take fifteen

73K 648 76
                                    

Wala na atang mas sasarap pa sa katotohanang sa'yo na ang puso niya. Sa sobrang sarap, para na ata akong lilipad sa alapaap. Hindi na nga ako nakatulog, sobrang laki na ng eyebags ko at halos pikit na ako ng pikit sa unang subject ko ngayong araw na 'to. Ang walang hiya naman naming propesor ay ngayon pa nagsagawa ng review para sa final examination namin kaya sa'n kaya ako dadalhin ng antok na 'to? Ah, alam ko na, bibigyan pa ata ako ng matandang hukluban nito ng singko. Takte naman eh. Kung kelan high na high ka na, saka naman eextra ang pag-aaral na 'to. Bakit ba kasi kailangang mag-aral kung mag-aasawa lang naman balang-araw? Umiling na lang ako pero nung nakita ko ang kamay kong nakahawak sa magaspang na kamay mo eh hindi ko maiwasang mapangiti. Pakiramdam ko tuloy, nag-recharge ako. At kahit magdamag pa kong gising, basta hawak ko lang 'tong magaspang na kamay mo, go lang ng go ako.

"And you, Mr. Gomez? What can you say about the matter?" Napatayo na lang ako nang hindi sa oras at pakamot-kamot na humarap sa matandang propesor na si Lolo Tasyo. Anastacio kasi ang pangalan niya kaya kapag nakatalikod siya eh Lolo Tasyo ang tawag namin sa kanya. Ang sabi nila, seventy years old na daw ang matanda pero kahit lagpas na a retiring age ay nagtuturo pa rin dahil wala naman itong pamilya na mag-aalaga sa kanya. Kawawang matanda, eh tayo kaya? Pag-abot ba natin ng seventy, makukuha pa kaya nating sayawin ang bubble butt?

"It's easy Sir. You just have to follow the instructions given and that would make you do better," inis na sagot ko. Hindi ko alam kung ilang beses niya ba kasing gustong pakinggan ang linyang 'yan kaya walang kamatayan ang tanong niya sa klase namin ng tanong na tinanong niya pa lang sa'kin kanina. At dahil nga matalino naman ang klase namin eh paulit-ulit lang din ang sagot namin sa kanya. At ano pa nga ba 'yun, walang iba kung hindi ang linyang sinabi ko kanina. Kung palakasan lang naman ng trip ang usapan, kahit pa graduating na ang section namin eh talaga namang sasakyan namin ang trip nitong si Lolo Tasyo.

"Very good," nakangiting sagot nito habang pumapalakpak pa gamit ang makalyo niyang kamay. Maya-maya pa ay napatutok naman itong si Lolo Tasyo kay Brando, isa sa mga kaklase naming aanga-anga. Patay kang bata ka.

"And how about you, Mr. Villamante? What can you say about the matter?" muling pag-uulit ng matanda sa tanong. Pihadong hindi ata nakabisa ng kaklase namin ang sagot kaya walang muwang itong tumayo. Kumamot rin siya gaya ng pagkamot ko sa ulo ko, ang kaibahan nga lang eh masyadong helpless ang itsura niya. Nangangatog rin ang tuhod niya. Kawawang bata. Nagtataka nga ako kung bakit kasama siya sa graduating class gayong puro awa lang naman ang dahil kung bakit siya nakakapasa. Minsan talaga, iba rin ang mundo ano?

Umiling na lang ako at bumuntong-hininga bago ko ibinaling ang pagtingin ko sa'yo. Pero bago ko pa man 'yun magawa ay nagsitawanan na ang buong klase sa sinagot ni Brando.

"You just have to, yeah, oh yeah. There, very well, very easy," parang tangang turan ni Brando na nagpahagalpak sa buong klase. At ang loko, proud na proud pa sa sagot niya.

"What kind of fool are you, Mr. Villamante?" naghuhurumentadong tanong ni Lolo Tasyo na mukhang aatakehin ata sa puso sa sobrang kunsomisyon.

"What kind of fool am I? Who never fall inlove? What ki--" Natigilan si Brando sa pagkanta nang biglang itapon ng matanda ang hawak nitong libro at galit na galit na tumingin sa buong klase.

"All of you! You are going to submit to me a reflection paper, fifty pages. Failure to do so will result to being unable to stand on the stage during the graduation. You will not be given any grade, unless otherwise, you learned what I taught you here. Submit that to me until the last day of the final examination. Class, dismissed!"

Nanlaki na lang bigla ang mga mata ng buong klase. Dahil lang katangahan ni Brando eh kailangan pa tuloy naming mag-submit ng gano'n kahabang reflection paper. Tongue in a lungs? Takte. Imbes na makakapag-date pa tayo mamaya eh hindi na. Tae naman!

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon