Azalea's Point Of View
Lumipas ang ilang araw at mas napapalapit kami ni Josh sa isa't isa. Lagi niya akong kasabay umuwi at lagi rin kaming sabay bumibisita sa ospital. Alam na rin niya yung buong kwento kung bakit na coma si daddy at pati na rin yung pagsugod ko kay Janine.Siya yung nagbigay ng signal kung kelan ako pwedeng lumapit kay Janine para makapagusap kami.
Flashback
*Josh Calling*
Pagkakita ko sa screen ng aking cellphone kaya agad ko itong sinagot.
"Hello? Ahh? andito na. Ready na kaso kinakabahan ako. Yeah. Wait me there. Sige,Thank you Josh. Iloveyoumore. " sagot ko mula sa kabilang linya. Natural na saamin ang magsabi ng I love you kaya walang ibang meaning yun kundi as a best friend lang.
Habang papalapit ako kay Janine ay nakaramdam ako ng kaba. Lalo na nung napatingin siya sa akin.
"A-ahm Janine? I just want to say sorry for what I've done to you." Napayuko ako pagkatapos ko sabihin and mga katagang yun habang hinihintay siyang magsalita.
"You don't have to say sorry Az. I understand you. Please lang wag mo sanang idemanda si daddy. I'm begging you." sambit niya.
"I'm sorry Janine pero kelangan e . Kelangan niyang pagbayaran yun. Alam niyang bawal magmaneho ang mga lasing and yet nagdrive parin siya. Sana pati yun maunawaan mo. Sorry ulit " at tuluyan na akong umalis.
End of flashback
Friday 6:30 a.m nang biglang tumawag si Joshua. Excited si Joshua na pumunta ng ospital kaya sa sobrang kasiyahan niya ay tumawag siya saakin ng maaga upang masundo ako. Ngayon kasi yung expected day ng paggising ng kanyang mommy kaya hindi mo talaga maipagkakaila na sobra siyang naeexcite. Masaya ako para sa best friend ko syempre. After 3 and a half months na hindi pagbubukas ng mata ng kanyang mommy ay muli niyang makikita ngayon. I hope daddy will also do the same, I mean sana magising na rin siya ngayon...Pagdating namin sa ospital ay dinala niya muna ako sa kwarto ng kanyang mommy. Sinabihan ko rin si tita na baka mamaya na ako makakadalaw kay daddy. Nakaupo lang kami ni Josh ng biglang gumalaw ang mga daliri ng kanyang mommy , kasabay nun ay ang pag unti unti nitong pagbubukas ng kanyang mata, napatayo agad si Josh at biglang lumakad ng mabilis patungo sa kanyang mommy atsaka niya binigyan ng mga halik at mga yakap. Kasabay rin nun ay ang mga luhang naguunahan sa pag-agos sa kanyang mukha.
"Thank you Lord. Thank you Mom." Pagpapasalamat niya habang hawak hawak nya ang kamay ng kaniyang mommy.
Napansin ata ng kanyang mommy na meron ako ng bigla siyang napatingin saakin kaya naman napaupo ako ng maayos.
"Mommy, si Azalea po, best friend ko, and Az si mommy " pagpapakilala sakin ni Josh sa kanyang mommy. Tumango lang ang kaniyang mommy at ibinaling ulit saakin and tingin at saka ako binigyan ng isang malambing na ngiti kaya nginitian ko rin siya pabalik.
Biglang umilaw at nag vibrate yung cellphone ko kaya napatingin ako rito.
*Tita Mel Calling *
Hindi ko yun sinagot. Sinilent ko yung cellphone ko at agad na ilinagay sa aking bag.
Makalipas and ilang oras ay napagpasyahan naming bumili muna ng makakain bago kami magtungo ulit sa ospital upang bisitahin naman si daddy. Hinihintay namin yung pagkaing tinake out namin ng binuksan lo ulit yung cellphone ko.
"26 missed call from Tita Mel"
Nagulat ako sa sobrang dami nun. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig na pawis dahil sa sobrang kaba. Nag type nalang ako ng message at isinend kay tita.
To: Tita Mel
"Coming tita"
Message Sent.Pagkatapos ko siyang tinext ay ibinalik ko rin kaagad ang aking cellphone sa aking bulsa. Kanina pa ako hindi mapakali dito na agad namang napansin ni Josh.
"Hey! You okay? Pinagpapawisan ka oh. Is there something bothering you?" Pag-aalala niyang tanong.
"Nothing" tipid kong sagot
Nang dumating na yung order namin ay agad na kaming dumiretso sa kwarto kung nasaan si daddy. Binilisan ko talaga yung lakad ko kaya medyo nauuna ako kay Josh.
"Az yung float natatapon." aniya "Bat ka ba nagmamadali?" Nakakunot niyang tanong. Saka ko lang siya liningon nung nasa pintuan na ako ng kwarto. Bago ko pinihit yung doorknob ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga.
Pagkabukas ko............
Nagulat ako sa aking nakita kaya pati mga hawak kong pagkain at inimun ay biglang nahulog. Parang isang gripo ngayon ang aking mata dahil hindi ito tumitigil sa pag agos ng luha. Tila ba naging slow motion ang lahat. Hindi ko na alam kung nanjan pa ba sa likuran ko si Josh. Hindi ko siya nilingon. Isang katahimikan ang bumalot sa kwartong iyon....Saya at takot naman ang aking mga nadama sa mga oras na iyon.. Kaya pala andami nilang missed call. Kaya pala......
————————————————————————————————
A/N:
Wattpaders? Ano sa tingin niyo yung nangyari? Feel free to comment what's inside your mind.Like, Vote and Comment.😇
YOU ARE READING
Wrong Move Of My Past Best Friend
Teen Fiction❤Still Ongoing. Free to add on your reading list. Please never expect too much from the author and to this story also. I'm just bored that's why I wrote this. I hope you'll like the outcome of this when its already done.😇