Chapter 9

78 1 0
                                    

Pagkapasok nila. Nagtatawanan pa sila.

Nung lumapit sa kanila yung isang waiter eh hinatid na nito ang mga to sa kabilang dulo ng coffee shop.

And from my place I'm sure hindi nila ako mapapansin.

Para naman ata akong si Monica nito sa The Legal wife eh. Hindi naman no. Nagmamatyag lang naman kase ako. Ang kulang na lang siguro tawagan ko siya at tanungin kung nasaan..pero hindi ko yung gagawin kase alam ko nanaman eh. Bakit pa di ba?

Habang pinagmamasdan ko silang dalawa...parang bumabalik nanaman ang lahat ng insecurities ko noong high school pa lang kame..ewan ko ba..but I really find them bagay ever since.

Ugh.

Erase erase nga. Sabi na ni Dave na ako ang mahal niya. Kaya dapat ko yun paniwalaan.

Sa ngayon nakatingin pa ren ako sa kanila.hindi ko kase maiwasan eh. Makaalis na kaya?

Naah. Kase pag ginawa ko yun maprapraning lang ako lalo..

Pero pag nandito naman ako at pinapanuod sila di ba parang i'm lacking the trust? Haay. Ano ng nangyayari saken???

Anways, from my view may nilabas na blueprint si Dave at mukhang pinaguusapan nila yung details..

Nagpapagawa kase ng bahay si Jeanie. Eh bilang kaklase namin noong High school eh siyempre kay dave na niya napaisipang magpagawa.

And yes, kaklase namin si Jeanie noong high school.. Naalala ko nga noong sila pa eh..

***

Ang sweet nanaman nila.. Wala kase ang teacher namin. Nakakaasar naman oh wrong timing. Kaya naisipan ko na lang na magbasa ng Dear john ni Nicholas Sparks. Pang ilang beses ko na ba to nabasa. Pero paulig ulit pa ren akong kinikilig at--

" HAHAHAHAHAHA "...

Tawanan silang dalawa.. At mukhang sobrang saya nila. Siguro nga tama ang pagpaparaya ko kay Dave..

Tinitigan ko sila..

Bagay na bagay talaga sila.. Kaya ano pa ba ang pinagiinit at punto ng butso ko dito? Kumpara kay Jeanie walang-wala ang itsura ko..

Maganda si Jeanie,morena beauty eh,ako? Boring ako panget.

Sexy si Jeanie,ako? Yun walang ka-shape shape ang katawan..

" ANO TO?! Nagpapaka martyr lang?"..biglang sulpot nitong si Moreen.

Sa likod niya ay ang iba pang barkada..na mukhang naaaa na ewan except sa mga babae kong kabarkada.

" girl, wag masyadong titigan ha? Baka mamaya may luha nanamang pumatak jan sa mata mo..". Sabi ni Mae.

" hahaha para kayong mga sira.. Sige na. Punta lang akong CR ha? ".. Naiiyak na kase talaga ako eh. Pero siyempre ayoko ipakita sa kanila

" wag kang magwawala dun ha? "..sabi ni fred

" tamang iiyak mo na lang ha? "..marco

" iiyak mo hanggang sa mawalaang sakit "..pauline

May kanya kanya pa silang comment pero ako dirediretso lang sa CR.

Ilang months na ren simula nung naging si Dave at si Jeanie ito pa ren ako. Ugh. Ano ba yan.

***

Ugh. Bakit ko nanaman ba inaalala yung mga yun nakakaasar. Nakakaasar.

Naalala ko nanaman kase yung sakit ba na-feel ko nung mga oras na yun. At nararamdaman ko na.. And I can already feel the tears na anytime eh papatak na.. Kaya naisipan ko ng umalis.

Nagmamadali akong nagiwan ng 500 pesos sa table at tumayo na.

Pero kamalas malasan pa..

Sa pagmamadali ko nakabanggaan ko yung isang waiter na may dalang coffee..

At dahil dun natapunan ako. Ang init siyempre kaya napairut ako. At yun ang naging dahilan kung bakit naging all eyes on me ang scene..

And unfortunately, naagaw din ang atensyon nina Jeanie at Dave.

" Chandy? "...

THE PERFECT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon