Chapter 8

20 5 0
                                    

Azalea's Point of View

Monday na ulit kaya maaga akong nagising. Susunduin daw ako ni Josh at pumayag naman ako kaya magsasabay kami ngayon. Siya ang dahilan kung bakit medyo humupa na yung galit ko kay mommy pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa ako ganun kaayos makitungo kay mommy. Kung dati ay hindi ako sumasabay sakanila upang kumain,ngayon ay sumasabay na. Kung matipid ako nuong sumagot sakanya, ngayon hindi na. At kung hindi niya ako pinapansin nuon ay hindi ko na rin siya papansinin, ngayon ay oo na.

*Beep! beep!*

"Hey Az!" Katok ni mommy "Nasa baba na si Josh" aniya saakin matapos niyang buksan yung pintuan ng kwarto ko at bumungad saakin yung magandang ngiti niya kaya napangiti na rin ako.

"Good morning mommy!" Bati ko sakanya "Hindi na po ako kakain, malalate na kami" paalam ko at saka ako bumaba para salubungin si Josh. Imbes na siya rin yung sumalubong saakin ay si daddy yung sumalubong.

"Baby! Kain muna kayo ah bago kayo alis" paalala ni papa

"Dad,una na kami, malalate na rin kasi kami. Sa school nalang ako kakain" sabi ko at tuluyan siyang iniwan bago pa siya magsalita ulit.

"Kunin mo nalang then yung prinepare kong sandwich para may kainin kayo kung sakali mang gutumin kayo" pahabol ni mommy. Hindi ko na yun tinanggihan at agad na sumalampak sa sasakyan nila Josh.

"Good Morning!" Bati niya saakin pagkapasok ko at agad niya akong hinalikan sa noo.

"Good Morning din" pabalik kong bati at binigyan siya ng ngiti.

Pagkarating namin sa gate ng school ay agad kaming bumaba sa kanilang sasakyan at nagulat ako ng akbayan niya ako. Hindi naman to yung unang pagkakaakbay niya saakin ngunit namula parin yung mukha ko.

"U-uhm. Josh k-kasi yung kamay mo" nauutal kong sabi at hinawi ang kniyang kamay sa aking balikat 

"Are you blushing Az?" Saka siya tumawa. "Let your boy best friend do this okay? ngayon lang kita akbayan e pagbigyan mo na ako" at nagpout pa talaga tong mokong kong best friend. Tsssk.

"Stop it Josh! Nasa school tayo and tignan mo sila o, ansama na ng tingin saakin, Pagkamalan pang tayo e" angal ko habang tinatanggal parin yung kamay niya

"Tsss." Matipid nyang sagot at saka tinanggal narin yung kamay niya sa balikat ko.

Huminto ako sa paglalakad at agad siyang tinignan sa aking likod kasi pinauna niya ako "Hey!Are you mad?"

"Why should I? I'm not even your boyfriend. I'm just your fucking friend and I don't care" madiin niyang sabi at agad na ring lumakad.

"Your not just my friend Josh!" Buntong hininga ko at yumuko ng bahagya "You're my best friend and... "  hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi pagkaangat ko ng tingin sakanya, I saw him kasama na niya yung isa pa niyang best friend, Sidney Rivera ata yung pangalan. Nagkikilitian lang naman sila at masayang nagbabangayan. Hayys. Nakakairita sa mata.

Hindi ko na siya hinabol at ginambala pa, bagkus, nagderetso ako sa girl's CR. Nagpee muna ako bago nag hugas ng kamay at tuluyan ng naglakad papuntang room.

Habang pataas ako sa hagdaan ay may nakaupo kaya napatingin ako sakanya at napag alamang isa itong lalaki. Napayuko ako pagkatapos ko iyong kinumpirma.

"Hi" panimula niya bago ngumiti at hinuli ang aking titig

"Hello" bati ko rin at napaangat ng tingin sakanya.

"Do you mind if I'll get your number Miss?" Aniya habang inaabot yung iphone niyang cellphone. Nahiya naman daw ako sa oppo lang na cellphone ko hahaha.

"Sure" tipid kong sagot at kinuha agad yung cellphone niya at linagay dun ang cellphone number ko at pangalan.

"Ahhh.Thanks. Can I text you later?"

"I'll try kung wala akong gagawin" sabi ko at agad na dinugtungan kasi malalate na ako sa klase "I'll gotta go, late na ako" sabi ko at nagsimula na ulit lumakad.

"Hatid na kita" prisinta niya na tinanguan ko nalang.

"Ahm, sige na, Dito na ako Mr? Salamat." Patanong kong bigkas sa Mr. Diko pa naman kasi alam yung pangalan niya

"Ohh. I'm sorry I'm Rodney Olivas" pagpapakilala niya at naglahad ng kamay.

Tatanggapin ko na sana ng biglang may nagsalita sa likod ko "Tsssk. Pasok na! Ayan na si mam oh" nguso niya sa science teacher namin na paparating. Tinignan ko siya at inirapan pero  nakatingin lang siya kay Rodney ng diretso.

"Sige na Rodney. Just text me nalang later. Salamat ulit" Paalam ko at tinignan yung kamay niyang nakababa na pala.

"Sige. Una na ko" at tuluyan na siyang lumiko para makapunta sa kanilang room kaya nagtungo na rin ako sa aking upuan at napansing nakasunod pala yung magaling kong best friend. Hindi ko siya pinansin at umupo nalang.

"Hey!  Sino yung kumag na yun? Kakakilala lang may number ka na niya agad?" Iritado niyang tanong

"Don't call him like that..ang gwapo niyang kumag pag nagkataon.Rodney is his name." Hindi ko siya tinapunan ng tingin habang sinasagot iyong mga tanong niya.

"E bakit may number ka na niya agad?"

"Syempre hiningi niya. Paki mo ba? You're just my fucking friend di ba? Ikaw nagsabi nun. At saka wag ka ngang umasta na wala lang yung nangyari kanina." Irita kong sabi na napatingin pa samin si Sidney.

"Sorry kanina" paumanhin niya at yumuko. "It's just that nagseselos akong may kasama kang ibang lalaki."

"Bakit nagsabing hindi ako nagseselos pag may kasama ka ring iba? Shu shu shu alis na anjan na si mam" pagtataboy ko sakanya. Buti nalang at sumunod siya kundi ewan ko nalang.

Nagdiscuss lang si mam about sa topic at nagpakopya sa mga notes namin. Saktong patapos na yung kinokopya ko nung nag ring na yung bell. Tinapos ko iyon saglit at agad agad na linigpit yung mga gamit ko saka tuluyang lumabas.

Pagkalabas ko ay agad na bumungad saakin si Josh kasama si Sidney. "Sabay ka na saaming mag recess Az"

"A-ahhm" napatingin ako kay Sidney habang nagiisip ako ng rason buti nalang at nakita Kong naglalakad si Rodney papunta samin. "Hmm. He's here!" Baling ko kay Rodney at kumaway. Tinignan ko siya at binigyan ng meaningful look na nagsasabing makisama ka look. Nagets niya naman at kumaway pa pabalik papunta siya saamin. "Next time Josh! Kasama ko kasi Rod ngayon e"

Nag smirk lang siya habang nakatingin ng may inis kay Rod. Hindi na rin niya ako sinagot at tuluyan na niyang hinila si Sidney palayo saamin. Kitang kita ko sa mukha niya yung galit at inis kaya napa ngiti ako ng bahagya. Finally,  nafifeel mo na rin yung nafifeel ko Josh na nasasaktan ako tuwing kasama mo yang si Sidney. Balak mo pa talaga akong isama sainyo huh? You know that I don't like her and yet pilit mo kaming pinagkakasundo.

"Thank you and sorry Rod, ayaw ko lang kasing kasama yung mga yun" pageeksplain ko

"A-are you jealous Ms. Seranno?"
Natatawa niyang sagot "Bakit mo ayaw mo naman silang makasama? Besides best friend mo naman si Josh and wait... Bakit si Sidney na yung madalas niyang makasama and what happened to you? I mean sainyo?" Nagtataka at naguguluhan niyang tanong. Napatahimik naman ako dun sa sinabi niya pero bakit nga ba ako naiinis at naiirita tuwing nakikita ko silang magkasama?  Tsss. No! It's not what your thinking. Hindi kami talo.

"Hey! Natahimik ka ata? I'm sorry" Napa face palm nalang ako sa sinabi niya at napangiti ng mapait hanggang sa nagpaalam nalang ako pabalik ng room.

————————————————————————————————
A/N:

Happy 65 readers and 27 votes wattpaders. Thank you for supporting. Labya all 😘

Wrong Move Of My Past Best FriendWhere stories live. Discover now