kami kami lang. Yung saakin lang siya nag sasabi ng kanyang mga problema at sakanya lang rin ako nagsasabi. How I wish maibalik na lahat sa dati pero wala e, hinding hindi na maibabalik pa yung mga nangyari kahapon. Kahit man ulitin pa natin,  hinding hindi na ito gaya ng dati.

Napagod na kami sa kakalangoy kaya bumalik na ulit kami sa kinauupuan namin kanina. 

"Josh? Adik ka din sa pag aakbay e noh?" tanong ko ng mapagtantong kanina pa niya ako inaakbayan.

"A-ah...E-eh... Wala lang"

"Sus. Ang sabihin mo, manyak ka" tawang tawa kong sabi

"Ako? Manyak? Magmamanyak na nga lang ako sayo pa?  Tss. Never mind" agad naman siyang bumitaw sa pag kakakbay saakin at sinimulan ng kumagat sa kanyang shawarma. Binatukan ko naman siya pagkasabi nun kaya nabilaukan naman siya kaya agad rin siyang uminom.  Hahaha buti nga sa mokong na to.

"Sexy ko kaya. Sa pagkakaalam ko mas sexy pa sa Sidney na yun" naiinis kong sabi na nahalata naman niya ata kaya sinabayan pa 

"Ikaw? Sexy? San banda? Kung totoong manyak ako, I'd rather choose her than you." Titig na titig niyang sabi habang sinusubaybayan yung magiging reaksyon ko.

Wrong Move Of My Past Best FriendWhere stories live. Discover now