CHANDRIA'S POV
Andito na kami sa Venice International airport isang araw din ang lumipas bago kami dumating dito. Haay. Ngayon pa lang namimiss ko na ang mga naiwan ko sa Pinas pero...
hindi pwede. Kailangan kong magpakatatag ginusto ko to! Whoo! Kailangan ko ng magbago.
Aayusin ko ang buhay ko. Kaya ko to!
" HELLO VENICE!! ".. Sigaw ni Joaquin pag kakuha namin ng luggages namin.
" excited much? Para sabihin ko sa'yo Joaquin andito pa din ako para magtrabaho! Kaya wag ka ngang umasta jan na parang mag paparty lang tayo dito. HAHAHA kaloka ka. "...dahil sa sinabi ko. Tumingin agad saken si Joaquin
Tama kayo ng nakita.. Andito ako para mag trabaho.. Nagbalak ako na mag gagawa ako ng clinic ko dito.. Nasabi kase saken ni Gerard na madami ng pilipino dito kaya ayun ang naisipan kong kabuhayan na din dito.
" hmmmm.. Katutungtong mo pa lang ng Venice, nagbabago ka na ha? bestpren wag ganan.. ".. Sabi niya saken.
" Haha anong bago? H may pagkamataray naman talaga ako. Ano ka ba? Hahaha tsaka si Moreen lang ang bestfriend ko noh. Wag ka nga! Hahaha ".. Matawa tawa ko naman tong binatukan t lumakad na ulit.at iniwan siya.
Pagkatingin ko sa labas.. Napansin ko agad si Gerard. At natawa pa ako nang mapansin kong may hawak pa tong bond paper na may nakasulat na
" Welcome Chandy Gomez! ".
Hahahahaa
Pagkataas ko ng shades ko.. Eh kumaway ako sa kanya habang nakangiti..
" Geeeed!! ( pronounced as jed ) " salubong ko at Tumakbo papalapit sa kanya sabay hug. Naiwan ko na nga
Si Joaquin at yung luggage ko.
" Lil sis!!! Kamusta na!! "...sabay tap sa likod ko at kunawala na sa hug
" Lil sis ka jan! FYI lang Ged ha? MAS matanda pa den ako sa'yo! Kaya wag ka nga! HAHAHAHA "..sabay tawanan lang kami.
" FYI lang din ha? XANDER na ho ang tawag saken not Ged! Anyways,Nasan ang gamit mo? "..tanong niya.
" nyenye IKAW pa din si GED ang Lil' Bro ko.. HAHAHA..Ayun oh. " sabay turo kay joaquin na daladala ang mga luggages ko at yung kanya hindi na siya magkaugaga.
" WOW. di mo naman nasabi nung nagskype tayo na wala na kayo ni Dave. So sino tong bago mong-- ARAY! "...dahil sa hindi nanaman matigil ang bunganga ng kapatid ko binatukan ko nga.
" hindi ko siya boyfriend okay? Kaibigan ko yan. TARA na nga! Nasan ba ang sasakyan? "..Nakadating na si joaquin na aligaa sa mga luggae namin. Tas sinalubong na siya ni Ged at aba mukhang close agad sila. Palibhasa parehas ng personality.
Nagtatawanan na sila habang ako nakasimangot lang na naghahantay ng sagot ni Ged.
"Haaaay.. ".. Nakatingin lang ako sa Cellphone ko. Lockscreen ko? Kami ng barkada. Homescreen? kami ni dave. Haay pano ko ba sila makakalimutan?
WAIT. Di naman kalimutan sila ang goal ko dito ah. Ang goal ko lang naman eh mabago ko ang sarili ko. Haay ano ba naman yan! Namamali mali nanaman ang isip ko. Nuhbayan.
" Chands! Huy! ". Sabi nina Joaquin at Ged
" kanina ka pang sigh ng sigh jan yung totoo? ".. Sabi ni joaquin.
" hay! Ewan ko sa inyo! Ged, ano asan na ba yung kotse? "..tanong ko sa kanila.
"Hay Chands, buti pa ang sasakyan naalala mo noh? Ang daddy ba naalala mo? ".....seryosong tanong saken ni Ged.