Chapter 7

35 6 0
                                    

Joshua's point of view

Ilang araw na kaming hindi nag uusap at mag iisang buwan na. Nung nasa bundok kami ay sinadya ko talagang sabihin yun, hindi ko naman alam na iba pagkakaintindi niya dun. I just want her to realized that her mother is also important like her dad but, she understands it very wrong. Kahit naman anong kasalanan pa ang nagawa saatin ng ating mga magulang ay sila parin ang ating magulang. No one can't change that thought. Maybe ACCEPTANCE is just the solution kaya hindi ko muna siya pinansin at pinabayaan ko muna siya para makapag isip-isip. Kahit ganun pa man ay lagi ko parin siyang tinitignan sa malayuan para masigurado yung kaligtasan niya. The day nung matapos yung report namin sa filipino ay agad ko siyang hinabol para kausapin. I miss her badly. I miss my girl best friend kahit na may iba na namang dumagdag but I can't blame Az and myself for that. Everything's happens for a reason. Mas better kung may dumagdag kesa mabawasan.

"Hey! Are you not going to talk to me?" Walang buhay kong tanong sakanya

"Para saan pa? Diba ikaw yung nagsabing kalimutan na kita pag umalis ako dun? Can't you saw it Josh?  Umalis ako. Pinagtabuyan mo ako kaya ginawa ko lang yung gusto mo. Wala akong choice nun kasi feeling ko hindi ikaw yung kakampi ko.Feeling ko nun e, it's not you. Hindi ikaw yung best friend ko.You didn't hugged me back when I needed you!"

Nasanay na pala siya sa mga yakap ko tuwing kinocomfort ko siya pero nainis lang talaga ako nun kasi she's blaming her own mother. Hindi niya kasi alam kung pano pahalagahan yung mommy niya. Ako nga e, when mommy is still in coma, every single day and night, I'm always crying while praying para lang mapagaling na si mommy ng mas maaga. Hindi niya alam na madaming lumalaban para sa kanilang mga ina para lang mabuhay sila. Hindi niya alam na maswerte padin siya dahil meron parin at bumalik parin yung mommy niya dahil sa panahon ngayon, madaming mga anak ang nangungulilang mabalikan ng kani-kanilang mga magulang. Yun lang naman yung gusto kong ipaintindi sakanya nun e pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataong masabi iyon sakanya.

" Hindi mo ako niyakap nung panahong kelangan kita at kelangan ko ng kadamay. Nasaktan mo yung ego ko nun kaya umalis ako! Alam mo bang I feel secured everytime I hugged you and everytime you hug me? Damn Josh! Hindi ikaw yun nun e. It's just like I lost my best friend! Okay pa nung una e. Okay pa nung nasa bahay tayo hanggang sa pag akyat, pag pipicture at hanggang sa nakataas tayo ng bundok na 'yon! Sobrang alaga at sobrang lambing mo pa saakin nun Josh pero what happened nung umiyak ako at sumigaw?" Pasigaw niyang tanong at agad niya rin itong dinugtungan para hindi ako makasagot.

Ibang usapan na kasi yun Az kaya madali mong napabago yung mood ko and I'm sorry for that. May gusto lang naman akong marealized mo e.

"Why does it seems like everything had changed? Ganun ba kadaling magbago ng mood mo na mas malala pa sa babaeng may period ha? Pinagbantaan mo ko Josh tapos ngayon tatanungin mo kung bat hindi kita kinakausap?  Bakit hindi mo kaya tanungin yang sarili mo kung bakit mo yun nagawa? Tapos ngayon nakikita ko nalang na may iba ka nang kasamang babae? Siya ba yung pinagpalit mo saakin na best friend mo?" Umiiyak niyang sabi

Umiling ako dahil hindi naman yun totoo pero binaliwala lang niya. Dumagdag lang siya pero hindi ko siya pinagpalit. Magkaiba yun. Oo, nakakasama ko siya kasi nagkaproblema tayo Az. Siya rin yung nagcomfort saakin. Siya yung nagbigay ng mga advice na dapat na kitang kausapin dahil kahit pa ganun yung intensiyon ko,sa mga mata ng tao, ako parin yung may kasalanan.

"Alam mo bang sobrang nasasaktan ako dahil sa inyong dalawa? Ako kasi yung dati Josh e. Nasa akin palang dati yung attention mo pero ngayon nasa ibang best friend mo na. Ayoko na Josh! Tama na pwede? Mas ginagawa mo pang komplikado ang lahat e." At tuluyan niya akong iniwan.

Naistatwa ako dahil sa sinabi niya. Damn! Ganun ko ba talaga siya nasaktan? Ayaw na ba niya?  Is she going to leave me?  Friends over na kaya? Fuck! So many questions in my head that nobody can't answer except her. I need to find the answers to her.

"Hey! Are you okay? Bat ganyan yang mukha mo? Saka bat ka natulala? " nagaalalang tanong ni Sidney Rivera,siya yung new added bestfriend ko. "Hey! Still there?" tanong niya ulit habang winagayway ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko.

Naalarma naman ako sa ginawa niya "A-a k-kasi Diney, K-kinausap ko na si Az pero h-hindi parin nya a-ako binigyan ng c-chance para magpaliwanag" diretso ngunit nauutal kong sabi

"So where is she? Umuwi na?" Nagkibit balikat ako. "Tssk. So ano na?  Tutunga tunganga kana jan? The time is ticking Josh. Go and follow her" utos niya saakin.

napasmile ako sakanya dahil sa pag momotivate niya saakin na wag siyang sukuan. "Thanks Diney" pagpapasalamat ko at tuluyan na siyang iniwan muna pansamantala.

Pagdating ko sakanila ay agad akong nag doorbell. Pipindutin ko palang sana ng buksan na ni Tita Liz yung pintuan na mommy ni Az

Binigyan ako ni tita ng napakalaking smile nung napagtantong ako yun "O,hijo? Hindi ba kayo nagsabay ni Az na umuwi?"

Napakunot ang noo ko dahil dun sa tanong ni tita Liz saka bumuntong hininga "Actually tita, kaya po ako andito kasi may konting misunderstanding kami e. I just want to explain to her. Pero she's not around po pala. Mauna na ako tita" paalam ko saka kumaway.

"O sige hijo. Mag iingat ka. Sabihin ko nalang kay Az pag uwi niya" aniya at tuluyang isinara ang pinto.

Pagkauwi ko ay agad akong kumain at nagshower bago ko binuksan ang facebook account ko. Hindi pa siya online kaya hinintay kong mag online siya. I know that she's not ready yet to face me but I'll do everything just to let her know what's inside my mind. I'll explain to her everything, pero sana lang,  sana lang pakinggan niya ako this time.

Mag te10:30 na nung namataan kong online na rin siya kaya hindi na ako nagdalawang isip na ichat siya.

"Az listen to me" panimula ko. Sineen niya ako kaya naman nagtype ulit ako ng sasabihin ko sakanya. "Az please let me explain"

"Explain what?" Sagot niya pero nararamdaman ko yung lamig ng boses niya.

Agad ko na naman siyang nireplayan "mali lahat ng iniisip mo Az, it's just a misunderstanding. Ang babaw naman nun kung mag gigive up kana"

"That's not your explanation I guess?" Reply niya pabalik

"Kaya lang naman kita niyakap pabalik nun kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga sinasabi mo kay mommy mo. Maswerte ka nga kasi binalikan ka parin niya e. You  don't know na someone's begging our there para lang mabalikan ng kanilang ina. Gusto ko lang naman marealized mo that time na kahit anong pagkakamali pa yung nagawa ni tita,  she's still your mom. Kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, hindi maalis na ina mo parin siya. Dugo niya rin yung nananalatay sa katawan mo Az, imbes na magalit ka sakanya, why don't you go and thanked her? Thanked her because without her you're nothing, without her, hindi ako nakakilala ng best friend ko. Just accept the fact and learn to move on Az. Kailangan mo siyang patawarin kasi lahat ng nangyayari ay may dahilan." Paliwanag ko

————————————————————————————————
A/N:
Sup guys?  Sana nag enjoy kayong basahin to. Thank you and sorry sa mga typos and grammar. Diko na kasi tinignan kung may mali ba. Sensya na 😂😘

Please Vote and Comment.😇

Wrong Move Of My Past Best FriendWhere stories live. Discover now