Forty

17.3K 433 29
                                    

"Bakit parang ang busy-busy mo naman? Naka-ilang missed calls muna ako sa'yo bago ka nakasagot?" Na-i-imagine ko si Mitch ngayon na nakabusangot.

Pero dahil bestfriend niya ako, tatawanan ko lang siya. "Alam mo feeling ko nakasimangot ka ngayon. Pero alam mo namang hindi gagana sa'kin 'yan 'diba? Helloooooo. Baka nakakalimutan mo may anak ako."

Narinig ko rin ang mahina niyang pagtawa mula sa kabilang linya. Nag-re-request video chat siya pero kinansela ko muna. Inipit ko ang cellphone ko sa tenga at balikat ko.

"Wait, lang. Nag-bu-budget ako. 'Wag kang ano diyan." Seryosong ani ko.

"Sige na nga! Hit me up kapag pwede ko nang makausap ang best friend ko." Pagmamaktol niya. "Basta kwentuhan moa ko tungkol diyan sab ago mong trabaho."

"Sure! Sure! Love you!" nagmamadaling bitaw ko.

"At sabihin mo nga sa inaanak ko na baka sa susunod gusto naman niya akong kwentuhan. Puro video games na lang ata ginagawa niyan? Saan napunta ang malambing kong baby?"

A chortle escaped my throat as I shook my head. Clyde's transitioning to his pre-adolescent already. Tama 'yong sinabi ni Mitch. I too, am confused as to where did my sweet boy go. Ngayon kasi halos ayaw na niya magpaakap at nagpapahalik sa'kin, lagi niyang iginigiit na big boy na raw siya.

"Ha? Sabihin mo sa kanya, Lexy. Kundi wala siyang regalo sa akin sa 9th birthday niya."

"Yes, Ma'am!"

"Okay, bye. Love you both!" then the line went dead.

I put my phone down on the coffee table and set myself deeper on the couch. I propped my feet up before I set my notebook down on my lap.

"What am I forgetting?" I asked myself as my eyes scan the things I have written on the paper.

"Groceries, water bill, electric bill, wet market expense, Clyde's baon. . . hmmmm, what else? What else?" I started tapping my pen on my temple while I think. I know I missed writing something, I just don't know what.

I was quietly going through my list on and on until Clyde's loud voice surrounded the living room. He was shouting something I cannot understand because it was muffled by the distance separating us.

Jesus Christ, this kid!

He's the best thing that ever happened to me but he's becoming more and more annoying with his age. God, I never knew having an almost nine-year is this hard. Ano pa kapag teenager na siya?

"Bumaba ka rito, hindi 'yong isinisigaw mo lahat diyan sa itaas. Ano ka? Announcer?" tawag ko sa kanya.

Maya maya pa lamang ay narinig ko na ang yabag niyang pababa ng hagdan.

"Nay, 'yong iPad ko po?" itinigil ko ang pagsusulat saka ko siya nilingon.

"Diba kayo ng Tatay mo ang gumamit kagabi? Bakit sa akin mo nanaman hinahanap?"

Nagkibit-balikat siya, "Wala naman po si Tatay rito ngayon, kaya sa'yo ko po talaga hahanapin."

Aba' namilosopo pa!

Napahilot ako sa sentido ko saka napabuntong – hininga. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko pero bigo ako.

I glared at him and he instantly grin at me guility, "Sabi ko na po, Nay. Ako nga dapat talaga ang maghahanap." At bago pa ako makasermon at agad siyang tumakbo sa taas. "Pasok ako sa kwarto niyo Nay, ah! Baka nandoon!" pahabol niya.

Itong bata talaga na 'to! Nagiging hobby na ang pagsisigaw sa bahay. Napailing na lang ako at iginawi ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko. Kailangan ko talaga ng matinding katahimikan para makaisip akong mabuti.

Stonehearts 6: AlexandriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon