Mingyu's PovNapatingin ako sa pinto ng apartment kung saan ako nakatira. Sumulyap uli ako sa papel kung saan nilagay ng bestfriend ko ang address at siniguradong nasa tamang lugar ako.
"Tama, ito nga ang apartment," I said with a smile on my face.
Galing ako sa malayong probinsya. Sa kabutihang palad ay naka-pasa ako sa college entrance exam kaya naman kinailangan kong tumira rito sa city para makapag-aral. Dahil wala naman akong sapat na pera pa umupa ng sariling apartment ay may kinontrata ang kaibigan ko na kapwa estudyante. So may kahati akong titira at magbabayad sa apartment.
Ano nga ba uling pangalan ng kasama ko? Jeon Wonwoo? Oo tama, Jeon Wonwoo nga. Feeling ko, pangalan palang niya ang gwapo na pakinggan.
Kakatok sana ako sa pinto pero pagkalapat ng aking mga kamay ay kusa itong bumukas. Mukhang nakalimutan ata niya mag-lock ng pinto. Sa bagay, karaniwan ng lalaki bihira mag lock ng pinto.
Pumasok na ako sa loob at kusa nalang lumalag ang aking panga sa mga nakita.
"Woah, talaga ngang...pati ang apartment sa city ay ibang iba."
Nilapag ko ang bag sa sofa at muling pinagmasdan ang paligid. Maganda naman ang pagkaka-design ng apartment. Kaso, kapansin pansin ang mga nagkalat na canned beer at pinagkainang cup ramen sa sahig.
"Mukhang hindi marunong maglinis ang kasama ko. Di bale, hobby ko namang maglinis."
Speaking of him, nasaan siya? Ang sabi ni best friend, kapag pumunta ako sa apartment, makikita ko na ang kasama ko. Pero nasaan siya?
I scanned the surroundings and saw the light on the bathroom. Ohhh, so naliligo siguro siya. Naririnig ko rin ang tunog ng shower. Tamang-tama, pagkatapos niya maligo, ako naman ang susunod.
Natapos ang ilang minuto at bumukas na ang pinto. Kaya naman tumayo ako, ngumiti at naghanda para magpakilala.
"Hello dude, ako nga pala si Kim Mingyu. Ang bago mong---" ngunit napahinto ako.
"Kim Mingyu?" ang tanong niya.
Kusang nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng isang babaeng tanging towel lamang ang takip sa katawan. HIndi ko rin naiwasang mapalunok at mag init. Sh*t bakit may babae rito?!
"S-Sino ka?!" hysterical kong tanong.
She rolled her eyes and even dry her hair using her hand. "Lalaki ka? I thought sabi nila babae ang magiging kasama ko sa apartment?"
What?! Ang ibig niya bang sabihin ay siya si... si...
"Ikaw si Jeon Wonwoo?!" I shouted and pointed her.
"Ako nga," she answered with a poker face reaction.
"Babae ka?!"
"Hindi ba halata? Gusto mo ba ipakita ko pa boobs ko para malaman na babae ako?" she added with a smirk on her face.
Pero bakit?! Ang pangalan niya ay panglalaki! HIndi pwede! Hindi ako pwedeng tumira sa iisang bahay kasama ang babae! Lalo pa't isang babaeng maganda at sexy na katulad niya!
Nagsimula siyag maglakad papalapit sakin, kaya naman owtomatiko akong napaatras hanggang sa mapaupo ako sa sofa. Damn! I am feeling hot!
"So you are Mingyu and you are a boy?" she muttered before leaning closer and holding my cheek.
I gulped and prevent myself from looking from her body.
"May name is Wonwoo," she whispered.
Her eyes, it is so fierce I can't take my eyes from it.
"This will be fun," she continued and let out a grin.
==
YOU ARE READING
Seventeen imagines
FanfictionThis book composed of Seventeen short Imagines series . --- Stories, one shots, fanfic imagines dedicated for carats and kpop group name Seventeen. (If you aren't a fan, then it's okay. It composed of well-think scenarios designed for everyone to...