TMB 04

7.3K 200 1
                                    


-Princess Vanora-

"Pinaglalaruan mo na naman ang taga lupa mahal kong prinsesa" sambit sa akin ng Inang Reyna..

"Naawa ako sa kanya Inang Reyna.. Pwede ko ba siyang tulungan, mukha naman po siyang mabait.."

"Vanora, gusto mo man siyang tulungan pero wala kang magagawa mahal kong anak.. Dahil alam natin pareho na wala sa atin ang gamot na makakalunas sa karamdaman ng kanyang ama.." sagot sa akin ng Inang Reyna..

"Ang mahiwagang halaman Ina... Baka makakatulong ito sa karamdaman ng kanyang ama.. Pwede kung ibigay sa kanya.. "

"Bakit ba matigas ang ulo ng anak ko.. Kahit anong mahiwagang halaman pa yan mahal kong prinsesa hindi pa rin ito makakalunas sa karamdaman ng kanyang ama.."

"Inang Reyna.. tanging pulang dugo lang ba ng isang sirena ang makakalunas sa kanyang ama?" usisa ko sa aking Inang Reyna..

"Anak mabuti pa magpahinga kana.. At kalimutan mo muna ang taong lupa na yun dahil ayukong mapahamak ka .. Mapahamak dahil sa kanilang maling akala.."

"Pero Ina?"

Hindi na nagsalita si Inang Reyna at agad tumalikod palabas sa aking dako.. hmm.. Hindi ako makapagpahinga .. Nabagabag ako sa sinabi ng aking Inang Reyna..

Bumangon ako at lumabas papunta sa luklukan ng aking Nanang..

"Nanang gising pa po ba kayo?" at tumabi ako sa paghiga sa aking Nanang..

"Oh mahal na prinsesa .. Hindi ba makatulog ang aking apo?" sabay haplos ni Nanang sa aking ulo...

"Nanang, bakit po asul ang kulay ng ating dugo? At may mga sirena po ba talaga na mapupula ang dugo?"

"Apo, asul ang kulay ng ating dugo dahil taglay natin ang kapangyarihan na magpapawala sa memorya ng isang nilalang.. Ang mapupulang dugo naman na sirena taglay ang kapangyarihan na makapaggamot ng ano mang karamdaman.." sagot ni Nanang sa akin..

"Saan po ako makakakita ng sirena na mapupula ang dugo nanang?"

"Bakit mo naitanong mahal na prinsesa?"

"Gusto kung tulungan ang taga lupa.. May karamdaman ang kanyang ama at tanging pulang dugo ng sirena ang makakalunas nito .." sagot ko kay Nanang..

"Apo, wala na ang mga sirena na kailangan mo.. " biglang nalungkot ang mukha ni Nanang ..

"Ano ang ibig mong sabihin Nanang?"

"Sa isang di kalayuang palasyo mula dito..nakatira si Haring Alon , ang kanyang kabiyak na si Reyna Alena kasama ang kaisa isa nilang anak na si Prinsesa Adrielle.. Nakipagkaibigan sila sa isang taga lupa.. Binigyan nila ito ng kayamanan at naging pinakamayaman ang taong yun sa lugar nila.. Isang araw bigla nalang nawala ang pamilya ni Haring Alon at pinaniwalaan ng lahat na tinangay at tinago ito ng taong taga lupa ,pinahirapan at siguro pinatay dahil naging sakim ang tao dahil sa kayamanan na maibibigay ng mga sirenang mapupula ang mga dugo.. "

"Anong kayamanan Nanang ang mabibigay nila? Kagaya ng ano?" usisa ko kay Nanang. ..

"Umiiyak ng gintong bato ang mga sirenang mapupula ang dugo.. At yan ang wala tayo apo.. Kaya mas maraming interesado sa kanila kaysa sa atin.. Pero sa panahon ngayon mahal kong prinsesa wala ng naniniwala sa atin.. Wala ng naniniwala kung totoo ba talaga ang mga sirena.. Naging kwento kwento nalang ito sa mga taga lupa , kaya apo mag ingat ka sa kanila .. at baka mapahamak ka Vanora.. "

Hindi na ako nagsalita pa.. Napaisip ako sa sinabi ni Lola na mga sirenang mapupula ang dugo.. Nasaan sila? Totoo kayang pinatay sila ng taong lupa na naging kaibigan nila.. Walang awa naman kung ganun ang nangyari sa kanila.. Bakit ang sakim ng mga tao.. Bakit ang sasama nila..

"Matulog na tayo apo.. Lumalim na ang gabi at ayukong mapagalitan ka na naman ng iyong ina.."

"Opo Nanang.."

Dinampian ng halik ang aking noo ni Nanang at agad na akong pumikit...

------

"Ano ang ginagawa natin dito Prinsesa Vanora?" pagtatakang tanong ni Perlas sa akin.. ang kaibigan kung sirena.. "Alam mo bang hindi tayo pwedeng pumunta dito, ipinagbabawal ng Mahal na Reyna.."

"May titingnan lang tayo saglit Perlas .. at hindi ka naman siguro magsusumbong kay Ina kasi tayong dalawa ang mapapagalitan.."

"Ano ang titingnan natin sa isang abandonadong palasyo na ito, baka may pating dito Vanora... Uuwi nalang tayo.."

"Ssshhhh saglit lang Perlas at walang pating dito ano ka ba?"

Patuloy kami sa paglangoy ni Perlas papasok sa malaking abandonadong palasyo ni Haring Alon at Reyna Alena..

Napahinto kami nang makita ko ang isang larawan na inukit sa isang malaking bato sa loob ng palasyo..

"Tingnan mo to Perlas, siguro ito si Haring Alon, Reyna Alena at ang Prinsesa Adrielle..."

"Malamang sila nga yan.. Tingnan mo naman nakapatong sa kanilang mga ulo ang kanilang mga korona.. "sagot sa akin ni Perlas..

Napatitig ako sa kanilang larawan lalo na sa prinsesa ..

"Vanora ,uuwi na tayo .. Nakita mo na ang hinahanap mo..Natatakot na ako ... Tayo na.."

Sabay hila sa akin ni Perlas palabas ng palasyo ni Haring Alon...

--------

"Ayukong babalik pa kayo sa palasyo na yun Vanora, Perlas.." si Inang Reyna.. grrr ! wala talaga akong malilihim sa akin ina..

"Patawad Mahal na Reyna.." si Perlas...

"Inang Reyna bakit ipagbabawal ang pagpunta sa palasyo na yun? Wala namang masamang nangyari sa amin ni Perlas.. Nakalabas pa naman kami ng buhay.."

"Sa ngayon nakalabas kayo ng buhay, sa susunod baka hindi na talaga kayo makalabas mahal kong prinsesa..kaya sana sundin mo kung ano ang sinasabi ko.."

"Bakit Inang Reyna?"

"Dahil isang sumpa ang lugar na yun simula ng mawala ang pamilya ni Haring Alon.. Kaya makinig kayong dalawa sa akin. Hinding hindi na kayo babalik dun. Hindi na!"

Nagkatinginan nalang kami ni Perlas..

"Opo mahal na Reyna.." sabay kaming sumagot ni Perlas..

------

"Nanang ano ang sumpa na pinagsasabi ni Ina?"

"Marami na ang hindi nakalabas na sirena na pumasok dun sa abandonadong palasyo ni Haring Alon kaya Apo huwag na kayong bumalik dun.. Huwag na apo.. Hindi na kayo pwedeng bumalik don.." si Nanang ..

"Opo Nanang."

Siguro kung nabubuhay pa ang Prinsesa Adrielle magkasing edad kami.. Magiging matalik na kaibigan.. Hayss.. Bigla akong nalungkot.. Bakit ganun sila kasama.. Pero hindi lahat ng tao masama.. Naniniwala pa rin ako na may mabubuting puso katulad ng taong lupa na pumupunta dito.. Ano na kaya nanngyari sa kanya.. Siguro hindi na yun babalik. Bakit ko ba tinakot kasi.. Gusto kung makipagkaibigan sa kanya. at higit sa lahat gusto ko siyang tulungan sa abot ng aking makakaya..

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon