Chapter 8

83 1 0
                                    

Chandria's POV

" Si--".. Bago pa man masabi ni Reen yung sasabihin niya biglang nawala yung phone call. Nababa ata.

Ano kayang sasabihin niya?

Is this about Dave again?

Nagiging ganun lang naman siya ka-histerical kuno pag may news siya na sasabihin about kay Dave. Or tungkol dun sa crush niya..

Ano ba dapat ang sasabihin ni Moreen?

Si?? Anong kasunod?

Ang dapat bang sasabihin niya..

Si Dave kasama si Jeanie?

Si Dave may kahalikang cliente?

Si Dave naaksidente?

Jusko okay na yung first two wag lang yung pangatlo..

Pero kung yung first two man ang sinabi ni Moreen? Ano ba ang dapat kong maging reaksiyon?

Dapat ba akong mag histerical? Dapat ba akong sumugod? At saktan kung sino man ang kahalikan ni Dave?

O mananatili na lang akong tahimik at magpapanggap nanaman ng walang kahit na anong nakita? Dapat ba akong magbulagbulagan? For the sake na tumagal ang relationship namin?

God knows kung anong pinagdaanan ko bago pa maging kami...naudlot eh. Kaya inisip ko maybe that second chance would lead us to be with each other forever.

" Haaaaay ".,napabuntong hininga na lang ako..at hindi ko na din namalayan na may tumulo ng luha saken.

Dali dali ko tong pinunasan. Haha para lang shonga. Bakit ba ako umiiyak. Masyado na akong naprapraning...haaiisht. Pero kase naman di ba parang ang dami na? Aaaisht!

" Chandy tama na nga.. Para kang baliw eh! "..sabay sampal ko ng mahina sa dalawang pisngi ko. Anong oras na ba?

Whooo.. 5:30 na pala? Ganon na ako katagal nakatulala after nung phone call?

Chineck ko ang cellphone ko at nakita kong may text message saken si Mae.

" Chands, punta kang Resorts andito kami ni Moreen..showing na Let it snow!!!! "..- Mae

Sasama ba ako? Parang ayoko.. Kase sigurado ako na hindi maiiwasan na mapagusapan ang kung ano mang nalaman o nakia ata nila kanina.. At kung yun mang mga choices ko yun.. Hindi pa ako handa..ayoko.. Magbubulagbulagan na lang ako...

" Mae, Sorry Gusto ko man sumama pero madami dami akong bibisitahing pasyente ngayon eh. Sorry. I-pirata niyo niyo na lang ako..haha joke lang. Enjoy kayo. :) ".. Reply ko sa kanya.

Nagpaalam na si Karen na aalis na siya. May date pa daw kase siya ng boyfriend niya.. 3 years na din sila. At naging saksi ako sa ligawan ng dalawang yan. Kase ever since si Karen na ang assistant RN ko. Haaaay.

Bumaba na ako at pumunta sa kotse ko.. Pagpasok ko ng kotse..bigla na akobg nakaramdam ng gutom. Kaya naisipan kong dumaan muna sa coffee shop. 6 na ren pala. Ang bilis ng oras.

Pagpasok ko ng coffee shop ay pumunta ako sa isang sulok. Lumapit saken yung waiter...

" smile and let others feel the insecurities. What's the order of the beautiful miss? "...in fairness effective ang ginagawa ng shop na to ha? Effective. Napatawa naman ako.

umorder ako ng isang slice ng choco mouse cake at isang choco latte..wag naman sana ako mag-LBM nito. Haha pero kase ganito lang ang way ko para mawala ang stress ko..ang kumain ng chocolates. Ganito na ako ever since.

Habang iniintay ko ang order ko nilabas ko ang iPad ko at nagresearch about sa mga medicine trends. at mga diseases na uso ngayon... Patuloy pa ren ako sa pagsesearch ng dumating yung order ko.

Kumain lang ako. Pero paunti unti. Kamusta na kaya ang panunuod nina Moreen at Mae.. Kainis eh gusto ko talaga sumama sa kanila. Pero natatakot ako.

Nung paubos na yung cake..natira na lang ay yung choco latte ko ay i-cclose ko na sana yung iPad ng may nakatawag ng pansin ko..

" HAHAHHAA, para kang sira..pati ba naman ikaw hidi maka-moveon dun? "....familiar voice..kaya tumingin ako sa may pinto ng shop. At nakita ko si Jeanie..kasama si Dave.

Ano nanaman kaya to?

Dave, anong meron? Bakit ganito?

THE PERFECT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon