Five

21.5K 549 44
                                    

"Bakit parang ang laki ng eyebags mo ngayon mommy Lex?" Tanong agad ni Cath nang dumungaw siya sa itaas ng cubicle ko.

Kasalukuyan kong sine-set-up ang table ko – not that maraming i-se-set-up, gusto ko lang talagang may pagka-busy-han – dahil halos may 30 minutes pa kami bago magsimula ang shift namin.

"Ano, puyat lang..." Mahina kong sagot habang wala sa isip na pinupunansan ang frame ng picture ni Clyde sa mesa ko. Akala ko tuluyan na siyang umalis pero nagulantang na lang ako nang bigla siyang sumigaw ng pagkalakas-lakas na, "OMG!"

Nakuha niya lahat ng atensyon ng mga tao sa floor kaya wala akong ibang nagawa kundi ihampas sa kanya ang tissue dispenser na hawak ko.

"Aray naman mommy Lex!" Reklamo niya pero bago pa ako humirit ng sagot may malalim na baritong boses ang nauna sa akin.

"Anything wrong ladies?"

"S-sir...." Tila parang maamong tupa si Cyn nang sumagot. Si Cath naman, nalunok na ata ang dila niya dahil wala na siyang ibang ginawa kundi tumititig lang sa gwapong mukha ni Giovanni Eugenio.

He flashed his million dollar smile and oh-boy, halos himatayin na ang lahat ng babae at binabae sa opisina. Hindi ko nga alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko.

It looks like he is addressing Cyn and Cath pero ang titig niya diretso sa akin. And I know, na sa ilalim ng magandang ngiti na 'yan ay may mensahe siyang gustong iparating sa akin.

Mensaheng hindi ko gustong alamin dahil wala akong panahon para sa kanya.

Ano bang nagawa ko sa past life ko at biglang nagkaganito. Dati tuition lang ni Clyde ang prinoproblema ko, ngayon... para akong binagsakan ng hollow blocks dahil sa sakit ng ulo na hatid ng lalakeng ito.

I cleared my throat before I reclaimed my seat. I acted as if I'm still fixing my table while uttering, "Wala naman po SIR." Emphasing the SIR just so he knows his boundaries. Na hindi niya pwedeng gawin sa akin ang ginawa niya sa eskenita kung ayaw niyang ma-issue kaming dalawa.

He looked at me for awhile, as if assessing my mood. He raised one brow at me before smirking, "We'll see." He said confusingly before disappearing inside the elevator.

SHIT. HOLY SHIT.

ANO NANAMAN ANG GAGAWIN NIYA?!

Hindi ko pa gaanong napo-proseso ang mga sinabi niya ng biglang may isang mahigpit na hawak sa magkabilang braso ko ang umistorbo sa pag-iisip ko.

"MOMMY LEX!!! ANONG WE'LL SEE????" Abot langit na tili ni Cath sabay yugyog sa akin.

"H-ha?" Maang-maangan na sagot ko.

Do not deny nor confirm, Lexy. I repeat do not deny nor confirm.

I repeated inside my head over and over again as I was bombarded by big blocks of questions.

"Iba tingin niya sa'yo, eh. Iba talaga! Sinasabi ko na nga ba, mommy Lex may something eh!" Hirit ni Aldrin sabay lapag ng tasa ng kape niya sa mesa ko.

His coffee spilled a little signfying the force, which is unlike Aldrin because he's always been the cool-headed in our group. And damn that made everything worse, kasi for sure mahihirapan akong lusutan ito.

Anak ka talaga ng Satanas, Gio!

Gwapong Satanas.

Fuck. Eh ano ngayon. Gwapo ka lang, kapag bungo ka na lang hindi na 'yan mahahalatang bwisit ka! Bwisit ka sa buhay kong peste ka!

"Hindi mo na ba kami pinagkakatiwalaan?" Pabebeng tugon ni Deej.

Inirapan ko siya, appealing to pity. May anak ako, akala niya hindi ko alam ang tactic na 'yan!

Hanggang sa paisa-isang tanong naging parang eksena sa palengke dahil hindi na lang silang apat ang nagraratrat sa akin kundi buong floor na namin.

Wala akong ibang nagawa kundi maupo sa upuan ko at manahimik, dahil alam kong hindi rin lang naman nila papakinggan ang kung ano mang sasabihin kong hindi pabor sa kanila.

Nagdadasal na lang ako na sana lamunin na lang ako ng tiles namin dahil simula nang dumating nanaman si Gio sa buhay ko nagkandaleche-leche nanaman ako. As if hindi pa sapat 'yong ginawa niya sa akin nine years ago.

Maya-maya biglang nanahimik ang lahat ng bilang bumukas ang elevator at narinig ang mabibigat na yabag ng nakabusangot na si Sir Ferris.

"MOMMY LEX, ANO NA. DI KA BA SASA---Sir Ferris, good morning." Tugon ni Cath na parang kamatis na sa pula.

'Yong parang palengke naming sitwasyon kanina parang naging library sa isang iglap dahil sa presensiya ni Sir Ferris. He stood proud and tall while facing us, sporting his deadly serious face.

"Is there anyone here who could tell me in detail what was the commotion all about?" He said in a low, lethal tone.

Eto na, goodbye trabaho na. Saan na kami pupulutin ni Clyde nito?

Naiiyak na ako habang iniisip ko palang kung ano na ang kakahinatnan ko. Dahil alam naman ng lahat na ako ang puno't dulo ng gulo. Isang turo lang sa akin, katapusan na ng career ko rito.

Pumikit na lang ako at nagsimulang magbilang ng sampu sa isip ko. Hangga't sa tumunog nanaman ang elevator at lumabas nanaman ang lalakeng may kasalanan ng lahat.

"Ferris! May naghahanap sa'yo." Batid niya na may nakakalokong ngiti.

Lumamya naman ang matigas na ekspresyon ng mukha ni Sir Ferris ng lumabas sa lift si Aya. "Sunshine, what are you doing here? I told you to wait for me in my office." He said in a sweet tone which is far to different from the tone he used earlier.

Aya smiled back at him, "Umakyat kasi si Gio roon hinahanap ka kaya tinulungan ko siyang matunton ka."

Bumusangot agad ang mukha nito sabay titig kay Gio. "Office. Now."

Gio raised both of his hands as if surrendering. Si Ferris didn't give much of his attention before he escorted Aya back to the lift completely forgetting his demand a few moments ago.

I don't know how he did it but Gio automatically located me in the crowded room then wink, as if saying that he was there to save my sorry ass.

Oh mahal kong Diyos, ano nang nangyayari sa buhay ko?

Stonehearts 6: AlexandriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon