Sabi ko dati, kapag nagmahal ako, hindi ako iiyak.
Hinding-hindi ko hahayaang tumulo ang luha ko para lang sa isang lalake. Ang tanga din ng prinsipyo ko, ano? Hindi pala 'yun totoo, nagkamali pala ako. Dahil sa pagmamahal ko sa'yo, natutunan kong kahit anong gawin ko, kahit anong iwas kong masaktan, masasaktan at masasaktan pa rin pala ako sa oras na nagmahal ako.
Ang saklap mainlab ano? May mga bagay na nasasagasaan ka dahil nahulog ka na. May mga bagay na mapapabayaan ka dahil mas inuuna mo na siya. May mga bagay na hindi mo nu'n ginagawa pero ngayon, ginagawa mo na para lang mapasaya siya.
Ang adik rin ano? Di'ba, hindi daw natin kailangang magbago para lang sa taong mahal natin? Eh pa'no kaya 'yun, kung sa unang pagtibok pa lang ng puso mo sa taong 'yun, awtomatiko nang may nagbago na sayo. Natuto ka nang magmahal, natuto ka nang magbigay at magsakripisyo para sa mahal mo. At sa oras na masaktan ka, matututo ka namang bumangon at lumaban sa sakit na dinudulot ng pagkabigong iyon.
Tulad ngayon, sino bang mag-aakala na kaya kong halikan ang isang lalake na hindi ko pa naman boyfriend? And to think na first kiss ko pa 'yun, sa'n kaya ako humugot ng tapang nu'n, Kuya?
Siguro nga, ayaw ko lang mawalan. Siguro nga, masyado akong garapal para ipagdamot ka kay Baby. Pero sigurado naman kasi akong hindi ko gugustuhing mapunta ka sa iba, mahal kaya kita kaya nga babawiin pa kita sa Baby na 'yun, di'ba?
Ang hindi ko nga lang maintindihan ay kung bakit urong-sulong ang kung ano man ang meron tayo. Sadya bang may saltik 'yang ulo mo o manhid lang din ako?
Andito kami sa ilalim ng puno ng Mangga, ang tambayan namin ni Tekla. Nagbabasa ako ng libro ng bigla siyang sumigaw.
"Owwwmaygad Juni! Bulaloooo!" tuwang-tuwang anas ni Tekla habang may kung ano-anong pinipindot sa tatskrin niyang cellphone. Huminga naman ako ng malalim bago ko sabihin sa kanya ang plano ko.
"Teks, 'wag kang mabibigla ah?" paninigurado ko. Tumango lang ito pero halata namang hating-hati ng atensyon niya sa'kin at sa nilalaro niya.
"Oh, ano ba 'yun?" Hindi pa ito tumitingin sa'kin, kunwaring busy daw siya sa paglalaro ng Bulalo, isang game app na halos kapareho ng Flapy Bird, ang kaibahan nga lang eh hindi bird ang lumulukso-lukso kundi isang lalakeng sumikat dito sa Pilipinas ng ma-feature siya sa Jessica Soho dahil sa pagwawala nang hindi siya mabigyan ng Bulalo. Ang tikas rin ng mga Pinoy, ano? Instant sikat tuloy si Manong Bulalo.
"Aakitin ko si Kuya," halos mawalan pa 'ko ng hininga sa sinabi ko.
"Ano kamo?! Aakitin mo gamit ang alindog mo 'yung si Fafa Andruuu?!" walang pakundangang sigaw ni Tekla na ngayon ay tutok na tutok na sa'kin, limot na limot na ang kanyang nilalarong Bulalo.
"Lokaret na 'to, sinabing 'wag kang mabibigla tapos sisigaw-sigaw ka d'yan. 'Yung totoo, tao ka ba talaga? Konti na lang, Teks. Konti na lang, maniniwala na 'kong sinaniban ka ng baklang espirito." Napayamukos na lang ako at napa-facepalm sa kagagahan ng aking kaibigan. Teka, kaibigan ko nga ba 'to? Kelan pa 'ko nagkaroon ng kaibigan na baliw?
"Tae, game over tuloy. Huhubells, wag mo naman kasi akong binibigla, Junibellsmybellsbarabasbellskunganikaniknamaykurikongbellskangkonganythingbellseatallyoucanriceallyouwantbells. Basta bells na may belbel!" Pumalakpak pa ito matapos ilapag ang kanina pang umiinit na malapit ng mag-overhellsat na cellphone niya. Kaawawa-awang cellphone. Pagkatapos ay huminga pa ito ng malalim na para bang ang haba ng ginawa niyang speech.
"Tulungan mo 'kong mabawi ang Kuya ko," alok ko. Agad namang umilaw ang mga mata niya at kumorteng puso pa. Napailing na lang ako, ang adik ng kaibigan ko.