CHANDRIA'S POV
" Revlon Venice Edition....Try it now. Feel the romantic ambiance on you.. ".. Sabay padaan ko ng index finger ko sa may baba ko. at....POSE with seductive facial expression. Eerr
" CUT! NICE SHOOT Xy!! We'll show you the edited commercial tomorrow.. " sabi sa aken ni Direk PREYNIO. Weird ng pangalan noh? Half american italian eh. Hahaha
" thank you Direk till our next Shoot! Hehe ".. Medyo nahihiya ko pang sagot dito...
* Clap! clap! *
Here comes my " manager "..
" Nice work Kapatid! Manang mana ka talaga saken! HAHAHA "...
" shut up Ged! Hahaha mas magaling ako sa'yo noh! HAHAHA "..sabay akbay niya saken.
" Tsk. Whatever. Saken mo ren na adopt yan skills mo na yan eh. Haha "..yabang nito.
" ewan ko sa'yo.. i'll just wash my face. And change clothes. Ka-stress. Baka mawala pa natural beauty ko mahirap na. "...sabay tanggal ng akbay niya at diretso sa dressing room.
Kapagod pala talaga ang trabaho na to. Grabe.
At ang bilis lang ng mga pangyayari parang kahapon lang.. Umoo ako kay Ged na gagawin ko ang Commercial na ito.. At ito na nga.. Kinabukasan nun eh nag shoot agad kami. Ng isang make-up. Bali 1st week ko na ito.Natuwa pa nga saken yung director at staff kase ang bait ko raw at ang bilis ko matuto...na hindi naman talaga kapani paniwala.
Hello?! Wala naman akong background sa modeling or commercials. Kaya malay ko nito! HAHAHA
Pero kahit naman papano na-eenjoy ko siya.
Nagpalit na ako ng damit. At nagtanggal ng make-up.. Ang damit ko? Not my typical attire na Pants and loose shirt. I need to be presentable na lagi dahil sabi ng may ari ng Revlon " you're carrying our product now that's why you need to show them it's in you. " kaloka.
Kaya ngayon.. Naka pink fury sweater ako na hanggang hita kaya nakashorts ako tas naka stockings lang ako na black.. And HEELS! For God's Sake! Eh hindi naman ako nagsusuot nito. Ever since.
At ito kahit ayaw ko magmake-up kailangan ko pa din mag lipstick man lang. Ang buhok ko binun ko lang.I'm wearing Pink lipstick.
Nakapag photoshoot na ren kami nung unang araw after ako ma-declare na new model ng Revlon company. At Kung di dahil kay Ged at Joaquin ay siguradong magpapast out ako dun dahil. Hanggang ngayon di pa ren ako sanay sa NAPAKADAMING flash ng camera. Hahaha
Kaya ito ako ngayon habang nasa isang restaurant para kumain eh may mangilan ngilan na nagpapapicture. Kase kumalat na pala sa Social networking sites yung news. Haay. It's really starting.
FLASHBACK: The day of my Welcoming party as the new ambassador or model of Revlon Venice Edition make-up.
" Let's Welcome! The new Ambassador of our New Revlon product XY! ( Zy )"
Sabi ni Mr. REV na may-ari ng company.
Tapos na ako ipakilala at party. Party na lang ngayon. At oo.. Nasa BAR KAMI. Di ba? Kaya ako ito. Nakataklob ng panyo sa ilong. Yung amoy kase hindi lang wine. May alak na talaga. Eerr. Nagbubuhol buhol ata sikmura ko eh. At di ko maiiwasang. Mag flashback ang trauma ko dito. Haaay.
" Xyril!! Try mo na kaya? Kasama mo naman kami ni Ged eh! ".. Sumisigaw na siya habang inaabot ang isang shot glass na tequila.
" Joaquin, alam mo naman di ba? Saka okay na ako sa wine. Pero wag na jan.. "..sabi ko.
Kaya nagkibit balikat na lang si Joaquin. Medyo tipsy na siya. Pero nasa katinuan pa naman.