TMB 26

4.2K 124 1
                                    


-Summer-

*

"Tama naman si Pearl Sum, kung tayo naging okay nga na mas malaki pa kasalanan ko sayo . Siya pa kaya hindi mo kayang mapatawad . Unfair din yun para sa kanya." si Aliyah habang nagkakape kami sa balcony ng bahay..

"Gusto ko mang hawakan siya ng mahigpit at hindi papakawalan wala rin akong magagawa dahil ayuko ang buhay na gusto niya. Nandito ang buhay ko. At hindi ang buhay na gusto niya."

"Diba kung mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para makasama siya?" tanong ni Aliyah sa akin sabay tinginan naming dalawa.

"Kung itatanong ko yan sayo? Gagawin mo ba?"

"Yes cuz Love conquers all."

"Hindi ko alam na may alam ka pala sa mga bagay na yan lalo na pagdating sa love." tugon ko kay Aliyah at natawa siya..

"Grabeh ka, anong tingin mo sa akin ? Bato? Walang pakiramdam. Gusto ko nga si Pearl diba ? Pero ngayon na hindi ko na siya nakikita, unti unti na ring nawawala yung feelings ko for her."

"Ibig sabihin hindi mo siya ganun ka gusto kasi pag gusto mo talaga ang isang tao hinding hindi mawawala ang feelings mo sa kanya na ganun ganun lang."

"So mahal na mahal mo pa rin siya?" tanong ulit sa akin ni Pearl...

"Di ako na inform na interview pala itong usapan na to?"

"Just answer my question Sum?"

"Yes! I still love her at hindi yun ganun ganun nalang mawawala kaya nga di ko siya matiis db ?"

"Yan naman pala eh.. So, sundan mo na siya sa ilalim ng dagat bago pa mahuli ang lahat." patuloy ni Aliyah..

"Hindi ko pa rin ma imagine na titira ako sa ilalim ng dagat! My God! Nakakatawa na nakakabaliw .. Bakit ikaw kaya mo ba? No phone? Internet? Car? Mall? "

"Ha ha ha parang mabubuang ata ako.. Hindi ko rin ata kaya Sum."

"See!!! Hindi ganun kadali Aliyah.. You feel me na?"

"Yeah i feel you na.."

At natatawa nalang kaming dalawa ni Aliyah....

---

Nagdaan ang mga araw naging mas malapit kami ni Aliyah. At mas nakilala ko siya ng lubusan at ngayon naintindihan ko na siya kung bakit nagawa ang lahat ng iyon dahil sa kulang nga atensyon ng pamilya at kulang ng pagmamahal sa mga taobg gusto niyang magmahal sa kanya lalo na kaming pamilya niya..

Andito ako ngayon sa opisina kausap si Pearl nang bigla siyang nagpakita ulit sa akin..

"Ang kapal naman ng mukha ng Noah na yun, talagang tinatakot ka niya?"

"Nakakatakot yung pinagsasabi niya sa akin pero akala niya magpapadaig ako sa kanya.. kilala mo ako Sum."

"I know ! Mas matapang ka pa nga sa akin eh."

"Alam mo naman na pagdating sa mga mahal ko dapat maging matapang ako... at isa ko pang kakainisan si Ina. Kung alam lang niya ang sinabi sa akin ni Noah siguradong hindi siya matutuwa." smabit ni Pearl sa akin..

"Sabihin mo sa kanya para magising siya sa katotohanan na yung prinsipeng gusto niya ay may lahing dugong!"

"Ha ha ha! Hayy ewan! Ayuko nalang isipin muna kasi nakakainit ng ulo.. Ahm, kumusta kana?" sabay hawak niya sa kamay ko.. sabay ngiti niya sa akin at napangiti din ako sa kanya..

"Namiss kita .. Ang maganda mong mukha Pearl."

" Namiss din kita Sum kaya andito din ako para makita ka."

At agad kung hinalikan ang mga kamay niya.. at dinampian ng halik ang kanyang mga labi.

"HINDI KO INAASAHAN NA ITO AGAD ANG MAKIKITA KO !!"

"NOAH?????" gulat si Pearl nang biglang may lalaking pumasok sa opisina ko..

"Noah?" sambit ko sabay tingin kay Pearl ..

" Ano ang ginagawa mo dito? Paano mo ako nasundan?"

"Pinapasundo ka ng Mahal na Reyna kaya uuwi na tayo." sabay hawak ni Noah sa kamay ni Pearl.

"Huwag mo akong hawakan at hindi ako uuwi na kasama ka. Uuwi ako kahit kailan ko gusto!" sabay bitaw ni Pearl sa kamay niya sa lalaki.

"Uuwi tayo sa ayaw at gusto mo!" hinawakan niya ang braso ni Pearl..

"Bitawan mo ako ano ba Noah??!!"

" Bitawan mo siya!" sabay hila ko kay Pearl..

"Huwag kang makialam dito kung ayaw mong masaktan!"

"Ako ba ang tinatakot mo?" sabay lapit ko kay Noah.

"Summer huwag mo na siyang patulan! Noah pwede ba umalis kana!!"

"Huwag kang makialam dito dahil hindi mo ako kilala!!" patuloy ni Noah na parang walang naririnig sa sinabi ko sa kanya..

"Kilala kita !! Ikaw lang naman ang pepetshuging prinsipe na may dugong berde!! Ikaw , kilala mo ba kung sino ako? Nasabi na ata sayo ni Pearl na isang prinsesa ang mahal niya db??!! Kilala mo ba ang prinsesa na yun Prinsipe Noah???" sabay crossedarm ko.

"Hindi ako pepetsuging prinsipe at hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin sayo!!" sabay duro niya sa akin..

"Tama na Noah, Sum?"

"Noah. Noah!! Sa pagkakaalam ko mas makapangyarihan ang isang prinsesang may dugong pula kaysa sa mga tulad mo.. Kaya huwag mo akong takutin kasi pwede kitang gawing dugong ngayon kung hindi ka aalis sa harapan ko!!! Kaya Layas!!! Layas!!!"

Napatitig si Noah kay Summer ..

"Ano Prinsipe Dugong? May sasabihin ka pa?? O Aalis kana??"

"Hindi aalis si Noah, at hindi ako aalis kung hindi namin kasama si Vanora!!"

Isang napakagandang may edad ang biglang sumulpot sa loob ng opisina ko.

"Inang Reyna??"

Bigkas ni Pearl.. Ang Ina niya..

"Umuwi na tayo Vanora! Noah!?" sabay hawak ng Ina ni Vanora sa kanyang braso..

"Pearl?" agad kung nahawakan ang isang kamay niya..

"Summer?" napaluha si Pearl..

"Bitawan mo ang anak ko tao!" humarap sa akin ang ina ni Pearl.

"Isa akong sirena katulad ninyu." sagot ko..

"Tama ba ang narinig ko? Ha ha ha Isa kang sirena na katulad namin? Kailan mo lang yan nalaman? Diba hindi ko tanggap kung ano ka at kung ano ang totoong ikaw? At sa tingin mo ba papayag pa rin ako na maging kayo ni Vanora kahit tanggap mo pa ang sarili mo? Hindi! Hinding hindi dahil isang Prinsipe ang nababagay sa isang Prinsesang katulad ng anak ko. At hindi ikaw yun Prinsesa Adrielle!! Tayo na !!

At biglang nalang silang nawala sa paningin ko...

"Summer are you okay?" biglang pasok ni Aliyah sa loob ng opisina .. "Nakita ko ang lahat ng nangyari.. Sum?"

Napahagulgul ako at napayakap nalang ng mahigpit kay Aliyah.

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon