#46 "Will you come to me?" (part 2)

6.4K 135 20
                                    

#svtshortimagines #scoups (#46)
===

Nakatulala ka, nakatingin sa asul na langit at pinagmamasdan ang marahang pagsayaw sa ng mga mapuputing ulap.

"Wow, ang ganda ng ulap," ang iyong sambit.

Pinagtitinginan ka na nga ng ibang mga estudyante sa campus. Para ka kasing  Nagy shoot shooting ng music video sa tapat  ng fountain. Nakataas pa kasi ang mga kamay mo na waring inaabot ang mga ulap. Alam mo kung anong kulang? Music- music na katulad ng "Que Sera Sera" or "Quando Quando."

Nakangiti ka habang nanonood sa itaas, nang biglang napawi ito dahil sa kakaiban hugis na nilikha ng mga ulap.

"Oh? Kahugis iyon ng...ng...ng lips ni Jisoo."

Mabilis na namula ang iyong pisngi. Ilang beses ding tumibok ng mabilis ang iyong puso anupat hindi ka makahinga ng maayos.

Bakit ka nagkakaganito sa simpleng pag-alala sa labi ni Jisoo?

Iyon ay dahil sa nangyari sa inyo kamakailan lang. Remember when you and Jisoo got lock inside the elevator? Doon nangyari ang isang kaganapan na hindi  mo kalimutan, hindi  nagpatulog sayo ng ilang gabi at ni hindi mo man maipaliwanag.

Jisoo kissed you. Yung lalaking takot at may allergy sa mga babae, ay hinalikan ka! You kissed back that time. So ang mas tamang term ay , "naghalikan" kayo. It was not a simple kiss. In fact, kung gaano kalalim, kainit at nakaka-adik ang halik na iyon, ay sariwa pa sa iyong isipan.

You held your lips and bit your lower lip. "Ano ng gagawin ko kapag nagkita kami? Ang awkward!" Sigaw mo sabay  sabunot sa buhok.

Ayan. Pinagtitinginan ka tuloy ng mga estudyante. Kung kanina para kang  nag-mu-music video, ngayon naman nagmamala-korean  drama ka.

You like Jisoo. Aminin mo na, na unting-unti kang  nahulog  sa lalaking may weird na sakit. You used to tease him lang naman noon: Na sinasadya mo siyang hawakan at yakapin dahil alam mong takot siya sa babae. Now, ano ka ngayon? Now that it seems ibang level na ang relasyon niyo, ano ng gagawin mo?!

"Hoy, nakikipag-date ka ba sa matanda pero hot na rescuer?" Tanong ng isang estudyante na kaklase mo sa isang subject.

"Ha?" Tulala mong sagot dahil wala ka pa sa katinuan.

Umalis ang estudyante at humawi ang iyong paningin. Mula sa malayo ay makakita ka ng macho, gwapo at nakapapanglaway na lalaki. Ohh la  la, kanin nalang, busog na.

Sino ba tong rescuer na to na mukhang pamilyar sayo?

"Hoy kiss addict! May naiwan ka sa elevator!" Sigaw niya.

Lahat ng mga babae ng pinagnanasaan ang lalaki na ito, pati na yung mga bading na kinakain na siya sa isipan ay napatingin sayo.

Te-----ka. Mukhang ikaw ang pinaparinggan ng lalaki na iyon!

Napaturo ka sa sarili at napatanong ng, "Ako?"

Lumapit siya sayo at mas  nasigurado mo na gwapo nga ito. Hanep! Para siyang model mula sa isang magazine ng brief! Okay, linisin mo ang iyong utak at magpokus.

Sino ba siya?

"Excuse me ahjussi (old man). Pero sino ka ba?" You asked.

Napakunot siya ng noo at napakagat ng labi. "Alam kong  maganda na ako kumpara sayo. Pero masyado pa akong  hot para tawagi mong ajhussi." Pagkatapos ay inihagis niya ang bunny keychain sa iyo.

Nasapo mo ito at tinitigan. "Oh! Yung keychain ko! Waa! Kung saan saan kita hinanap!"

"Naiwan mo yan sa elevator. Remember?" He said.

Seventeen imaginesWhere stories live. Discover now