Chapter 19

79 0 0
                                    

Chandria's POV

" You ready? "..tanong saken ni Joaquin.

" If I say Not yet..pede pa bang umatras? "..malungkot na sagot ko dito.

" Decision mo to! Masasapak kita! Ang mahal ng ticket ha? "...alam ko namang Jpaquin is trying to cheer me up.

" tss. HAHAHA tara na nga! ".. i fake Laughed.

Nandito na kami sa airport bale natawag na yung flight namin at papasok na kami ng eroplano.

Ang totoo talaga.. Sa Italy ako pupunta. And Yes, nagsinungaling ako sa nilagay ko dun sa letter. Feeling ko lase susundan nila ako kahit na anong gawin ko. Kaya yun.

Yun naman talaga ang balak ko sa france dahil ang akala ko andun pa sina Daddy at Gerard pero lumipat na pala sila kase dun na ang trabaho ni gerard. Anong trabaho niya? Direktor siya. Pero hindi siya bading ha? Talaga lang hilig niya ang arts.

Anyways, ito na.. Nakasakay na kami sa eroplano at nag Take off na.

This is the start to be the New me.

Moreen's POV

" Dave!!! Pigilan mo na dali! Para ka namang baliw eh.sayang yung gas natin pag punta natin dito!! ".. Bulong ni Mae kay Dave.

Andito din kase kami sa airport.. At sa sight namin kita namin si Chandy at Joaquin na papasok na sa Eroplano. Ugh.

" Mukha naman siyang masaya eh. Wag na natin pigilan.. Haaay.. "..pag sabi niya nun ay binatukan ko to.

" mukha na tayong tanga dito ayaw mo pang habulin? Ano sayang lang effort?! "..sabi ko

" Pare! May oras ka pa para pigilan si Chandy! "..sabi ni marco

" Hahayaan mo bang sumaya siya ng hindi ikaw ang dahilan?"..Fred

" Or hahayaan mong ma-develop yan sa sulut na Joaquin na yan!? "..sabi naman ni Eric kaya binatukan ko din.

" Si Joaquin, kaibigan siya ni chandy okaaay? kaya wag niyong mataaag tawag na Sulut ang kaibigan ng kaibigan ko! "...pagkasabi ko nun ay medyo nalungkot ako

" Halaaaa.. Kunyare di bitter pero nagseselos na yan.. Noh? Noh? Noh? "..nagpatuloy kami sa pagbabangayan nitong si Eric.. Habang ang ibang batkada naman eh pinipilut pa din si Dave na pigilan sj Chandy.

May 3 mins. Pa naman para dun sa mismong take-off.

Nang.....

" guysss!! tahimik!! Pakinggan jiyo yung announcerr!!!! "..dahil sa sinabing ito ni Gail eh nakinig naman kami..

" The Flight 2356 is now heading To Venice International Airport. May they have a safe flight. ".... At napatingin kami sa pinto na pinasukan kanina nina Chandy kanina..

At dun may nakalagay na " Flight 2356 "..

" Venice? ".. Sabi ni mae

" di ba sa Italy yun? "..- Fred

" Akala ko ba France ang punta ni Chands? "-- Gail

" Eh bakit yo Venice chuchu.. ".- Eric

" nagsinungaling saten si Chandy. " sabi ko

" Ramdam siguro niya na baka sundan natin siya kaya niya yun ginawa.. Haaay.. Guys tara ng umuwi. "..malungkot na sabi ni Dave.at lumakad na papunta sa parking space.

Lahat kami walang ganang pumasok ng sasakyan at nagbalak na pumunta muna sa bahay ni Marco.

Pagdating naming dun nagsiupo na kami at kanya-kanyang upo. At puwesto..first time ata na maging tahimik ng ganito ang barkada..

Tinignan ko isa isa ang barkada..at napansin kong lahat kami.. Maluha luha na. Except kay Eric na namumula na ang mukha dahil for sire sobra na tong nagpipigil.

Maya..maya..

" ANG TANGA TANGA KOOO!!!!! ANG TANGA TANGA KO! Para gawin ANG MASASAKIT NA YUN KAY CHANDRIA! ANG TANGA TANAGA KO PARA MAWALAN AKO NG ORAS SA KANYAAA!! AAAHHHH!!!!! "... Nagwawala na si Dave.. Hanggang sa mapaupo siya at dun na umiyak at humagulhol.

Linapitan ko si Dave at hinagod ko ang likod niya..

" Dave..*sniff..sniff* Mahal ka pa din naman ni Chands si di ba? ikaw pa rin ang Mahal niya. *sniff..sniff.* Intindihin mo siya okay? "..

Ngayon ko na lang ulit cinomfort itong si Dave kase halos this past few months? Years? Simula nung nagkikuta na nga ulit sila ni Jeanie.nainis na ako sa kanya. Kaya sobrang.. Heartbreaking to.

" Pare, Mahal na mahal ka ni Chandria. Ginawa lang niya yun para sa ikabubuti ng relationship niyo.. "..sabay tapik ni Eric sa likod ni dave.

patuloy la din kase ito sa pag-iyak.

Habang ako nasa tabi niya.at hinahagud pa din ang likod niya.

lahat kami umiiyak na dahil sa pag-alis ni Chandy. Pakiramdam kase namin.. Sobrang naging malaki ang pagkukulang namin kay chandy..

At Tama siya, sobrang laki ng nagawa niya samen.. Pero...

HAAAAAAYYY..

" Gusto ko siyang makasama mga pre.. Pero kailangan kong ibigay ang hinihingi niya.. ANONG GAGAWIN KO?! Paano pag may mangyri sa kanyang hindi maganda.. tas wala ako sa tabi niya?! Paano kung nalungkot siya, wala ako sa tabi niya para pasayahin siya? PAANO?! "..walang hingang sabi ni dave

" hmmmm.. ".biglang napaisip si eric

Habang kami eh nagiisip pa din ng pedeng gawin para kay Chandy at dave biglang dumating si Sedric..

Halata mong balisa siya..

" anong nangyare Sed? ". Tanong ni Gail.

" Asan si Pauline? "..sunod na tanong ni mae

" Pauline broke up with me. "..straight na sagot niya na ikinagulat naman namin lahat.

" agad? Agad? "...sabi ni Fred

Ngayon lang naman kase nagaway ang dalawa tas humantong agad sa hiwalayan. Ano ba yan?

Even the Strongest relationship do have endings also.

Kaya ayoko pa mag boyfriend eh. Tsk.tsk.

" BAKIT NAMAN GANUN PARE? Baka naman maayos pa yan.. "..sabi ni Marco.

" hindi ko din siya maintindihan na eh. She just gave up that easily. Bakit naman ganun? Tas nung sinundo ko siya may iba na pala siyang lalaking " kaibigan " na tinawagan. Pero inakbayan?! Tangna pare!! KAIBIGAN?! "... Sabi ni Sedric.

Pumutok na siya. Sobra kase nitong matiisin ren eh. Lahat siya abg nagaayos. Until this nga.

" Ano na bang nangyayari sa barkada naten? Jusko. "..bulyaw naman ni Mae

" Mag bestfriends nga kayo ni Dave haay. "..sabi naman ni Gail.

" ALAM KO NA!!! ".. Biglang singit naman nitong si eric. Na hindi pa din pala nagpaawat sa pagiisip.

" Oh ano? ".. Mairap na sabi ko naman dito.

" tss. Wag ka nga Moreen! So ito na nga ang suggestion ko Dave. Tutal naman nagaalala ka na baka may mangyari kay Chandy.. At gusto mong maging updated sa kanya pero ang problema hindi puwede.. Why not hire a private Body guard pero hindi niya alam.. Na mag-uupdate sa'yo lagi. ".. Tuloy tuliy na sabi ni eric na may pataas taas pa ng index finger na paang nasa husgado.

"Meron ba nun? ".. Tanong ko

" oo, meron akong mga cliente na nag hihire ng private body guard para bantayan alaga nila. Hahaha you know? For their safety. "..

" so agree ka ba dun sa suggestion ni eric Pare? "...tanong ni Marco

" Sige. Wala na din akobg ibang choice eh. "....

THE PERFECT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon