TMB 05

6.4K 211 2
                                    


*

Babalik pa kaya siya eh tinakot ko nga.. Hmm.. Maghihintay lang muna ako dito.. Sigurado ako babalik siya para sa kanyang ama..

Maghahating gabi na.. Hmm.. Baka hindi na talaga yun babalik.. Natakot talaga sa multo.. Itong mukha na to, multo?? Ha ha ha .. Gandang multo.. Babalik nalang siguro ako sa palasyo.. Parang hindi na siya pupunta dito...

Lulusob na sana ako sa ilalim ng tubig nang may narining akong tunog ng isang sasakyang pandagat na papalapit sa kinaroroonan ko kaya agad akong nagtago sa gilid ng malaking bato..

Bumalik siya... Abah! Matapang naman pala..

Pinahinto niya ang kanyang sinasakyan at tumayo sa harapan nito .. Tumingin sa buong paligid.. Huwag mong sabihin sa akin na lulundag ka sa tubig para magpakita na naman ako .. O mag iingay na naman.. Hayy naku mga tao talaga..

Pinagmamasdan ko lang siya... Napakaganda niya.. Kung wala siyang paa iisipin ko talaga na isa siyang sirena.. napakagandang sirena.. Pero tao siya.. at hindi ko siya ka uri..

"MULTO ANDITO KA ALAM KO, HINDI NA AKO NATATAKOT SAYO, MAGPAKITA KA SA AKIN..ALAM KUNG NARIRINIG MO AKO.. MAGPAKITA KA.."

Abah! Tingnan mo to.. Tinawag talaga akong multo.. Nag iingay na naman ang taong lupa na ito.. Ay naku!

"MAGPAKITA KA ,HINDI AKO NATATAKOT SAYO HUWAG MO LANG AKO TAKUTIN DIN SIGE NA OH PLEASE MAGPAKITA KANA.."

Ay naku! Pag ikaw marinig ng Inang Reyna mapapagalitan na naman ako.. Oo na, ito na, magpapakita na ..

"PLEASE MAGPAKITA KA SA AKIN..PLEASE!"

Lumangoy ako papunta sa sasakyan niya.. Hindi niya ako napansin.. Nakatalikod siya.. Nakaharap sa harapan.. Nasa gilid na ako ng kanyang sasakyang pandagat. At dahan dahang umakyat sa hagdanan .. at dahan dahan ko siyang nilapitan..

Nagkakaroon ako ng paa pag wala ako sa tubig tuwing gabi...pero hindi pwede kung may araw.. nasa tubig man o wala..

Nakatayu na ako sa kanyang likuran.. hindi pa rin niya namalayan na may nakatayu sa likuran niya..

"ANO BA? AYAW MO BANG MAGPAKITA? KAILANGAN KO PA BANG LUMUNDAG SA TUBIG PARA MAGPAKITA KA.. GUSTO MO BA AKONG PAHIRAPAN ULIT, KUNG YAN ANG MAGPAPALABAS SAYO.. GAGAWIN KO.. ITO NA LULUNDAG NA AKO.. GAGAWIN KO TALAGA!"

Lulundag na sana siya sa tubig nang agad kung mahawakan ang braso niya at agad kung hinila..napalakas ang paghila ko sa kanya kaya napayakap siya sa akin.. at natumba kami pareho sa sahig at pumaibabaw siya sa akin..

Pareho kaming nagulat sa nangyari.. Nagkatitigan kaming dalawa .. Malapit ang mukha sa isat isa habang nasa ibabaw ko siya..

"Wooo woooo .." agad siyang tumayo at napa atras nang makabalik sa kanyang sarili.. at tumayo na rin ako.. nakatingin sa kanya.. "A -anong ginagawa mo dito ? Pa-pano ka naka akyat? Saan ka galing? At bakit - bakit nakahubad ka?" sabay tingin niya sa kabuuan ng katawan ko..

Bigla akong nahiya .. Kaya agad akong tumalikod..

"Bigyan mo ako ng takip sa katawan kung ayaw mong may babaeng nakahubad sa harapan mo.."

Hindi siya sumagot at agad niyang tinakpan ang likuran ko ng kanyang suot na damit na panlamig.. at humarap ako sa kanya .. umatras siya..

"Huwag kang lumapit sa akin.." sambit niya.

"Ha ha ha bakit kayong mga tao.. Hindi ko maintindihan.. Kanina tinatawag mo ako tapos ngayon na andito na ako sa harapan mo sasabihin mo na huwag akong lumapit sayo.. At bakit takot ka sa babaeng nakahubad eh pareho naman tayong babae.. Meron ka ring ganito ." tugon ko sa kanya.. at napatitig siya sa akin..

"Ah basta.. huwag kang lumapit..."

"Kung lalapit ako sayo may magagawa ka ba? Akala ko matapang kana at di ka na takot sa multo.. Dba sabi ko sayo huwag ka ng bumalik dito? At bakit gusto mo akong makita? Ito na.. Andito na ako sa harapan mo? May sasabihin ka ba? "

"Si-sino ka ba talaga? At paano ka napunta sa yati ko.. Hindi ka multo.. alam kung pinagtitripan mo lang ako.. "

Natawa ako sa kanya.. at sabay napailing.

"What's funny? Ano ang nakakatawa?"

"Yang mukha mo nakakatawa.. Sobrang putla mo na.. Akala ko ba hindi ka na natatakot sa akin.." at unti unti ko siyang nilapitan..

"No! Diyan ka lang.. Huwag kang lumapit sabi.."

"Ha ha ha .. Hindi kita lalapitan baka lulundag ka sa tubig at matuluyan kana, kasi wala na akong balak na sagipin ka.. "

Nakatitig lang siya sa akin...

"Alam ko kung ano ang kailangan mo kaya pumupunta ka dito... "

"A-ano ang ibig mong sabihin, anong alam mo? Sino ka ba talaga?" usisa niya ulit.

"PRINSESA VANORAAA?" isang tawag ang nagpatahimik sa amin.. boses ni Perlas..

"Sino yun? Narinig mo yun? Boses, may narinig akong boses.." sambit niya sa akin sabay tingin sa palagid..

"Umuwi kana tao.. at kailangan ko na ding umuwi .. Ito ang saplot mo.. "sabay abot ko sa kanya.. "Paalam.."

At agad akong lumundag sa tubig.. At sinigurado ko na makikita niya ang aking buntot..

"WAIT?!" sigaw niya...

Napalingon ako sa kanya...

"Isa... isa kang... SI-SIRENA????"

"Umuwi kana ... Paalam!"

At agad na akong lumusong sa ilalim ng karagatan.. at hindi ko na siya nilingon pa.. Napangiti nalang ako sa mga nangyari..

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon