Chapter 2

135 2 0
                                    

" oh eh anong Dejavu dun? " tanong ni Pauline.

" hahaha kagaya ngayon, sila na di ba? Oh eh di.. Tignan niyo yung nasa may fountain "..sabi ni Moreen. At lahat kami napatingin sa may fountain sa labas.

Ang nakita namin.

Si Jeanie, naka-hug kay Dave. Hahahahhaha

Ako naman iwas tingin para di masyadong masaktan. Kailangan kong intayin muna ang explanation ni Dave bago ako magreact.

Kaya humigit ako ng baso sa table at uminom kuno ng hindi alam kung kanino at ano ang maiinom ko....

At dun ko lang narealise na Alak pala yung nainom ko na iniinom kanina ni Moreen.

..yung amoy, yung init.. Shit.shit.

Nahihiapan na akong huminga.shit. Yung amoy talaga binabalik lahat ng alaala nung bata ako....

*FlashBack*

Umalis si mommy para sa isang business trip, wala ang mga katulong namin dahil malapit ng mag christmas..kaya naiwan ako kasama si Daddy... At dahil may party sila ng batch nila.. Napilitan niyang isama ako..

" princess, dun ka muna sa taas ha? Medyo magulo dito "..

" yes daddy "..

Dahil nabagot na ako.. Bumaba na ako at nagbakasakaling may makakalaro ako..

Pero nagulat ako..

Yung sa murang edad pa lang sinama ako ng Daddy ko dun sa isang negosyo ng family namin. Isang bar and reastaurant business.

Mga tingin ng mga lalaking nakakatakot. Yung mga tawa nila. Yung ma murang binibutawan nila. Nakakatakot. Mga taong nagsasayaw sa dance floor habang nagsisigaw.

Ang daddy pulang pula na ang mata. Nagsasayaw na ren siya.. Kasama ang isang babaeng ang ikli ikli ng suot..

Bakit ganito nasan na yung daddy ko na perfect sa paningin ko...nasan na yung daddy ko na tinuturing akong prinsesa?

Dahil bata na walang kamuwang muwang..

" Hey villain! Why are you with my daddy? I'll make sumbong you to my mommy!! go away! Go away! ".. Sabay tulak. Dun sa babaeng villain.

Dahil sa ginawa kong yun dun ako unang napagalitan ng daddy ko. Sinigawan niya ako. Umiyak ako ng umiyak.

Pag-uwi namin sa bahay.. Andun na ang mommy...

****

" CHANDY!!! CHANDY!!! *PAK!* ".. Dahil sa sampal na yun ni Moreen saken dun ako bumalik sa realidad.

At nung pumunta ako sa realidad? Kurot kurot ko ang sarili ko, pawis na pawis, at umiiyak..

" ha? " lang ang nasabi ko..

Napatingin si Moreen sa left hand ko.

" UMINOM KA?! ".. Sigaw na tanong saken ni moreen.

" Aksidente lang naman ".. Pabulong na sagot ko.

" PERO UMINOM KA PA REN?! CHANDS NAMAN! "..moreen.

" Reen, I told you aksidente lang. Don't think anything na lang and besides I'm ok---*PAK! *"...nasampal nanaman ako ni moreen

"MOREEN!!" Sigaw ng barkada. Habang ako patuloy pa ren umiiyak.

"Moreen! Don't make a scene here my God!".. Sigaw ni Mae

" guys! Tara ng umuwi! ". Sigaw ni Marco

Wala pa ren ako sa sariling sumunod sa kanila. Akay akay ako nina Pauline at Sedric. Habang si Moreen pinapakalma ni eric.

THE PERFECT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon