Three

23.3K 660 38
                                    

"Magkano rin naipon ko sa pustahan kanina, ha. Pwede nang pang-miryenda." Narinig kong tugon ni Deej habang ngumunguya ng lettuce.

"Pambili ng karne kamo, kasi dinaig mo pa kambing diyan sa kinakain mo araw-araw." Basag sa kanya ni Cynthia, na nakatikim naman ng isang matalas na irap.

"Palibhasa hindi ko kasi alam ang salitang diet. Lamon ka kasi ng lamon." Bawi naman sa kanya ng pinakamaarteng bakla na nakilala namin sa balat ng lupa.

Napailing na lang ako at napangiti sa alitan nilang dalawa. Araw-araw kasi, tuwing lunch 'yan ang topic nila. Kung bakit pa nagbabawas ng timbang si DJ eh hindi naman siya mataba. Ngunit, hindi katulad ng ibang araw na sinusuway ko sila, ngayon ligalig ako sa nangyari kanina sa opisina.

Fine, hindi niya ako nakilala. Pero bakit parang disappointed ako? Hindi ba 'yon naman ang gusto ko?

"Mommy Lex!" I was yanked out of my trance when Cath called for my attention. "Kanina ka pa namin kinakausap, okay ka lang ba talaga?"

"Ah..eh..Oo naman. Bakit?"

"Weh?" Sabay-sabay nilang banggit.

"Oh, wow. Galing niyo 'diba? Sign-up na kayo sa choir, galing niyong mag-chorus eh." Masungit na sambit ko sabay irap.

Pero syempre hindi natinag ang nag-iisang Cynthia. "'Yong totoo, mommy Lex? May hindi ka sinasabi sa amin, sigurado ako."

"Ayan na ang dakilang chismosa ng bayan." Bulong ni Deej pero malakas para marinig namin lahat sa table.

Hindi na ito pinansin ni Cyn dahil ang buong atensyon niya nakapako lang sa akin sa mga susunod kong sasabhin. But this nut is hard to crack. Hindi ko na babanggitin sa kanila ang nangyari nine years ago dahil noon, halos 1 month sila bago naka-move on. Paano pa kaya kung malaman nila na ang bago nilang man crush at ang taong tinutukoy ko noon ay iisa? Baka 'di kayanin ng puso nila, lalong-lalo na si Cathy, na baka bigla na lang mangisay sa sahig.

"Dapat ko rin ba kayong i-enroll sa school ni Clyde para matuto kayo ng Good Manners and Right Conduct? Iba na ang level ng pagiging mausisa niyo." I said before biting my pizza slice. "Besides, ano ba kasi ang dahilan kung bakit ayaw niyo maniwala na okay nga lang ako? Bakit niyo ba pinipili na hindi?"

Nagsitinginan silang apat at sa pangalawang pagkakataon sabay-sabay nanaman silang sumagot. "Kasi halata nga!"

I rolled my eyes and continued to kill them with my stare. "Mas matitigas pa ang mga ulo niyo kaysa sa anak ko."

"Iwas pa sa topic mommy Lex, mas lalo ka lang namin kukulitin." Natatawang sagot ni Aldrin sabay scoop sa ice cream niya.

"Alam niyo, ang maganda talaga ay umakyat na tayo dahil kailangan ko pang magpunta sa opisina ni Miss Lilly dahil sa ginawa kong tricks kanina." Banat ko agad para wala na silang ibang maidagdag pa.

"Hanep sa tricks mommy Lex, ha. Infairness, pwede gayahin ng mga taong gustong matawag sa office." Cyn said sarcastically with a mocking smile on her face.

I chuckled, "Kaya nga, don't try it at home." I joked.

Napuno naman ng tuksuhan at syempre asaran nina Deej at Cyn ang biyahe namin pabalik sa opisina. Ngunit pagkapasok na pagkapasok ko doon, doon ko lang naramdaman ang kaba at nyerbos nang pupwedeng mangyari sa akin dahil sa ginawa kong katangahan kanina.

Nag-echo nanaman ang boses ni Miss Lilly kanina nang nilapitan niya ako before lunch para sabihin na mag-report ako sa opisina niya after. Baka may inutos na si Sir Ferris na parusa ko?

Stonehearts 6: AlexandriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon