take twenty five

40.7K 366 54
                                    

Cool off. Ano bang meaning niyan? 'Yan ba 'yung kayo pero 'di kayo? 'Di ba't malabong usapan naman ata 'yun? Pwede mo siyang mamiss pero hindi ka pwede magparamdam. Pwede mo siyang tingnan sa malayo pero 'di mo siya pwedeng lapitan. Pwede rin kayong magkatext kung papayag siya pero hanggang dun lang 'yun. 

Pero ang puno't dulo nito, may kalayaan kayong dalawa. Kalayaan para hanapin ang nawawalang sarili. Kalayaan para buuin ang kung ano man ang nagkulang. Kalayaan para makapagisip-isip. Kalayaan para makahinga. Kalayaan para maging masaya...kahit sa piling pa 'yun ng iba.

Oo nga't malaya ako pero pa'no ko ba ikatutuwa ang isang bagay na maaaring maging mitsa na pagkabura ng kwento natin sa mapa?

Awtomatikong tumulo ang mga luha ko nang muli ko na namang naalala ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon, lutang pa rin ako. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuha-kuha ang rason kung bakit ganito ang nangyari sa'tin. Masaya naman tayo 'di ba? Bakit pakiramdam ko eh kating-kati kang iwan ako? Bakit pakiramdam ko eh hindi mo maatim na kasama ako? Na kahit sa mismong libing ng Nanay mo ay ipinagdamot mo.

"Nakikita mo ba ang sarili mo, hah? Andrew? Hindi ka na 'yan. Hindi na nga kita makilala. Dahil lang sa pagmamahal na 'to, nagbago ka na. At ayaw kong ako ang sisihin mo dahil du'n."

Wala naman akong pakialam eh. Kahit maging bakla pa ako sa paningin ng ibang tao, basta masaya tayo, ayos na ako! Kahit hindi ko na makilala ang sarili ko, magkasama lang tayo, tatanggapin ko. Eh ano kung nagbago ako? Kung mahal mo ang isang tao, kahit ano pang pagbabago ang mangyari sa'yo, tatanggapin mo 'yun ng malugod sa puso mo dahil minahal mo nga ang taong 'yun, 'di ba? Bakit gano'n? Bakit naman kita sisisihin sa mga bagay na ginusto ko? Ang babaw ng dahilan mo. Sa sobrang babaw, nasasaktan ako kasi alam kong mas may malalim na dahilan. 

"Maawa ka naman sa'kin. Pagod na pagod na ako sa'yo. Masyado kang clingy. Lahat na lang, napapansin mo. Masyado kang sentimental. Nasasakal na ako sa'yo. Gusto kong huminga, pagod na pagod n--"

Sinakal ba kita? Hindi naman ah? Andu'n ako sa mga panahong kailangan mo ako, wala ako sa mga panahong gusto mong kasama mo ang pamilya o kaibigan mo. Binigyan kita ng kalayaan. Bakit sinasabi mong nasasakal ka na? Mali na bang mahalin ka? Mali na ba?

"Tama na, Andrew. Buo na ang desisyon ko. Cool off muna tayo. Hindi naman ako nakikipagbreak sa'yo, gusto ko lang ng space. Gusto ko lang ng oras para sa sarili ko. Sana naman, maintindihan mo."

Bakit pakiramdam ko, iba ang hinihingi mo? Bakit pakiramdam ko eh hindi Cool Off ang pinupunterya mo? Hindi mo lang alam kung pa'nong nadurog ang mundong binuo ko kasama ka nang makitang humahakbang ka sa'kin palayo. Hindi mo lang alam kung ano ang naramdaman ko nang malamang napapagod ka sa relasyong tayo ang bumuo. Hindi mo lang alam kung ga'no kasakit ang lahat ng 'yun dahil ang iniisip mo lang eh nasasakal at napapagod ka.

Ang sakit-sakit. Sa bawat paghinga ko, parang tinutusok-tusok ang lungs ko kakaisip. Hindi mo alam na sa bawat hugot ko ng hininga, nasusugatan ang puso ko kakaisip kung hanggang kelan ba ako magdurusa ng ganito.

"Kapag sobrang sakit na, na kahit anong gawin mo eh hindi mo na mapigilan ang pagkatalo sa isang labang ikaw lang naman ang gumagalaw, matuto kang sumuko 'nak. Alam ko, masakit. Sobrang sakit. Pero bakit hahayaan mong tapusin mo ang buhay mo sa isang labang hindi naman nakuhang ipaglaban ng prinsesa mo? Kung siya nga, sumuko na, ikaw pa kaya?" bulalas ni Mama nang makita ang itsura ko. Lumapit siya at malungkot na tumabi sa'kin. Huminga na lang ako ng malalim.

Mas lalong bumigat ang naramdaman ko sa sinabi ni Mama. Kung kanina, isandaang kilong semento ang nakadagan, ngayon, isang libo na. Pirat na pirat na ako.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon