One

27.5K 585 24
                                    

          

Nagmadali akong pindutin ang close button ng elevator kahit alam kong marami pang pasakay. Hindi pwedeng magkita kami. Ano ba kasing ginagawa niya rito?

"Ate girl!" Bulong-suway sa akin ni DJ pero hindi ko siya pinansin. Siniksik ko pa lalo ang sarili ko sa sulok ng elevator habang mabagal na pasara ang mga pinto nito.

"Huy, anong nangyayari?" Mapag-alalang tanong ni Cynthia.

Alam kong bakas sa pagmumukha ko ang kaba at takot. Bakit nga ba? Bakit nga ba ako takot na makita siya ulit? What we had back then was pure fun and lust. Pero bakit? Why is the thought of him seeing me make my bone shake and tremble?

Okay, kalma. Lex, kumalma ka. That happened 9 years ago! I'm sure hindi ka na niya nakikilala.

I was yanked out of my deep thinking when Cynthia punched me lightly on the arm. "Ouch! What the hell Cyn?" Inis na tugon ko kasabay nang pagsalubong ng kilay ko.

Pinagtitinginan na kami ng mga kasabayan namin sa elevator. Sure, sino ba naman ang hindi mawiwirduhan sa ginawa ko kanina? Akala mo naman may naghahabol sa akin at naniningil ng utang.

But she just rolled her eyes at me before she stared at the closed doors again. "Kanina ka pa namin tinatanong ni Deej. Anong nangyari kanina?" She hissed.

Okay, that's Cynthia being Cynthia again. Ayaw napapahuli sa balita.

Inirapan ko rin siya sabay bulong ng sagot ko. "Wala. Basta. Mahabang kwento." Sambit ko. Did I also mention that they didn't know what happened between me and Gio? Oh my god! The mere mention of his name makes my skin creep.

Bakit ba kasi sobrang tanga ko noon?

When the elevator made the ding sound on our floor, Cynthia immediately pulled my arm and dragged me, literally dragged me, into our office, and into our space. She pushed me down on my chair and stood in front of me, both hands on her hips. Akala ko ba ako ang nanay sa aming dalawa? Because right now, she's going full mom mode on me.

Napansin agad ni Aldrin ang tensyon na inilalabas ni Cyn kaya agad-agad din siyang lumapit sa amin. "Anong mayroon?" Tanong niya habang busy sa pagdila ng lolipop.

Napairap na lang ako nang mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Cyn. Sayang, bagong wax pa man din ang mga iyon, pupurihin ko sana kaso 'wag na.

"Ayan. Siya tanungin mo nang malaman na natin." Walang kaemo-emosyong sagot niya habang nakaturo sa akin.

I rolled my eyes yet before I scoffed. "She's just overreacting. Ano bang masama sa pagmamadaling pumasok?" Sagot ko sabay talikod sa kanila.

"Oh kita mo na? Alam mong may tinatago si Lex kapag ganiyan. Hindi niya tayo kayang harapin." Sulsol agad ni Cynthia. Gusto ko na lang matawa dahil alam kong malapit na siyang magmaktol na parang bata. Siya pa ba? She lives for chismis. At hindi siya makakatulog kapag hindi niya nalaman ang gusto niyang malaman.

"Mga bakla! Kamusta kayo?" Rinig kong bati ni Cath. "Oh, anong mayroon at ganiyan ang itsura mo mamshie? Ang aga-aga?" Sure akong si Cyn ang kausap niya.

Tahimik akong natawa habang nag-aayos ng gamit.

"'Yan din ang tanong ko mamsh. Kinakaladlad nitong si bakla si mommy Lex kanina, tapos eto, yamot pa rin hanggang ngayon." Dinig kong sagot ni Aldrin.

"Wow, pina-uusapan niyo talaga kaming dalawa eh narito lang kami sa harap niyo, eh no?" Masungit naman na sumbat ni Cyn.

Narinig ko na lang ang tunog ng heels na suot ni Deej kasama ng masarap na aroma ng kape. "Oh, ano na bakla? Nalughog mo ba ang isipan ni mommy Lex at nakuha ang gusto mong malaman?" Tanong niya saka ko narinig ang maingay na paghigop niya sa kape.

Stonehearts 6: AlexandriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon