Two

22.5K 597 30
                                    

           

"Miss, I'm sorry? Anong sinabi mo?" Tugon ng kliyenteng kausap ko sa linya.

Shit! Shit! Shit!

Napalakas ata ang sabi ko ng shit kanina!

"Did you just say 'shit'?" The level of her annoyance was way off the chart para lang sa salitang iyon, pero ano pa nga ba? May mga customer talaga na magaling magreklamo.

Okay, okay, okay, don't panic Lex. Don't deny and don't confirm.

Shit, talaga! Hindi ko ba araw ngayon?

Sasagot na sana ako kaso biglang nahagip ng mata ko ang patuloy na paglalakad nila Miss Lilly, Sir Ferris, at ni Gio papalapit kung saan ang cubicle ko.

"Miss?! Miss?! Hello?!!" Iritableng tawag ng kliyente sa linya pero hindi ko na nagawang sumagot. 'Yong atensyon ko nakapako na lang sa tunog ng kanilang yabag at sa mga papalapit nilang imahe.

"Ang dami mo palang agents ano, Ferris?" I heard the gleeful tone of that despicable man and the scariest part was that it sounded so close, like really, really close.

"Miss?! I want to talk to your manager! Hello?! Hello?! Anong klaseng service ang mayroon kayo? Una, mumurahin niyo kliyente niyo tapos—"

Hindi ko na narinig ang mga kasunod na nirereklamo ng kausap ko dahil paglingon ko sa kanan, tatlong cubicle na lang ang layo nila sa akin. So without thinking, I abrupty stood up, knocking my swivel chair down, yanking my headphones with me, and obviously making a scene which I was originally avoiding!

"Lex?" Nagtatakang tawag sa akin ni Miss Lilly pero hindi ko pinansin nagmadali akong tumakbo, as in kumaripas nang takbo patungo sa banyo.

Nagmukha na nga akong tanga kanina, mukhang mapapatawag pa ako sa opisina ni Miss Lilly mamaya.

Napahilamos ako sa mukha ko bago ko inangkla ang makabila kong palad sa dulo ng sink.

"My god Lex. Akala ko ba hindi ka papaapekto?" Inis na bulong ko sa sarili ko. Paano kapag may na-corrective action ako dahil dito. Nako, nako lagot na. Paano kapag suspension na utos ni Sir Ferris? Or worse, matanggal na ako sa trabaho!

"Ang tanga-tanga mo Lex! Tanga mo talaga!" Sabay sabunot sa sarili ko. Gusto ko na lang iuntog ang sarili ko sa dingding!

Paano na si Clyde kapag natanggal ako sa trabaho? Shit, talaga Lexy! Ja-jackpot ka ata ngayong araw!

"Mommy Lex, sinasapian ka ba?" Biglang sambit ni Cath na hindi ko napansing pumasok na pala dito sa restroom.

Pumikit ako ng mariin bago ko siya hinarap at umiling. "Hindi, ano..Ah, basta." Sagot ko sabay iwas ng tingin.

"Sabi kasi ni Miss Lilly, i-check kita rito. Nasa opisina na sila ngayon kasama 'yong bisita. Who is by the waaaaay, drop dead gorgeous! Muntik matunaw ang panty ko kanina nang tumambay sila ni Sir Ferris sa cubicle ko." So ayun na nga, na-distract siya agad sa gusto niyang sabihin dahil kay Gio.

Okay, fine. Pogi naman talaga si Gio. He's got the looks, the charm, the money, the brain, pero 'yong attitude wala talaga. AS IN WALA.

"Saka mukhang mabait siya Mommy Lex. Pogi rin naman si Sir Ferris, pero ate girl! Alam naman nating isang tao lang ang nakaka-tame ng kasaamang bumabalot kay Sir Ferris, at si Aya bebe na 'yon! Iniisip nga namin minsan na baka nagayuma si Sir Ferris, pero okay na kami! Okay na! Kasi, hellooooo, super yummy ni Mr. Eugenio. My gosh! Titig pa lang niya mommy Lex—"

"Cath." Tawag ko sa kanya dahil full-blown na ang fangirling niya sa asungot na 'yon.

"Tapos kapag ngumiti na siya, oh my mama! Tunay lahat ng pwedeng matunaw, tutulo lahat ng pwedeng tumulo—"

"Cath!" Muling tawag ko. Part-sumisigaw, part-pabulong. Kasi hindi na talaga siya natigil sa pagdadaldal niya tungkol sa pangit na 'yon.

"Ano? Wait, may sinasabi ka ba kanina mommy Lex? Sorry, na-distract talaga ako." She said with dreamy eyes. Jesus! She's definitely on the Gio fog.

Gio Fog /noun/; state of being out of your mind with the thought of that ugly guy.

"Alam ko Cath. Halata." Sabi ko sabay irap at iling.

Humarap ako ulit sa salamin upang maghilamos at maghugas ng kamay para mahimasmasan man lang ako sa nangyayari.

Maya-maya, tumabi na sa akin si Cath sabay marahang sumiko sa tagiliran ko. "Pero mommy Lex, ano bang nangyayari sa'yo? Kaninang pagpasok natin parang takot na takot ka na aligaga na ewan, tapos ngayon eto naman." She said rather seriously. 'Yong pagkapilya niya hindi mo matagpuan sa mukha niya.

"Umamin ka nga sa akin." Pagpapatuloy niya. Napalunok na lang ako.

"Nag-da-drugs ka ba?"

Mabilis na dumapo ang palad ko sa batok niya dahil sa tanong niya. "Siraulo ka ba Cath? Nakitang mong may anak ako tapos 'yan pa talaga ang naisip mong tanungin sa akin?"

Napahimas siya sa likuran ng ulo niya habang nakasimangot na nakaharap sa akin. "Eh kasi naman ano! Aba malay ko ba kung may pinagdadaanan ka tapos ayaw mo lang magsabi."

I just rolled my eyes at her reflection on the mirror before I headed to dry my hands.

"Pero seryoso Lexy, kung may problema ka kahit ano pa 'yan, alam mo namang hindi ka namin papabayaan. Namomroblema ka ba sa tuition si Taba? Bayaran na niya 'diba? Pwede ka naman naming tulungan, alam mo namang hindi issue sa amin 'yan lalong-lalo na kung para kay Clyde."

Natigil ako sa pagpunas ng kamay saka ko siya hinarap. Walang ibang nakabakas sa mukha niya kundi pag-aalala. Nakaramdam ako ng kaonting guilt dahil hindi ko man lang sinabi sa kanila kung ano ba talagang dahilan nang mga inaakto ko ngayon araw.

"Hindi naman Cath. Marami lang talaga akong iniisip kaya ganito. Pero salamat sa pag-aalala." I replied before I gave her my sweetest smile. She returned it before she enclosed me in a tight, warm hug.

Kahit hindi ko gustong lumabas ng banyo, kailangan ko dahil una, kailangan kong magrabaho, pangalawa, inaaya na ako ni Cath at pangatlo, wala akong ibang rason para tumanggi.

Pagkalabas na pagkalabas ko nakita kong nakatayo mismo si Gio sa tapat ng cubicle ko, pinansin ko ang paligid at nakita ko na halos lahat ng kababaihan at binabae ay nakabantay sa bawat kilos na ginagawa niya.

I surveyed the place pero hindi ko na nakita si Miss Lilly at Sir Ferris, siya na lang ang natitira. Bakit ba siya nandoon? Paano ako babalik sa trabaho?!

"Halika na mommy Lex." May halong tili na aya sa akin ni Cath kaya wala na akong nagawa.

Para akong lumulutang sa kaba habang naglalakad ako papalapit sa cubicle ko, papalapit sa kanya.

"Umm, good day Sir." Bati ko. Agad siyang lumingon sa akin. Nabilanggo nanaman ako sa kagwapuhan na ibinigay sa kanya ng Diyos. Siya 'yong lalakeng kapag makikita mo, masasabi mong siya lahat nakasalo ng lahat.

Mariin niya akong tinitigan bago niya itinuro ang picture ni Clyde sa mesa ko. "Your kid?" He asked. 'Yong masiyahing boses niya binalot ng kaseryosohan.

"Yes, Sir." I quietly answered.

Tumango siya ng isang beses bago niya ako muling tinitigan, "Nice." Then he walked away, leaving me utterly confused if he remembered me or not.

Stonehearts 6: AlexandriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon