TMB 13

5.2K 175 6
                                    


-Pearl (PV)-

*

"Ipapahamak mo ang sarili mo para maligtas ang dalawang sirena na nasa kamay ng taga lupa."

"Ina , hindi lang sila kung sinong sirena.. Mahal na Reyna , si Haring Alon at si Reyna Alena ang ikinulong ng taga lupa. " tugon ko kay Inang Reyna..

"Ano? Totoo ba ang sinabi mo Vanora?"

"Mahal na Reyna hindi ako nagkakamali, yung larawan na nakita ko sa palasyo nila, sila din ang ang ikinulong ni Miggy."

"Dalawa lang ba ang nakita mo Vanora? Nasaan ang Prinsesa Adrielle?" usisa ni Inang Reyna.

"Yan ang hindi ko alam Ina.. Dalawa lang ang ikinulong sa malaking aquarium.. Kailangan ko silang tulungan."

"Mapapahamak ka.."

"Uuwi ako dito ng buhay Mahal na Reyna.. Pangako yan."

At agad yinakap ako ng Mahal na Reyna..

"Napakabuti mo anak.."

"Uuwi ako ng buhay Mahal na Reyna."

Tumango si Ina.. At binigyan niya ako ng sapat na kapangyarihan para labanan ang sakim na taga lupa at matulungan ang Hari at Reyna..

---

"Pearl? What are you doing here ?" si Miggy.. "Kung andito ka para pakiusapan na naman ako na pakawalan ang dalawang sirena.. Im so sorry hindi ko pa rin magagawa yan.. "

Pinuntahan ko si Miggy sa rest house niya..

"Pakawalan mo sila kapalit ko.. "

"Kapalit mo? Ano bang magagawa mo.. Sirena ka ba? Mabibigyan mo ba ako ng kayamanan tulad ng ibinibigay nila sa akin?" sabay haplos niya sa pisngi ko..

"Kung sabihin kung Uu.."

"What? ha ha ha nagpapatawa ka ba?"

Hindi ako nagsalita.. Napalingon ako sa dalawang sirena..

"Palabasin mo sila sa aquarium.. At ako ang papalit sa kanila.."

"Seryuso ka ba?" nag iba ang anyo sa mukha ni Miggy..

"Palabasin mo sila .. at malalaman mo kung ano ang sinasabi ko.."

Napatitig sa akin si Miggy.. Hindi siya makapaniwala sa aking sinabi..

"Palabasin mo sila!!"

"Okay okay!"

At agad binuksan ni Miggy ang itaas na bahagi ng aquarium .. Tinawag niya ang kanyang tatlong tauhan at kinuha isa isa ang dalawang sirena palabas sa kanilang malaking kulungan..

Inihiga ang dalawa sa sahig.. At ilang sandali ay nagkaroon sila ng mga paa.. Agad kung binigay ang mga damit na dala ko para masuot nila..

"Sino ka?" tanong ni Haring Alon..

"Ako si Vanora.. Prinsesa Vanora ang anak ni Reyna Almera..at andito ako para pakawalan kayo... Kailangan kayo ng iyong kaharian." tugon ko sa kanilang dalawa..

"Prinsesa Vanora.. Ang anak ni Reyna Almera.. Ang laki mo ha Vanora.. Napakabuti mo mahal na prinsesa." sambit ni Reyna Alena..

"Si Prinsesa Adrielle nasaan siya?"

"Tama na ang chitchat Pearl.. Pakita mo na sa akin kung ano ka.. Kapalit ng kalayaan ng dalawa." si Miggy..

"Kailangan niyo pong umalis.. Dumeretso kayo sa kaharian ng Ina kong Reyna.. Hinihintay na kayo ng kaharian namin.." .

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon