TMB 19

4.5K 144 6
                                    


-Pearl-

*

"Si Prinsesa Adrielle ang bukod tanging makakapagpagaling ng tuluyan kay Gilberto Mahal na Prinsesa." sagot sa akin ni Reyna Alena.. "Ang kapatawaran ng Prinsesa at isang patak na dugo ang makakapagpagaling sa kanya."

"Kailangan ko itong ipaalam kay Aliyah."

"Prinsesa patawad sa sasabihin namin pero sa ipinakita ng kapangyarihang halaman sa amin, hindi kami kumbensido na si Aliyah ay ang nawawalang prinsesa.. " si Haring Alon.. "Suot niya ang makapangyarihang kwentas ko pero hindi ko matandaan na binigay ko ito sa kanya.. at sa tingin ko ginagamit niya sa kasamaana ang aking kwentas."

"Ano ang ibig niyong sabihin?"

"Kailangan mong makuha ang kapangyarihang kwentas Mahal na Prinsesa at ito lang ang bukod tanging bagay na makakapagsabi sa atin lahat kung ano ang tunay na nangyari sa nakaraan." patuloy ni Haring Alon..

"Masasabi niyo po ba Mahal na Hari na itong nagpapanggap na ako ay kagagawan ng iyong kwentas?" usisa ko kay Haring Alon

"Maari dahil ang kapangyarihang kwentas lang ang makakagawa sa isang tao na magigin sirena at ang sirena sa pagiging tao at pwede niya itong gawin o ipagpalit ang dalawang nilalang panghabambuhay kay kailangan mong manakaw ang kwentas habang hindi pa ito nakapinsala Mahal na Prinsesa."

--

Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Haring Alon.. Si Aliyah. Isa siyang impostora? Kailangan ko itong malaman..

"Hey lalim ng iniisip mo?" si Aliyah..

"Aliyah, ikaw ang makakatulong sa Papa mo, sirena ka na may dugong pula, ikaw ang magpapagaling sa kanya ng tuluyan."

"Alam ko Pearl." tipid niyang sagot "Pero hindi ko siya tutulungan.. Parusa niya yun sa ginawa niya sa akin at sa mga sirena na pinamalupitan niya." sagot sa akin ni Pearl na may galit ang mukha ..

"Aliyah??? May galit ka pa rin sa kany? Akala ko ba napatawad mo na siya? " sagot ko at agad akong napatingin sa kwentas niya.. ang kwentas ni Haring Alon..

"Pearl huwag mo silang alalahanin.. Masasama silang tao .. At ikaw, ililigtas kita kay Summer."

"Kaya ko ang sarili ko huwag kang mag alala sa akin."

"Galit kaba sa akin?" sabay hawak niya sa kamay ko .. at agad ko itong tinanggal.. napatitig siya sa akin..

"Magpahinga kana may trabaho pa ako." sambit ko sa kanya..

Hindi siya kumibo at lumabas agad ng clinic..

---

"Pearl?"

Si Summer ..

"May dala akong pagkain namiss kitang kasalo mahal ko." sambit niy at agad akong napangiti at sinalubong siya habang papasok sa loob ng clinic..

Agad kung hinalikan ang mga labi niya na tinugunan naman niya ito.. sabay yakap niya sa akin ng mhigpit ..

"Im so sorry Pearl nagpbulag ako kay Vanora.. At narealize ko na ikaw pala talaga ang mahal ko.. Wala na akong pakialam sa sirena na yun hindi ko na siya pupuntahan pa at ibabaon ko na siya sa limot dahil ikaw ang mahal ko Pearl . i love you and i wanna be with you always .. everyday.. forever.."

Napaiyak ako sa sinabi ni Summer..

"Mahal na mahal kita at ikaw .. ikaw lang din ang gusto kung makasama habambuhay Summer.. Walang iba at alam mo yan.. Ikaw lang .. Kaya sobrang saya ko kasi akala ko hindi mo na ako mahal.. "

"Ikaw at ikaw lang ang mahal ko Pearl.. Wala ng iba.. at wala na akong pakialam sa iba.. Sayong sayo ako Pearl."

"Summer. Mahal ko."

At napaluha na rin si Sum .. at naghalikan kami ulit .. Masarap na halikan ang pinagsaluhan naming dalawa ..

"I love you mahal ko"

"and I love you more mahal ko" sagot ko at agad kaming nagkangitian..

Bahala na .. Alam kung marami akong tinatago kay Sum pero sa ngayon hayaan ko munang maging masaya kaming dalawa na walang iniisip na problema at pag aalinlangan.. Mahal ko si Summer at mahal niya ako kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya.. mapasaya ang isang taong pinakamamahal ko ..

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon