It's been 2 weeks since kinantahan at pinaiyak ako ni Dave at ng barkada.. Pero Mali pala yung sabi ko..kase since that day patuloy pa ren akong umiiyak..minsan nga iniisip ko na lang.. Maybe my mind and heart is still adjusting.
Naka book na ren ang flight ko to France 3 days from now. Kaya sa 2 weeks na yon pinipilit ko ng ayusin ang mga maiiwan ko dito.. Wala na ako masyadong nakakausap sa barkada..at namimiss ko na sila.. Minsan nga parang pinagsisihan ko ang ginawa ko..
Parang nakasalang lang ako sa isang chess game wherein touch move ang rules.
Ngayon papunta na ako sa last na hospital.. Alam niyo ba? Siyempre hindi pa ( haay ang hirap pasayahin ng sarili eh ) sa sampung mga pasiyente ko na pinagpaalaman ko kanina.. Lahat sila iniyakan ko.. Ang hirap naman kase bitawan ng isang bagay kung sobra na tong napalapit sa'yo di ba?
Andito na ako sa last na pasiyente ko..
Ang latest patient ko si Lawrence...
Kumatok ako.. Habang hinahanda ko ang sarili ko. Pinagbuksan naman ako ni Mr. Aquino
Pero may mas ikinagulat ako nung napatingin ako sa dalawang babae na katabi ng kama ni Lawrence..
" Mommy? Moreen? What are you guys doing here? "....
May galit na lumapit agad saken si Moreen..at hinila ako palabas..
" Moreen, ano bang problema?! "..pasigaw na tanong ko dito.
" Bakit hindi mo sinabi saken?! "..mahina pero may diing tanong ni Moreen
" Anong ibig mong sabihin-- "..
" Oh. please Chandy, ipapakita mo nanaman ba na ikaw ang tama?! Bakit hindi mo man lang sinabi na pasiyente mo pala si lawrence na kilalang kilala mo! Alam mong I'm falling for that man kaya ko siya hinanap afte college di ba?! Then why did you-- "...i cut her off
" Ang galing Moreen, I thought you treat me as your bestfriend. Moreen tatanungin kita. Did you even show me any picture of that man? HINDI! Kaya wag mong sasabihin na kilala ko.. Yes kilala ko siya by name. Pero alam ko ba ang full name niya?! NO! All you say is when you're talking about him is the name ENZO. Oh.now tell me. PAANO KO SASABIHIN SA'YO ang mga bagay na guyo mong sabihin ko?! "..at tumulo ng tuluyan ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan..
" Hindi ko inakala na ganyan ang magiging tingin mo sa akin reen dahil lang sa isang maling akala.at dahil lang isang bagay na hidi ko naman kayang gawin sa'yo! "..patuloy ko.
Ugh.
Nag walk out ako at dumiretso sa Comfort Room pero nang lingunin ko si Moreen pumasok na ulit siya sa kuwarto .at pumasok sa isang cubicle.
Bakit? Bakit pati si Moreen? Bakit paang wala naman akong alam na ginawang mali sa kanila? Pero why are they judging me? Mali na ba talagang maging tama? Pero sa paningin nila mali? ANONG MALI?!
Patuloy pa ren ako sa paghagulhol ng tahimik nang may naalala ako..
Anong ginagawa ni Mommy sa kuwarto ni Lawrence? Inayos ko ang sarili ko at lumabas na..
I need to clarify things..
Dumiretso ako sa kuwarto ni Lawrence.. Hoping na wala ng Moreen sa loob..
Bago pumasok nagtext pa pala si Joaquin..
From: Joaquin
" Where are you? "
Si texted him back
" St. Peter's Hospital "
At kumatok na sa pinto..
Kagaya kanina si Mr. Aquino ang nagbukas..pagbukas niya pulang pula ang mata niya umiyak din ba siya? Pero bakit?
Bago ko pansinin at itanong kay mommy ang lahat I checked Lawrence first.
" Hey Lawrence, so how are you feeling?" Medyo cheerful pa na tanong ko dito.. Siyempre work first ayoko munang pansinin ang eksena kanina.
" uhm.uh. Ito Doc, feeling better..hindi na masyadong naninikip ang dib dib ko. At nakakatulog na ako ng maayos.. "..sabi niya.
Buti pa siya hindi na naninikip ang dib dib at nakakatulog ng maayos.. Eh ako?
"Good to hear."..lang ang nasabi ko
" It's all thanks to you Dra. Chandria Xyril FERIDO Gomez ".. I wonder why did he give emphasis sa Middle initial and How the eep did he knew that?!
" uhm.How'd you know my Middle name Mr. lawrence? "..
Tumingin siya kay mommy then tumango siya. It's like he's telling my mom to spill something out. Pero parang nag refuse si mom.
" tss "..sabay irap kay mommy.. Why did he do that?
Maya-maya..tumingin siya saken ng seryoso.
" Because my full name is Lawrence Zoren Ferido Aquino..and yes we have the same middle name? And MOTHER AS WELL.. "...
Dun sa sinabi niya..
...processing...
So siya?
Siya ang taong naging dahilan ng lahat?
Siya ang naging dahilan ng gulo sa pamilya ko...
Ang mga efforts ko na nababaliwala..
Siya ang nakapagkumpleto sa buhay ni Mommy..na kahit kailan pala hindi ko nabuo sa kanya.
Ang nakakatawa lang...
Siya ang nagbigay saken ng mga pasakit pero...
Ako ren ang tumulong sa kanya..ako ang naggagamot sa kanya..
Lagi na lang bang ako ang gagawa ng tama sa kanila at pabor?
PAANO NAMAN AKO?