Chapter 6

27 5 0
                                    

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Tinignan ko siya sa mata pero hindi siya makatingin saakin ng diretso.

"Ang babaw mo!" Sambit ko sakanya at tuluyan siyang iniwan.

Habang pababa ako ng bundok ay napaiyak ako, nakakita ako ng kahoy kaya napaupo muna ako dun at duon pinagpatuloy ang aking pag iyak.  Tinignan ko kung saan ako nanggaling ngunit wala akong makitang bakas ni Joshua.

"Hindi pa ba siya bababa?"Tanong ko sa sarili ko.

Pagkatahan ko ay diniretso ko na ang paglalakad pababa ng bundok, nakasalubong ko rin yung mga ibang tao na aakyat palang ng bundok. Pagkababa ko ay agad akong lumabas ng kanilang entrance saka naghanap ng sasakyan paalis duon at para makauwi na rin.

Pagdating ko sa bahay ay agad kong nakita si Daddy na nagiisa sa may garden.

"Hi dad!" Bati ko sakanya at agad na nagtungo sa kanyang pwesto upang halikan siya sa kanyang pisngi

"Bat hindi ka hinatid ni Josh at bakit parang maga yang mata mo? " Tanong niya

"Nagkaroon po kasi kami ng misunderstanding dad kaya yun iniwan ko siya" paliwanag ko.

napatawa si daddy "talaga ikaw Az hahaha"

"Dad naman" kako

Biglang naging seryoso si daddy
"Az, I just want you to know na I still love your mom at walang nagbago dun. Paggising ko, siya agad yung nakita ko, alam mo bang masaya ako nun? Pero mas masaya sana ka pag nandun ka rin but unfortunately you were not there Az. I know that its been 5 years and a half months siyang nawala ng walang paalam, pero she explained to me everything na kaya natanggap ko na rin siya agad. Baby, I hope na sana tanggapin mo ulit siya bilang pamilya natin, na bilang mommy mo."

"Dad, It's hard for me to accept her. More than 5 years siyang nawala, alam mo kung ano yung mga dinanas ko nung wala siya, alam mo kung pano ko siya hinanap hanap. I've been longing for her since then. I love you dad but I don't love mommy anymore just like what I do to you. You're not just my father but you stand also as my mother. I hope also dad na wag niyo akong piliting tanggapin siya ulit dahil hindi ko pa siya kayang makausap. Excuse me lang po akyat na ako" pagpapaalam ko.

Umakyat muna ako at nagpalit ng damit saka bumaba at nagtungo sa ref. Kinuha ko yung binili kong ice cream at sinimulang lantakan ito. Chocolates and ice cream are my stressed reliever kaya wag na kayong magtaka kung bakit paborito kong kumain ng mga matatamis. Pagkatapos kong kinain yun ay agad akong sumalampak sa aking kama at binuksan ang aking fb account. Marami siyang FR, messages at sabog na notifications. Hindi ko na binasa mga messages ko at nagtungo nalang ako sa news feed.Nag scroll up and down lang. Like, heart like, sad like, at  wow like lang sa mga nasa news feed ko, hanggang sa napapikit na ako at tuluyan ng makatulog ng dahil sa pagod.

End of flashbacks

Hindi ko parin talaga matanggap na nagbalik na si mommy. I hate her so much. Hindi pa siya nageexplain saakin kasi ayoko lang rin namang pakinggan. She can't blame me. Pag kinakausap niya ako ay sinasagot ko lang ng matipid atsaka umaalis sa harapan niya.

Ilang araw narin ang nakalipas simula nung nag away kami ni Josh. Ito yung first na away namin na mag tatalong linggo na. Hindi ko rin siya pinapansin kapag nasa room kami. Pag alam kong papalapit siya saakin ay agad akong lumilipat sa mga classmate kong maiingay para hindi niya ako makausap. Nakikita ko rin siyang may kasamang ibang babae, ang sakit lang na ako yung dati niyang kasama, ako yung dati niyang kausap,kaasaran,kakwentuhan, kasabay umuwi,mag merienda, at higit sa lahat, ako yung dati niyang inaalagaan pero ngayon? nasa iba na yung attention niya. Ang sakit sakit lang na lagi ko siyang nakikita with that girl.
****

Nagkaroon kami ng group activity na kung saan 3 groups lang at sa hindi inaasahan, magkagroup kami, nagpaanswer lang yung Filipino teacher namin and guess what?  Kami yung nagreport. Haysss. Ang hirap niyang iwasan. I miss my boy best friend.  Gusto ko na siyang yakapin at makausap. Wala ng nangungulit saakin. Bakit kaya ganun yung nasabi niya?  Kaya ba ang sweet niya nun saakin dahil last na yun?  Tuluyan na ba niya akong iiwan?  Mawawalan na ba ako ng boy best friend?  What should I do para bumalik siya at para bawiin lahat ng kanyang sinabi?  Fuck! And hirap ng ganto na siya pa yung nakasama ko.

Pagkatapos naming nagreport ay agad akong umupo saaking upuan at hinintay ang bell na tumunog hanggang sa nag ring na nga ito at agad akong tumayo at lumabas pagkatapos ng aming klase.

Pauwi na sana ako nun ng biglang may nagsalita sa likod ko. "Hey! Are you not going to talk to me?" Walang buhay niyang sabi

"Para saan pa? Diba ikaw yung nagsabing kalimutan na kita pag umalis ako dun? Can't you saw it Josh?  Umalis ako. Pinagtabuyan mo ako kaya ginawa ko lang yung gusto mo. Wala akong choice nun kasi feeling ko hindi ikaw yung kakampi ko. Feeling ko nun e hindi ikaw yung best friend ko. You didn't hugged me back when I needed you!" At tuluyan na akong napaiyak. " Hindi mo ako niyakap nung panahong kelangan kita at kelangan ko ng kadamay. Nasaktan mo yung ego ko nun kaya umalis ako! Alam mo bang I feel secured everytime I hugged you and everytime you hug me? Damn Josh! Hindi ikaw yun nun e. It's just like I lost my best friend! Okay pa nung una e. Okay pa nung nasa bahay tayo hanggang sa pag akyat, pag pipicture at hanggang sa nakataas tayo ng bundok na 'yon! Sobrang alaga at sobrang lambing mo pa saakin nun Josh pero what happened nung umiyak ako at sumigaw?" Tanong ko, at nagpatuloy ulit sa pagsasalita bago pa siya makasagot. "Why does it seems like everything had changed? Ganun ba kadaling magbago ng mood mo na mas malala pa sa babaeng may period ha? Pinagbantaan mo ko Josh tapos ngayon tatanungin mo kung bat hindi kita kinakausap?  Bakit hindi mo kaya tanungin yang sarili mo kung bakit mo yun nagawa? Tapos ngayon nakikita ko nalang na may iba ka nang kasamang babae?  Siya ba yung pinagpalit mo saakin na best friend mo?" Tanong ko habang pinupunasan ang aking luha, umiling siya bilang sagot ngunit binaliwala ko lang iyon. "Alam mo bang sobrang nasasaktan ako dahil sa inyong dalawa? Ako kasi yung dati Josh e. Nasa akin palang dati yung attention mo pero ngayon nasa ibang best friend mo na. Ayoko na Josh! Tama na pwede? Mas ginagawa mo pang komplikado ang lahat e." At tuluyan na akong sumakay ng tricy para makauwi na ng bahay.

————————————————————————————————

A/N:

Happy 34 readers guys.!❤😘😃 Salamat sa mga nagbabasa and sana po ivote niyo din to.

Like, Invite and Comment😇

Wrong Move Of My Past Best FriendWhere stories live. Discover now