Chapter 18

4 1 0
                                    

Azalea's Point of View

Nagising ako at nabalot ng katahimikan yung buong paligid. "Nasan na kaya sila?" palingon lingong sabi ko sa kung saan saan.

Lumabas ako ng bahay at doon, napansin kong kulimlim na ang kalangitan at paniguradong magbabadya ito ng malakas na ulan. Nagpatuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa wala na akong makitang bahay "Hello?" pasigaw ko sa kawalan "Is there anyone here??" kabado kong tanong. Maski isa ay wala akong marinig na ingay kundi yung hangin lang na humahaplos sa buong katawan ko. Dito, nakaramdam ako ng lamig. Nagpatuloy parin ako sa paglalakad ng may isang sasakyan na paniguradong dadaan sa kung nasan man ako. Magtatago na sana ako pero huli na ang lahat dahil tinawag na niya ang pangalan ko.

"Az!" Nakilala ko kaagad ang kanyang boses kaya patakbo akong pumunta sa sasakyan niya at pagbukas ko, isang malakas na putok ng baril ang aking narinig mula sa hindi kalayuan.

"You okay?" nag aalalang tanong niya. Tumango ako kasi hindi ko alam kung ano ang dapat kong sasabihin o kung dapat pa bang magtanong ako.

"Oww shit" Isang napakalutong na mura ang kanyang pinakawalan ng biglang may sumusunod sa aming isang puting sasakyan. "Fasten your seatbelt Az" tumango lang ako at agad na sinunod ang kanyang sinabi.

Mas binilisan pa niya ang pagmamaneho ng may lumabas na kalahating katawan ng isang armadong lalaki sa bintana ng kanilang sasakyan at dito na ako simulang kabahan sapagkat itinututok na niya saamin or worst, saakin ang kanyang shot gun.

Patuloy lang si Josh sa pagmamaneho habang patingin tingin sa side mirror. Fuck it's getting nearer. "I think we need to stop Josh. Let's face them. I'll face them" walang alinlangang sabi ko.

"WHAAAT?? Are you out of your mind Az? Mamamatay tayo pag tinigil natin to"

"No Josh! Bakit nila tayo hinahabol? Sa tingin mo titigil sila pag pinagpatuloy natin to? Hindi! Sino ba saatin ang puntirya nila? Wala tayong mapupuntahan! I think we're trapped. Plano ata to"

"No Az. I will not stop this car. Sa gusto mo o hindi, i will not!"

"Fuck. What then? Answer my question!"

"It's you Az! Ikaw yung puntirya nila! Hindi mo ba napapansin na ikaw yung pilit nilang pinapuputukan? Kung ano yung rason? Well, I don't know Az! I really don't know. Hindi ko alam! Wala akong alam!"

"Bakit ako?" Isang butil ng luha ang lumandas pababa sa aking pisngi. "Stop it Josh" desidido na ako na harapin  sila upang malaman ko kung ano ang kailangan nila saakin. "I need to face them alone. Drop me in front of that tree.."

"No Az. Please listen to me this time?" pagmamakaawa ni Joshua

"Please Josh. I need to know"

"No!"

"Please?"

"Still no Az!" pagmamatigas niya
.

"Tangina naman Josh! Ako yung kailangan nila. Hindi naman kita idadamay e. Pagkababa mo saakin, iwan mo na ako. Please! I need to know!"

"Ganyan ba talaga yung tingin mo sakin Az? Na iiwan kita dahil lang ayaw kong madamay? Do you think i can do that? I can stay here with you Az! Tangina lang nila!" pagkasabi niya nun ay agad siyang nagpreno.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wrong Move Of My Past Best FriendWhere stories live. Discover now