Pagdating namin sa isang lugar na pinagdalhan niya saakin ay napanganga ako sa sobrang ganda. Napapikit ako habang dinadamdam ang hangin na humahaplos sa aking mukha. Now I know kung bakit ayaw niya akong magsuot ng ganun, coz we're going to climb a mountain. It's my first time to climb a mountain so this would be fun.
"Az smile" utos sakin ni Josh atsaka kinunan ng litrato. Mga limang shots din yun na may iba't-ibang pose.
"Ikaw naman" sabi ko habang kinukuha yung dslr niyang hawak. Kinunan ko rin siya ng mga shots.
"It seems like we're going to have some fun here" sabi niya atsaka nagbuntong hininga "I hope you'll enjoy here with me" pagpatuloy niya. Tumango lang ako sakanya at binigyan ng napakatamis na ngiti.
"Kuya papicture po kami five shots lang po" sabi ko sa isang staff nila atsaka inabot yung camera.
"Sure Ma'am. Say cheese" aniya First shot is smile lang,
"Next pose po" nagwacky kami
"Next po" inakbayan niya ako,
"Fourth shot po" nagpeace sign kami habang akbay akbay niya parin ako
"Fifth shot" hinila niya ako palapit sakanya at niyakap niya ako ng sobrang higpit."Thanks kuya" pagpapasalamat ko sakanya
"No prolem ma'am bagay na bagay po kayo" saka niya at tinuro si Josh. Napangiti ng bahagya si kuya pagkasabi niya nun. Aangal palang sana ako pero bigla ulit niya akong hinila at inakbayan saka inunahan sa pagsasalita.
"Sige kuya una na po kami" pagpapaalam ni Josh.
Pinalo ko siya sa may braso na tinawanan lang niya. Sinet ko yung cellphone ko sa monopod at nagselfie ulit kami ng puro wacky. Ang cute lang ng mga wacky namin hihihi
Bago kami umakyat sa bundok ay pinaalalahanan muna kami ng kanilang tour guide, regular costumer kasi dito si Josh kaya okay lang kahit hindi na kami magpatour guide. Nagpaalam siya sa tour guide na mauna na kami sa pag-akyat at pinayagan naman niya kami.
"Tara!" Yaya niya saakin at hinawakan ang aking kamay para maalalayan. Tumango lang ako bilang sagot. "Bakit parang tumamlay ka? Hindi ka ba masaya?"
"Hmm. It's just that, I'm nervous. It's my first time Josh!"
napatawa siya ng bahagya "Ey! Andito naman ako e, nothing to worry Az . Hinding hindi kita papabayaan okay?"
"Sabi mo e" at lumiwanag ang aking mukha at napangiti sakanya.
Nagsimula na kaming umakyat ng bundok. He's holding my hand at hindi ko ipagkakailang kinikilig ako sa best friend ko. Walang malisya ha? Mahal ko siya bilang kaibigan lang, nothing more. Hindi kami talo no haha.
Napatingin siya saakin at napatanong. "Why are you smiling like that?"
"I'm just happy that you're here with me today." At napangiti muli ako ng bahagya. Nginitian niya nalang rin ako bilang reaksyon.
Nasa gitna na kami ng bundok ng bigla siyang nagtanong "Tired?" Tumango ako. "Let's eat na muna then." Atsaka siya naglabas ng dalawang sandwich at ibinigay saakin yung isa. Kinuha ko iyon at inilabas narin yung dalawang gatorade saka bigay ko rin sakanya yung isa.
Nagsalitan ulit kaming kumuha ng mga litrato. Pagkatapos naming magpahinga at magmerienda ay pinagpatuloy ulit namin ang paglalakad paakyat sa bundok na aming tinatahak.
Ilang oras pa ang nakalipas at narating na namin ang tuktok ng bundok. Namangha ako sa sobrang ganda. Tanaw namin ngayong ang mga bahay bahay sa aming munisipalidad. Napatakbo ako sa may gitna nito, tinanggal ko ang aking backpack saka dinamdam ang hangin habang nakatingin sa kalangitan. Hindi ko namalayan na nag iistolen na pala si Josh sakin kaya pumunta ako sakanya at pinalo siya sa braso. Nagpicture ulit kami ng mga solo shots tapos kinuha ko naman yung tripod ko at inayos ito para makapagpicture kaming dalawa. Gaya ng dati, wacky pose,at peace sign ang isinagawa namin. Nagulat ako sa last 2 shots namin dahil bigla niya akong niyakap galing sa likod, tapos yung isa is, pinaharap niya ako sakanya at hinalikan niya ako sa noo habang napapikit ako. Pagkatapos nun ay naglatag kami ng mauupuan at nagsimula ng pumapak ng mga pagkaing dala niya. Nagtatawanan lang kami habang nagkwekwentuhan.
Matapos ang ilang minutong katahimikan ay napatayo ako at napasigaw "I hate you mom! I hate you!" Kasabay nito ang pagiyak ko.
Nagsisisigaw lang ako ng bigla akong niyakap ni Josh mula sa aking likuran. "Shut the fuck up Az! Mommy mo parin siya" Bulong niya saakin
"The fuck! Almost 5 years siyang hindi nagparamdam saamin tas ngayon babalik balik siya? What the hell! Hindi ko yun matanggap Josh. Iniwan niya kami na parang basura. Iniwan niya kami ng walang paalam at walang kadahilanan! Damn! I hate her so much!" Walang tigil kong pagsigaw. Napabitaw siya sa pagkakayakap saakin kaya napadausdos akong napaupo sa lupa. Hindi niya ako inalalayan, bagkus ay pinanuod niya lamang ako. Kinalma ko ang aking sarili sa pagiyak at agad akong napatakbo kay Josh at sinunggyaban siya ng isang yakap. He didn't responded to my hug.Napahiya ako sa ginawa ko kaya kumalas ako at tinignan siya habang nakatingin sa kawalan. Napabuntong hininga ako saka yumuko.
Magwawalk out na sana ako ng bigla siyang magsalita "Where are you going?" Tanong niya
"Wala ka namang paki diba? Bababa nako" sabi ko
"Tsss. Yun na ba yun? "
"Oo" tipid kong sagot. At nagsimula ulit maglakad.
"Kung iiwan mo ko ngayon dito, kalimutan mo na ako" pahabol niyang sabi.
————————————————————————————————
Like,Vote and Comment guys:) sana magustuhan niyo to. Lavyah 😘
YOU ARE READING
Wrong Move Of My Past Best Friend
Teen Fiction❤Still Ongoing. Free to add on your reading list. Please never expect too much from the author and to this story also. I'm just bored that's why I wrote this. I hope you'll like the outcome of this when its already done.😇