take twenty six

40.7K 372 83
                                    

Move on. Eto 'yung kapag nasa gitna ka ng kalsada at traffic pa, kailangan mong umusad kahit mahirap. Eto 'yung kapag sobrang sakit na, kailangan mo nang umaksyon kasi baka mas lalong masagasaan ka. Eto 'yung kapag iniwan ka ng taong mahal mo nang walang sapat na dahilan pero kailangan mong ayusin ang buhay mo dahil 'yun ang tama.

Eto 'yung sinaktan at iniwan mo ko kung kelan hulog na hulog na ako. Na kahit anong bagay ang tingnan ko, ikaw ang nakikita ko. Lahat ng bagay sa paligid ko, nagpapa-alala sa'yo. At sa tuwing nakikita ko ang lahat ng 'yon, nasasaktan ako. Bakit ganito kasakit kapag nagmahal? Bakit ganito kasakit ang maiwan? Buong buhay ko, ako na lang lagi ang iniiwan. Si Papa, si Baby at ngayon naman...ikaw.

Oo, hindi ako pumayag makipaghiwalay kasi gusto ko pang ipaglaban 'to kahit alam kong talong-talo na ako. Pero alam natin pareho na kahit hindi man ako pumayag, wala akong magagawa kasi buhay mo 'yan. Hindi kita kayang pigilan. Hindi kita paga-ari. Naging tayo nga pero wala akong karapatan para mandahan ka sa dapat mong gawin...at 'yun ang pinakamasakit sa lahat.

Pwede bang bumalik na lang tayo sa dati, Juni? Pwede bang ako na lang ulit? Or kung hindi man, tulungan mo naman akong makalimot. HIndi ganitong iniiwan mo na lang ako ng basta-basta. At wala akong maggawa kasi sobrang sakit na.

Pa'no ba magmove-on? Turuan niyo ako? Pa'no ba?

"Alam mo, 'tol? Hindi ka talaga makakapagmove-on kung literal na buong kwarto mo eh punong-puno ng litrato ng ex mo!" bulyaw ni Tall Nut.

Ngumiti na lang ako ng mapait. Ex? Ni sa hinagap, hindi pumasok sa isipan ko na magiging Ex mo na lang ako. Oo, kulot ka. Oo, mataba ka. Oo, hindi ka pansinin. Minsan pa nga'y hindi sila nakyokyotan sa'yo. Pero mahal kita. To the point na hanggang kasalan na, na hanggang magkakaanak na tayo, na hanggang bubuo na tao ng sariling pamilya ang iniisip ko. At dahil sa sobrang pagmamahal na 'to, ang sakit-sakit na.

Muling naglakad-lakad itong si Tall Nut at inisa-isa ang mga picture frame at collage na ginawa natin dati. Mga pictures nating dalawa. Nung wala pang problema, nung ang saya-saya pa. Kumuha siya ng isa pang picture. Eto 'yung stolen shot nang hiningi kong maging girlfriend kita.

Pikit na pikit 'yung mata mo. Nakaluhod lang ako habang nagpipigil sa pagtawa. Andu'n rin ang barkada sa background, lahat sila, nakangiti. Si Manong Guard ang kumuha nito. Niregalo niya sa'tin nung first monthsary natin.

"Ang saya-saya niyo pa dati oh," sambit niya at inabot sa'kin ang picture. Masusi ko itong tinitigan at mas lalo lang akong nasaktan. Buti pa ang picture, kayang panatalihin ang saya sa scene na nakunan. Pero ang tao, hindi. Kapag naging masaya ka, naging masaya ka. Pero hindi 'yun magtatagal. Maaari 'yung maging alaala na lang, na sa tuwing babalikan mo eh masasaktan ka lang.

"Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa kanya, Tol. Wala naman akong pagkukulang ah?"

Umupo si Tall Nut sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.

"Hindi naman importante dito kung nagkulang ka o hindi eh. Hindi ko rin alam kung bakit kayo nagkaganito. Isa lang ang alam ko, Andrew."

"Ano?"

"Na hindi ka na masaya sa nangyayari. Na nasasaktan ka na. Kaya tol, payong kapatid lang kahit 'di naman tayo magkapatid ah? Move on na. Sunugin ang dapat sunugin. Putulin ang dapat putulin. Dahil sa huli, kung 'di mo 'to gagawin, kung patuloy mong ikukulong ang sarili mo sa bagay na sinukuan na ng mahal mo, ikaw lang din ang maaagrabyado. At bilang saksi sa pagmamahalan niyo, tama na rin sigurong sabihin ko sa'yong hindi masama ang magmove-on. Malay natin, kung kelan naayos mo na ang buhay mo, saka naman siya bumalik sa'yo, 'di ba?" nakangiting turan niya.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon