TMB 01

21.6K 315 7
                                    


-Summer-

*

"What?? Dugo ng isang sirena? Naglolokohan ba tayo dito kasi ako wala akong oras sa mga ganitong paniniwala Mang Berting.. Jusko po millennial na tayo ngayon.. "

"Summer, bakit hindi natin susubukan anak. Baka this time ito na ang magpapagaling sa Papa mo." tugon naman ni Mama Emelia na halata sa mukha niya na nagkaroon siya ng panibagong pag asa na gagaling pa si Papa Gilberto..

Ma ? , at saan ako kukuha ng sirena? At kung totoong may sirena? Sa lahat ba naman na pwedeng igamot kay Papa, sirena talaga? Diba pwedeng ngipin ng pating o kaya sa isang halamang dagat, sa sirena talaga na walang kasiguraduhan kung totoong may mga ganyan na nilalang sa ilalim ng dagat, pinagloloko niyo ba kami Mang Berting." sabay tingin ko sa matandang albularyo..

"Isinumpa ang ama mo ng isang matandang sirena at ang tanging gamot lang nito ay dugo din ng isang sirena.. Kailangan mong mapatay ang sirena at ang dugo na galing sa puso niya ang isasalin natin sa katawan ng ama mo at tanging ito lang ang magpapagaling sa kanya." si Mang Berting na halos maputol na ang ugat sa kanyang leeg sa kakapaliwanag sa akin..

"My God !! Sumpa? Dugo? Ughh!"

"Summer, anak, walang mawawala sa atin kung susubukan natin ang sinabi ni Mang Berting." sagot ni Mama ...

"At naniwala ka talaga sa sinabi niya Ma?" sabay iling ko ..

"Kahit saan na tayo na Doctor at hospital anak pero walang nangyari.. Hindi gumaling ang ama mo.. Kaya please Summer.. Hindi ko kayang mawala si Papa mo.." at napaluha na si Mama..

"O sige, ipagpalagay na natin na totoo ang sinabi nitong si Mang Berting.. Saan naman ako kukuha ng sirena, sa zoo?? at papatayin ko pa? Gawin nyo pa akong kriminal.. Ano bang kalokohan to?" hindi pa rin ako kumbensedo sa sinabi ni Mang Berting.. Sirena? Eh sa movie at teleserye lang totoong ma sirena..

"Tatlong buwan Summer.. Pag hindi natin masalinan ng dugo ng sirena ang Papa mo.. Wala na tayong magagawa .. O sige .. Mauna na ako sa inyu at may pupuntahan pa ako.. " at tumalikod ang matanda palabas ng bahay nang bigla itong huminto at liningon ako.. "Sa gitna ng dagat mula dito, may makikita kang malaking bato, at dun mo makikita ang sinasabi ko... Magmadali ka Summer.. Wala na tayong oras." natigilan ako sa sinabi ng matanda..at tuluyan na siyang lumabas ng bahay..

Napatingin ako kay Mama.. Nilapitan niya ako at agad hinawakan ang aking mga kamay..

"Para sa Papa mo anak.. Sana maniwala at manalig tayo ngayon kay Mang Berting.. siya nalang ang tanging pag asa natin.. at ikaw lang din ang maasahan ko nito dahil alam kung matapang ka ."

"Hindi ko maintindihan Ma, ano yung sumpa..?" usisa ko kay Mama .. tinanggal niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko at tumalikod.

"Simula ng maitayo ni Papa mo ang resort natin , dun din nagsimula ang kanyang sakit.. at ang paniwala ni Mang Berting , hindi nagustuhan o may naabala sa pagtayo ng resort at ito ang mga nilalang na nakatira sa ilalim ng dagat.."

Napaupo ako sa sofa.. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga narinig ko... Napabuntong hininga nalang ako...

-----

"Kwento ng lola ko nuon nung nabuhuhay pa siya.. May mga nakakita daw dito na mga sirena lalo na dun sa gitna na may malaking bato.. Napakagandang sirena daw at palaging kumakanta.. At meron ding lalaki .. At ang sabi sabi namatay daw ang lalaking may buntot na isda nang maitayo ang resort na ito at nasabi sa amin ni Lola kaya daw sinumpa ang Papa mo.." sambit sa akin ni Vera ang asst. ko at malapit ding kaibigan .. nakwento ko kasi sa kanya ang sinabi ni Mang Berting...

"Totoo kaya na may sirena at ang sumpa Vera?"

"Bakz, bakit di mo subukan.. Puntahan mo ang malaking bato sa gitna ng dagat.. Sabi ni Lola nagpapakita o lumalabas ang sirena sa kalagitnaan ng gabi.." patuloy ni Vera habang kumakain kami ng lunch dito sa resto ng resort..

Napasandal nalang ako sa upuan at napaisip... susubukan ko kaya kung totoo ang sinasabi nila? Ughh! Bahala na nga..

: Ako nga pala si Summer Williams 24 . Isang poging babae.. Pusong Lalaki na nagkatawang babae.. Anak ng mayamang businessman na si Gilberto Williams.. Dalawa lang kaming mgakapatid.. Si Ate Ellis ang panganay.. Nagtatrabaho ako dito sa resort namin bilang Director of Finance , na pagmamay ari ng Papa ko at Ito ang Williams Island Resort.. :

---

"At naniwala ka sa sinabi ng matanda na yun? Gosh Sum!, At kung totoo man o whatsoever .. baka pamahamak ka pero napaka imposible.. Really?" ang di maipintang mukha ni Georgia.. ang girlfriend ko..

"Hindi ako naniwala of course .. Pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko db at para na din kay Mama.. ako ang pinagkatiwalaan niya nito Georg.. trust me.. hindi ako mapapahamak at bakit naman ako mapapahamak? Walang Sirena at hindi sila totoo.. " sabay hawak ko sa magkabilang pisngi niya..

"Ay naku....siguraduhin mo lang.." tugon sa akin ni Georgia at agad kung dinampian ng halik ang kanyang mga labi at lumabas na ako sa kanyang sasakyan ..

Hinatid niya ako dito sa resort galing kaming nagdinner sa bahay nila..

Agad akong pumasok sa kwarto ko at kumuha ng gamit.. at pagkatapos.. agad ko ng tinungo ang yati and yes .. pupuntahan ko na ngayon ang gitna ng dagat kung saan makikita ang malaking bato na sinasabi ni Mang Berting.. Alam kung kalokohan ito pero susubukan ko para sa ikapanatag ng kalooban ni Mama at para matapos na ang paniniwala ng lahat na wala talagang Sirena.. Hindi sila totoo .. walang sirena..

--

Lumalim na ang gabi at para akong tanga dito sa gitna ng dagat na wala man lang akong naaninag na malaking bato.. Ay naku! Wala akong nakitang bato, sirena pa kaya..

Maghahating gabi na.. Pero wala.. Tanging ang alon ng dagat at ang simoy lang nga hangin ang mag naririnig ko..

Natawa ako bigla sabay napailing.. Ito talaga si Mang Berting oh, puro kalokohan .. malaking bato daw? Wala naman.. Sirena pa kaya?? Kwentong barbero.. Makabalik na nga lang sa resort.. Kalokohan!! Tsk tsk!!

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon