Chapter 17

4 1 0
                                    

Joshua's Point of View

"What the hell Az!" Oo. Nasigawan ko siya but I didn't mean it. I just can't control myself now that's why I let my anger controlled me. I know we are not both okay now, but swear to God how much I regret to shout her like that.

Hindi siya sumagot pero alam kong, may pinag dadaanan siya ngayon. Kailangan niya ako pero ano yung ginawa ko? Hinayaan kong kontrolin ako ng galit na mismong best friend ko napagbuntungan ko. Pagkatapos niyang patayin ang tawag na yun ay dali-dali akong nagsuot ng damit at tinakbo ang pagitan namin.

I was about to turn my way to their house when I saw her with him. Again, siya na naman yung nasa tabi niya. Ang gago ko lang. Anong silbi kong kaibigan? Tangina naman Josh e. Bagal-bagal at tanga-tanga mo kasi.

Nagtago ako sa isang sasakyan malapit sakanila. Rodney was offering a handky to Az. Parang pinapamukha talaga sakin na wala akong kwenta. Yan. Yan na yan din nun e. Ganyan kami naging magbest friend. Ganyan rin kami nagkakilala. Ano ka ngayon Josh? Haysss.

Hinayaan ko lang sila at patuloy na pinagmamasdan hanggang sa paalis na sila. Hinayaan ko lang silang magkasama. Hinayaan ko lang sila na parang wala na akong magagawa upang maagaw siya. Ansakit din pala. Masakit din palang makita yung kaibigan mong may kaibigang iba lalo na't ikaw yung naunang nakilala pero yung isa yung anjan ngayong may dinadamdam siya.

Nung papatayo na sila ay agad akong umalis sa pinagtataguan ko at bumalik ng bahay. Kinuha ko yung susi ng sasakyan ko at agad na sinundan sila. Ghaaad. I didn't expect myself doing this for my best friend. Akala ko dati, sa magiging girl friend ko lang to magagawa but look at me now. Tsss. I'm insane. Pero teka! Hindi ba pwedeng ginagawa ko lang to para protektahan yung best friend ko at maiuwi na siya? Yun naman talaga yung point ko e. Kahit na kaibigan na niya yang si Rodney, wala parin akong tiwala sa lalaking yun.

Sa kalagitnaan ng pagsunod ko sakanila, tumigil sila sa isang gilid kaya napatigil din ako at pinagmasdan sila. Wala naman ata silang balak na bumaba e. Naghintay ako ng ilang oras pero hindi parin sila bumababa. I'm just wondering kung ano ng ginagawa nila. Sana wag. You know what I mean? Basta yun na yun. Wag sanang babuyin ng lalaking yan yung best friend ko kasi kapag nalaman ko, magkita nalang kami sa korte.

Nakailang mura na ako pero wala paring nangyayari. Ilang oras na e, 15 minutes...20 minutes... 22 minutes ng umandar na yung sasakyan nila.

"Damn! Fuck you bro" bulalas ko at pinagpatuloy ang pagsunod sakanila.

Habang sinusundan sila ay patuloy kong tinatawagan yung cellphone ni Az ngunit ni isang ring wala. Puro out of coverage kaya naman sa ika-19 na pagtratry ay tinigil ko na.

"Siguro galit pa kaya in-off yung cellphone niya" pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Sinundan ko sila hanggang sa sila ay tumigil ulit. Damn! Bestfriend ko yung andun sa loob e.  Malay ko ba kung babuyin yun ng gagong Rodney!


Bumaba agad ako at hindi nag-atubiling pumunta sa kinalalagyan nila.  Kinatok ko yung bintana ng sasakyan. Hindi agad nila binuksan kaya naman inulit ko ang pagkatok. Sa pangatlong katok ko ay bigla nalang bumukas at bumungad sakin yung mukha niyang puno ng luha. Damn! She's crying again.

Wrong Move Of My Past Best FriendWhere stories live. Discover now