take twenty eight

36K 325 33
                                    

Ang dali lang pala magmove-on. Iinom ka lang, pupunuin mo lang ang kidney mo ng alak at paniguradong makakalimot ka rin. Ang dali! Takte, ang dali!

Sinong niloloko ko? Napatikhim na lang ako nang makitang nakaka-anim na bote na pala ako ng beer dito sa bar na hindi ko alam kung saan. Hindi ko alam kung paano, basta napadpad na lang ako rito. Ang alam ko lang, gusto kong uminom kaya andito ako. Marami ring umaaligid-aligid na mga babae pero hindi ko na lang pinansin. Ang mga babae, pare-pareho lang 'yan eh, kapag minahal mo ng buo, saka ka naman sasaktan ng todo. Kapag hindi mo naman pinakialaman, hahabol-habulin ka naman.

Bakit gano'n kayong mga babae? Kung kelan naman binigay na naming lahat, saka naman kayo maghahanap ng iba? Saka naman kayo mananakit, saka naman kayo mandudurog ng puso. Binigay ko na sa'yo lahat eh. Wala na nga akong tinira sa sarili ko pero hindi pa pala sapat 'yun? Kasi nakulangan ka? Kasi, mas maganda ang buhay na maibibigay ni Lucio? Kasi, siya ang nauna? Letseng buhay 'to, oo!

"Umayos ka nga! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Bago ka dumating, kaibigan ko na siya! Bago ka nanligaw, and'yan na siya. Kaya wag mong ipamukha sa'kin na ikaw ang nauna. Siya. Siya ang nauna, pero ikaw ang pinili ko 'di ba? At kahit gano'n, naging kaibigan ko pa rin siya." Naikuyom ko na lang ang palad ko matapos sariwain ang mga sinabi mo nung nag-away tayo sa hospital nang minsang dumalaw ang magaling na si Lucio. Noon pa man, noon pang una tayong nag-away, siya na pala. Kasi, siya ang nauna. Kasi, siya ang unang nakasungkit sa puso mo at nakakuha ng puri mo.

Muli akong tumingin sa mga bote na nakalapag sa lamesa. Sila, sila na lang muna ang karamay ko. Sila na lang muna ang mamahalin ko. Hindi ko kayang tawagan ang barkada ngayon kasi alam ko naman ang mga sasabihin nila. Na ilabas ko lang ang sakit, na iinom ko lang 'to. Pero takte, kahit kanina pa ko tumutungga ng alak dito, nasasaktan pa rin ako eh! Letse!

“Ang sabi ko, mahal kita…Lucio.” Tiim-bagang ako nang maalala ko naman ang sinambit mo sa isang tawag na gumuho sa mundo ko. Eto 'yung araw kung saan pumunta ako sa hospital at hindi kita nadatnan. Eto 'yung araw na gusto kong ayusin ang hindi natin pagkakaintindihan kaya tinawagan na lang kita. Eto 'yung araw kung saan nawarak na lang ako bigla. Kasi, kahit sa tawag ko lang narinig 'yun, pinipira-piraso nu'n ang puso ko.

"Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa'yo? Hindi. Na. Kita. Mahal!" Lahat ng salita, para lang akong sinasampal. Mali ba? Mali bang umasa ako? Mali bang ipagpilitan ko sa sarili ko na mahal mo pa rin ako? Na okay pa rin ang lahat? Sorry naman, nagmahal lang ako. Siguro naman, sapat na rason na 'yun, 'di ba?

"At wag ka na ring umasa na babalik pa tayo sa dati. Wala na. Wala nang babalikan pa. Si Lucio, mahal ko na siya. Mahal na mahal. Mas higit pa sa pagmamahal ko sa'yo dati. Dahil nga sa pagmamahal ko sa kanya, napapatanong na lang ako kung totoo bang minahal kita noon? Pakawalan mo na ako, Andrew. Gusto ko nang sumaya."

Pa'no ba? Sabihin mo nga? Pa'no kita pakakawalan kung sa oras na pakawalan kita, para mo na ring sinabing itigil ko na rin ang paghinga? Pa'no kita pakakawalan kung sa oras na mawala ka, magiging black and white ulit ang mundo ko? Pa'no kita pakakawalan kung sa pag-alis mo eh kasama ring mawawala ang mundo ko? Hindi ko alam kung pa'no eh. Pero, dapat...kasi sagad na sagad na. Sobra-sobra na.

Mabilis kong tinira ang mga natitirang bote. Ni wala na akong pakialam sa paligid ko, basta, ang alam ko lang, kailangan kong gawin 'to. Kasi alam kong mababaliw ako kung magpapatuloy lang ako kakaisip ng mga problema ko. Tama, alak ang solusyon. 'Yun at 'yun lang.

--

Nagising na lang ako sa isang mariin nguni't masuyong halik. Pagmulat nang mata ko, hindi ko agad nakita kung sino ang humahalik. Pero iisang tao lang naman ang pumasok sa isip ko, ikaw Juniper. 

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon