Gusto ko lang magpasalamat sainyo, sa'yo na nagbabasa hanggang sa puntong ito.
Kundi dahil sainyo, hindi rin 'to makakaabot dito. Malamang sa alamang ay mananatili pa ring short story ang Kuya. Dahil sa inyo, napilitan akong magdagdag ng mga chapters (hahahaha, joke). Tulad nga ng mga sinabi ko sainyo dati, wala naman talaga akong planong gawing nobela 'to dati dahil kwentong kanto lang ito. Kwentong walang patutunguhan. Pero akalain niyong 'yung kwentong walang patutunguhan pala ang magbibigay daan sa pangarap kong makapaglimbag (publish) ng libro?
Nakakatuwang isipin na habang inis na inis ako nang dumadami ang reads ng kwentong kantong ito ay dapat pa pala akong magpasalamat dahil kung wala ito ay wala rin akong publishing offer na matatanggap. Aaminin ko, wala kasi rito ang concentration ko noon. Kasi wala talaga akong balak na maging nobela ito. Kaya nung biglang dami ito samantalang naiichapwera 'yung iba kong mga gawa na talagang pinag-iisipan ko ay inis na inis ako. Opo, nainis ako sa mga biyayang 'yun. Ang tanong ko pa sa sarili ko, bakit 'yung cliche pa? Bakit hindi na lang 'yung kwentong talagang pinag-isipan ko? Pero sa huli, natutunan kong hindi mo kailangan maging pa-deep para makagawa ng isang kwentong susubay-bayan ng mga mambabasa. Kaya salamat. Salamat, at hindi sapat ang mga sinasabi ko para maipaabot ang pagpapasalamat ko sainyo.
Sa mga nakaka-chat ko sa fb, kilala niyo na ang sarili niyo. Maraming salamat kasi kinakausap niyo ako. Malungkutin kasi ako, madrama...obvious naman 'yan sa mga chapters na ginawa ko 'di ba? Salamat kasi palagi niyo akong pinupuri (kahit wala namang kapuri-puri) at salamat kasi pinapangiti ninyo ako. Salamat talaga.
Sa mga Kuya na nagbasa ng kwento, mga Kuya! Hola amiga! Maraming salamat, nakakatuwang isipin na nakakarelate kayo rito. To think na mga lalake kayo tapos binabasa niyo 'to, salamat. Nakakatuwa lalo na 'yung mga comments na may naiiyak na daw na isang Kuya na nagbabasa nito Okay lang 'yan, malay niyo naman 'di ba? Mahalin rin kayo ng Juniper niyo?
Sa mga Junipers out ther na tulad ko, keri natin 'to. Sana, sana talaga, mahanap na ninyo ang Kuya na bubuo sa mundo ninyo.
Syempre, 'di ko rin makakalimutan ang mga bashers (though mangilan-ngilan lang sila) at pati na rin ang ibang mga newbie writers na walang sawa mag-advertise ng mga kwento nila sa comment box ko, sorry kung hindi ko kayo pinapansin. Hahahaha. Snob ako eh. Juk. Pero kasi, sana, matutunan niyong gawin ang mga bagay sa paraang mas mabuti. Wag 'yung magpopost kayo sa comment box ng may comment box. Kung talagang maganda ang kwento niyo, kung talagang maayos ang pagkakagawa nito, walang dahilan ang mga tao para hindi basahin ang gawa ninyo. 'Yung mga basher naman, guys, gawa kayo ng sarili niyong kwento. 'Di 'yung tuturuan niyo ako, kasi inaaral ko rin ang paggawa nito. Hahahaha. Hindi ako bitter. Bow
Once again, maraming salamat! Sana'y suportahan niyo rin ang iba ko pang mga kwento na lalabas matapos ang Kuya. Stay tuned for updates at pati na rin sa may mga balak bumili ng libro. Hehehe. Sana, wag niyo akong kalimutan ah? Kahit 'di ako makapagreply sa mga comments, posts and pms niyo, sana'y malaman niyong ako na ata ang pinakamasayang tao habang binabasa ang mga 'yun.
Maraming salamat!
Lovelovelove
Sharmaine