TMB 25

4.3K 125 0
                                    


-Pearl-

*

Nakita kung umalis na si Aliyah
pagkatapos nilang mag usap ni Sum sa pintuan ng kanyang opisina. Anong ibig sabihin nito? Okay na sila? Kasi kung magngitian ang dalawa parang hindi mortal na magkaaway nuon . Ano ang nangyayari? May dapat ba akong malaman? Bahala na . Pupuntahan ko si Sum sa kanyang opisina.

"Ano ang ibig sabihin nun?"

"Pearl?"

"Ganun ganun lang okay na kayo ni Aliyah?" sumbat ko sa kanya.

"Para kang si Ate Elis. Ano bang problema kung okay kami ni Aliyah. Kung tutuusin siya lang ang nagpakatotoo dito . Dahil sa kanya nalaman ko kung ano ang totoo. My God Pearl at wala kang pakialam kung magiging okay kami ni Aliyah. Wala ka dun kasi wala na tayo. Matagal ng wala."

"Si Aliyah napapatawad mo pero ako? Ako na mahal mo pinapahirapan mo? Ako ang mahal mo para mo ng isinumpa. Ano ba ang nangyayari sayo?" sumbat ko ulit sa kanya..

Napatitig lang siya sa akin..

"Ang daya mo!! Ang daya daya mo Summer!" at nagsimula na akong umiyak.

"Akala ko hindi ka na magpapakita sa akin. Diba may Noah kana, sino ang madaya ngayon? Ganun kadali? Nakahanap ka din ng iba?"

"Ano? Ano bang pinagsasabi mo? Kaibigan ko lang si Noah, Uu may gusto siya sa akin. Pero hindi ko siga gusto at lalong hindi ko siya magugustuhan dahil ikaw. Ikaw pa rin ang gusto ko at ikaw pa rin ang mahal ko.. "

Tumayo si Summer at nilapitan ako..

"Pearl, Okay. Okay . Akala mo ba matitiis kita." sabay haplos sa magkabila kung pisngi. "Pero sana bigyan mo ako ng panahon para pag isipan ko ang lahat. Hindi madali ang lahat para sa akin. Alam mo yun."

"Sum andito ako para tulungan ka. Hindi ka nag iisa andito ako at hindi kita pababayaan alam mo yan."

"Alam ko . Alam ko. Pero hindi madali sa akin na tanggapin kung ano ang tunay na pagkatao ko. Gusto kung mawala muna sa mundo alam mo ba yun .. At babalik nalang pag maging okay na ang lahat."

"Sum." sabay hawak ko pisngi niya.. "Andito lang ako para sayo. Kung ano man ang maging desisyun mo. Andito lang ako dahil mahal kita."

"I know Pearl.. "

At agad kaming nagyakapan na dalawa ...

"Okay na tayo?" tanong ko sa kanya..

"Magiging magkaibigan muna tayo ,hayaan mong aayusin ko ang lahat. Ayusin ko muna ang sarili ko.. ang buhay ko.. At sana maintindihan mo yun."

"Naintindihan ko Sum. Huwag kang mag alala. Andito lang ako pang kailangan mo ako."

Tumango si Sum. At yinakap ko siya ulit ng mahigpit bago ako nagpaalam sa kanya ... Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko..

---

"Mahal kong Prinsesa?"

"Inang Reyna?" si Ina nang bigla siyang pumasok sa pahingaan ko.

"Kumusta kayo ng Mahal na Prinsipe Noah? Gusto ko siya para sayo Mahal kong Prinsesa." sabay haplos ni ina sa buhok ko..

"Ina, magkaibigan lang kami ni Noah at alam mo naman na may mahal na akong iba."

"Si Prinsesa Adrielle?" tugon ni Ina sabay simangot ng mukha niya.. "Nahihibang ka na talaga. Ayaw niya na maging katulad natin. Ayaw niyang bumalik sa pamilya niya. At ang isang prinsesang katulad mo ay nababagay sa isang makisig at matapan an prinsipe na katulad ni Noah at hindi sa isang prinsesa din." patuloy ni Ina..

"Nuon sabi mo ayaw mo kay Summer dahil isa siyang tao at ngayong nalaman natin na isa siyang katulad natin, hindi pa rin pwede? Mas magulo ka pa kay Summer ina."

"Huwag mo akong sagutin ng ganyan! Ako pa rin ang iyong ina. Ang mahal na reyna."

"Alam ko Mahal na Reyna pero sana naman pagdating sa kaligayahan ko.. Pagdating sa puso ko hayaan mo akong ako ang pipili kung saan ako magiging masaya ."

"Ako pa rin ang iyong ina. at ako pa rin ang nakaalam kung ano ang makakabuti para sayo. Ikaw ang susunod na maging Reyna sa kahariang ito. At hindi ako papayag na maging suwael sa akin ang susunod na Reyna ng kahariang pinapaguran ko. Tandaan mo yan Vanora!!" at agad akong tinalikuran ng Inang Reyna. Ughh!! Nakakainis! Haysss!!

---

"Vanora ?"

"Noah?"

"Masaya akong nakita ka ulit Mahal kong Prinsesa.. At mas masaya pa ako dahil sa sinabi ng Mahal na Reyna." tugon sa akin ni Noah nang binisita niya ako dito sa kaharian kinabukasan..

"Sinabi ng aking ina? Ano ang sinabi ng Mahal na Reyna sayo Prinsipe Noah?" pagtataka ko..

"Binigya na niya ako ng basbas na manligaw sayo Mahal kongPrinsesa.. At sinabi pa niya na kung magkakabutihan tayo .. Itatakada niya agad ang ating pag iisang dibdib at tatanghalin tayong Hari at Reyna sa ating mga kaharian.. Diba ang saya nun Vanora at magsisimula tayo ng bagong buhay kasama ang ating mga supling."

"Ano?? ano bang pinagsasabi mo Noah? Hindi mangyayari ang sinasabi mo? Patawad." sagot ko agad sa kanya..

"Pero bakit Vanora? Hindi mo ako kayang magustuhan?"

"May mahal ako.. at siya lang ang mamahalin ko habang buhay.. Siya lang Noah kaya patawarin mo ako. Hanggang magkaibigan lang tayo." tugon ko kay Noah .. Nadismaya siya sa kanyang narinig. . Biglang nag iba ang awra ng kanyang mukha..

"Ngayon lang ako inayawan buong buhay ko. Alam mo bang kahit sino sinong prinsesa nalang ang naghahabol sa akin para lang mapangasawa ako pero ikaw ganun ganun mo lang akong hinindian ? Napakasakit Vanora. Ngayon lang ako nagkagusto ng sobra pero ganito mo lang din ako inayawan? Anong meron sa kanya na wala ako? Sabihin mo at lalagpasan ko yun."

"Hindi ka magiging katulad niya at lalong hindi mo siya malalagpasan!" sagot ko ng buong tapang kay Noah.

"Sabihin mo sa akin kung bakit??"

"Dahil isa siyang babae .. Isa siyang prinsesa. Prinsesa ng buhay ko. Prinsesang mahal ko. At siya lang ang nag iisa sa puso ko. Ngayon alam mo na kung bakit hindi mo siya kayang lampasan!"

Natigilan si Noah sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

"Uu Noah! Isang prinsesa ang gusto at mahal ko. Isang babaeng katulad ko. "

"Hindi pwede ang gusto mo. Nagdadala ng malas ang pag iibigan ng katulad ng sinabi mo. At alam mo yan? Sino ang prinsesang ito Vanora. Sino? Alam mo bang mapapalayas kayo dito kung ipagpatuloy niyo ang bawal na pagmamahalang binuo ninyung dalawa at yan ang hindi ko papayagan. Ayukong maitapon ka sa malayo. Gagawin ko ang lahat para makuha ka. Tandaan mo yan!"

"Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari Noah!"

"Hindi mo ako kilala. Hindi ako titigil hanggang di ko makukuha ang gusto ko. Pagdating sa pag ibig sakim ako at gusto ko kung ano ang gusto ko makukuha ko sa paraang gusto ko. Huwag mo yang kalimutan Mahal kong Prinsesa!"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Noah. Tama siya hindi ko nga siya kilala at ngayon pinapakita na niya ang tunay na kulay niya .. Kung alam ko lang sana hindi ako nakipagkaibigan sa kanya. Uggh! Pero hindi ako natatakot sayo Noah! Lalabanan kita at hindi ako papayag na makukuha mo ako . Hindi kita papayagan. Hindi!

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon