Twenty Seven

13.8K 410 11
                                    

Pagkaalis nina Clyde at Mitch, agad ko namang sinubukang tawagan si Gio ngunit walang sumasagot sa kabilang linya.

Doon pa lamang ay kinabahan na ako at nagsimulang maiyak. Ilang beses kong pinaalala sa sarili ko na baka na-busy lang o emergency sa trabaho o kahit na anong pwedeng isipin para lang pakalmahin ang sarili ko.

Nagluto ako ng hapunan, sinigang na hipon, nagbabakasakaling uuwi na siya para sabayan akong kumain. Tinext ko na rin siya na hiniram muna ni Mitch si Clyde ngayong gabi upang makapag-bonding sila mag-ninang at para may oras din kaming makapag-usap na kaming dalawa lang.

Pero wala akong natanggap na sagot.

Iniyakan ko na ang mga hipon at mga maduming plato pero ni anino ni Gio wala akong nakita.

Minadali ko pati pag-shower ko dahil baka bigla siyang dumating, pero natapos na lahat ng teleserye ay wala pa rin.

Nakaramdam na lang ako ng malamig na pumatak sa pisngi ko mula sa mata ko, hindi ko napansing umiiyak na pala ako. Pinunasan ko 'yon at sinubukang pigilan. Hindi ako pwedeng madatnan ni Gio na umiiyak, kailangan naming mag-usap.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa sofa kakahintay sa kanya. Nagising na lang dahil sa ingay na ginawa ng pagbukas ng pinto. The time on the wall clock displayed 2:37 am.

I looked at Gio who just entered the house. Napatayo ako para salubungin siya. Kinuha ko ang bag niya at ang coat na nakasampay sa braso niya.

"K-kumain ka na ba? May sinigang sa ref." bati ko sa kanya pero tango lang ang nakuha kong sagot. Nangangamoy alak siya pero hindi ko pinansin.

'Yong titig niya ang lamig, 'yong tingin niya parang tumatagos sa akin. The warmth in his eyes were gone, the smile I loved so much isn't there and it took everything I have not to cry in front of him.

"Ah, ganoon ba? Si Clyde pala na kay Mitch. Doon daw muna–"

"I know. You texted me." He said, cutting me short.

I gulped, I was trembling, but I tried so hard not to let him notice it. I am not used to him treating me like this.

"Ay, oo nga. Umm...okay lang ba mag-usap tayo?" I said, almost closing my eyes when those words fled out of my mouth.

He stared at me for a while before he looked away, "I'm tired. I'm going to sleep." Saka siya naglakad paakyat ng hagdan.

I chased him with my stare all the while biting my lips so I can keep my tears at bay. He doesn't want to talk about it, about my baby boy. Ibig sabihin ba noon hindi niya tanggap?

Should I just leave without goodbye?

I stood there motionless with my heart breaking slowly. It felt so painful that the numbness is radiating to my fingertips.

He doesn't care anymore.

Gusto ko nang umalis, gusto ko na lang maglaho sa buhay niya pero naisip ko si Clyde. Naisip ko kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang tungkol dito. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag at wala akong ibang masisisi kundi sarili ko.

Inilapag ko ang mga gamit niya sa sofa saka ko siya sinundan sa kwarto niya. Tumayo ako ng matagal sa harap ng pinto niya, iniisip kung ano ba dapat ang una kong sasabihin. Gulong-gulo ang isipan ko, naiiyak ako, namamanhid sa sakit.

Saka ko naalala ang sinabi ni Mitch, na minsan hindi ko kailangang planuhin ang lahat.

So, I took a deep breath, knocked on his door three times before I slowly encroach the door to go in.

Stonehearts 6: AlexandriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon